Chapter 17

337 17 2
                                    


CHRISTIAN LAKE

UMUWI ako sa bahay na nakasuot ng jersey na suot ko kanina sa training namin ni Kit, kaya gulat na gulat ngayon si Mama. "Wow, for the first time nakita kitang nakasuot ng short..." nilapitan niya ako at tinitignan ang jersey ko.

"Bagay ba sa akin Ma?" Tanong ko. "Yes of course..." hinawakan niya ang braso ko. "Nakaka-proud naman, meron na akong anak na athlete." Ramdam ko ang tuwa niya para sa akin kaya napangiti ako.

"Okay lang po sa inyong mag football ako Ma?" Tumango siya. "Yes naman, explore new things habang bata ka pa. Basta huwag lang pabayaan ang pag-aaral." Napayakap ako kay Mama.

Habang nasa loob ng kwarto ay kausap ko naman ang mga kaibigan ko sa Instagram. Pinakita ko sa kanila ang picture namin kanina ni Kit.


  INSTAGRAM
christian.lake

mainggit kayo please

hweblastmanstanding
yawko

jasonchixx
sanaol bakla
cute niyo dyan

hweblastmanstanding
pero dzai paalala ko lang sayo nandyan ka dahil punishment yan sayo wag masyado matuwa sa landian niyo

christian.lake
alam ko naman yon
pero alam niyo ba malakas talaga ang kutob kong hindi siya straight, sobrang sweet niya kasi sakin

jasonchixx
baka as a friend lang

christian.lake
hays napaka kill joy niyo
pero anyway kailangan ko na matulog dahil maaga pa ang training namin bukas

hweblastmanstanding
well good luck sa weekend hell mo bukas

jasonchixx
maienjoy mo pa kaya ang weekend mo eh nasa training kana lagi



Maaga akong nagising sa sobrang excited ko na makita ulit si Kit. Pinagluto din ako ni Mama ng baon dahil baka walang tinda ngayon sa cafeteria dahil saturday kunti lang ang mga students sa school.

Matapos ko kumain at suotin ang white jersey ay lumabas na ako ng bahay at nag bike, wala kasing mga school bus pag weekend. Pero ayos lang, dahil muli ko naman masilayan ang mga magaganda naming tanawin dito sa Goldenwoods. Malalanghap ko ang sariwang hangin habang nag babike dito sa gitna ng kalsada.

Pagkarating ko sa HA ay pinarking ko muna sa malawak parking lot ang bike ko bago pumasok at dumiretso sa sports complex. Nakita kong nagsimula na mag training ang Bravo Team sa field.

Napangiti ako nang makitang tumakbo ngayon palapit sa akin si Kit. "Kanina pa kita hinintay..." may ngiti sa labi niya habang umakbay siya sa 'kin.

Lumapit sa amin si Sir Oscar. "Kumusta ang training ni Christian?" Tanong niya kay Kit. "It was great Coach, mabilis niya natutunan ang mga training namin." Napangiti ako sa naging sagot ni Kit.

"Kung ganun tignan natin ang progress niya ngayon. Kaya mo na ba maglaro Christian?" Napanganga ako sa sinabi ni Sir, parang hindi ko alam anong isasagot ko. Nilingon ako ni Kit at hinihintay din niya ang sagot ko.

Dahan-dahan akong tumango. "Y-Yes Sir. Kaya ko po." Sagot ko at hinawakan naman ni Kit ang balikat ko. "Let's break a leg and enjoy the game."


Naka pwesto na ang lahat at kami-kami lang din ng team ang naglalaro. Hinati kami sa dalawang grupo at magkasama kami sa iisang grupo ni Kit. Dalawa sa team namin ang goal keeper, isa do'n si Ace, malalim ang titig niya sa akin na parang nais niya iparating na pipigilan niya akong manalo.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now