Chapter 12

389 15 3
                                    


CHRISTIAN LAKE

MAMAYA ay dumating ay si Rifah at pinapasok namin siya. May dala-dala siya ngayong box na naglalaman ng cake. "Hi guys..." pagbati niya sa amin kaya bumati rin kami. Inilapag niya sa lamisa namin ang dala niyang cake.

"Tamang-tama pala na nagsalo-salo kayo ngayon, may dala akong cake, pinapabigay 'to ni Mama sa 'yo Christian, pero malaki naman ang cake na 'yan kaya pagsalohan niyo nalang..." nakangiti siya at dali-dali naman kumuha ang mga kaibigan ko ng isang pirasong cake.

"Salamat dito Rifah, sabihin mo din kay Tita na maraming salamat..." tumango naman siya at sumabay na siya sa amin sa pagkain. Habang tinitignan ko ang mga kaibigan ko parang hindi pa sila nag-umagahan sa bahay, gutom na gutom eh. Ganito na talaga kami minsan, dito na sa room kumakain dahil ayaw ma-late.

Busog na busog kami ngayon at halos nagkalat pa kami sa room, pero nilinis lang din namin. Hindi pa dumating ang first subject namin kaya nandito pa kami sa likod nagtipon-tipon at nag-uusap.

"I think, this is the start of our friendship." Napangiti kami sa sinabi ni Eff.

Matatawag ko na 'tong my own circle of friends na good vibes lang at walang arte. Pero hindi ko pa pwedeng ipagtapat sa kanila ang sexuality ko not just because friends na kami, masyadong maaga pa kasi para malaman nila.


Nagtaka ako nang lumingon si Jason sa labas ng room. "Sam, come join us, chikahan tayo dito..." tawag niya kay Samantha na nasa labas ng pinto at mukhang nagdadalawang isip na pumasok.

Nagbakas pa ang lungkot sa mukha niya habang nakatingin sa amin ni Rifah. "H-Hindi na, dumaan lang ako to check you guys if nag start na klase niyo, wala pa din kasi sa amin." Mababang tuno ng boses niya.

"Wala pa naman pala, dito ka muna." Tugon ni Jason pero umiling lang si Samantha. "Ay hindi na, babalik na rin ako ng room, baka nando'n na si Ma'am." Lumabas na siya ng room.



Nang mag lunch time na ay magkasama kami ni Jason at Hweb papuntang cafeteria, natigil kami nang makitang papalapit sa amin si Samantha. Habang tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa ay napanganga ako sa pagkagulat.

Parang nagbago ang dating niya. Mula sa mga buhok niyang nakatali at walang kahit anong bahid ng make up sa mukha. "Wow, mas maganda ka naman pala pag walang make up Sam..." tuwang-tuwa ngayon si Jason.

"T-Thank you." Tila nahihiyang sagot ni Samantha.

Kung na-aapreciate siya ngayon ng mga kaibigan ko, nagtataka naman ako sa kanya. Talagang ibang-iba siya ngayon, parang hindi na siya 'yong Samantha na kilala. Sobrang tahimik niya at parang nahihiya.

Kapag nililingon ko pa siya ay umiiwas pa siya ng tingin at ngumi-ngiti. It feel so weird, ang kilala ko kasing Samantha medyo flirty, talagang magpapaganda 'yon sa harapan namin para mapansin.

Mukhang nag-iibang tao siya. Parang nagiging Rifah siya ngayon.


Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain, nakain na kasi namin kanina ang mga baon namin. Naiwan kami dito sa lamisa ni Samantha dahil namimili pa ng ulam ang mga kaibigan ko.

Napabuntong hininga ako. "Sam, you know what. Madaldal din si Rifah, kaya hindi ko kailangang tumahimik." Naging seryoso ang tuno ng boses ko.

Napanganga siya at parang nagtataka. "Sorry. What?" Nagtatakang tanong niya.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now