Chapter 5

554 20 3
                                    


CHRISTIAN LAKE

NATAHIMIK ang buong cafeteria. Parang gulat na gulat pa rin ang lahat sa nasaksihang pagbuhos ng basura ni Hweb sa buong Bravo Boys.

May naririnig pa akong bulong-bulongan ng mga students dito sa cafeteria. "My gosh, hindi ba niya kilala kinalaban niya?" Sabi ng katabi naming lamisa.

"Lagot. Gulo ang pinasok niya." Sabi naman ng isa.

Kita ang pinaghalong tapang at galit sa mukha ni Hweb kahit pa si Ace ang kaharap niya. Si Ace na kinatatakotan ng iba, lalo na ako dahil ayaw ko ng gulo.

"Yan ang nababagay sa inyo dahil nangangamoy basura ang ugali niyo!" Pinagtuturo ni Hweb ang Bravo Boys. "Mapanghi na nga ang mga mukha niyo, ang babantot pa ng ugali niyo!" Dagdag pa niya kaya nawala ang tensyon sa mga students dito dahil nagtawanan nalang sila.

Dahan-dahan ngayon inalis ni Ace sa mukha niya ang mga pinaghalong ulam na tira-tita ng mga students. Nakikita na ngayon sa mukha niya ang galit.

"Come on, fights off! Ilabas mo ang tapang mo!" Biglang sigaw ni Hweb kay Ace.


Dahan-dahan siya nilapitan ni Ace at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Sobrang tapang mo eh napaka-payat mo naman...isang suntok lang kita, bali agad ang buto mo..." tinawanan siya nito at sumabay pa ang ibang Bravo Boys.

Si Hweb na mismo ngayon ang lumapit kay Ace. "Oh, now you're body shamer." Nagtaas ang kilay niya. "Kung sa tingin mo hindi kita kayang labanan, dyan ka nagkakamali. Suntokan o, ngayon mismo." Kalmado siyang naghamon.

Hindi ngayon nakasagot si Ace at nagkatitigan lang silang dalawa ni Hweb. Sobrang lapit ng mga mukha nila lalo na dahil magkapariho lang sila ng height, pariho silang matangkad.

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang titigan nila. Tila natalo si Ace sa matalim na titig ni Hweb, kaya agad niya itinulak si Hweb dahil siguro naiilang na. "Lumayo ka sa akin! Baka mahawa pa ako sa kabadingan niyo." Parang nandidiring sabi niya.

Nilapitan si Ace ng mga kasamahan niya. "Ace umalis na tayo, kanina pa tayo pinagtitingan ng mga tao. At tsaka ang mababaho na natin, kailangan na natin maligo." Pag-awat nito. Hindi sumagot si Ace at nagawa pa niya akong lingonin bago sila umalis.

"Mga duwag naman pala kayo!" Sigaw ni Hweb kahit nakalayo na ang mga Bravo Boys.



Pagdating ng hapon ay tapos na ang klase at umiwaan na. Mag-isa ako dito nakatayo sa labas ng campus dahil sinundo na ang mga kaibigan ko sa service nila. Habang hindi pa nag green light ang traffic light ay nandito muna ako sa gilid ng kalsada at nagbabasa ng libro.

Mukhang may papalapit sa akin kaya dahan-dahan ako lumingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Kit ito at sobrang lapit ng katawan namin, muntik pa kami magkahalikan dahil sa biglang paglingon ko.

Tulad ko ay nagulat din siya nang makita ako. "Hi..." pariho naming sabi at sabay kaming natawa.

Habang nakatitig kami sa isa't isa ay natulala na naman ako sa mga mata niya, at kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

"Christian, are you free tonight? Can I take you for date?

"Yes!" Agad akong sumagot na abot tenga ang ngiti.


"What?" Natigil ako sa pag i-imagine at nakita kong nagtataka sa akin si Kit. Napakamot ako sa ulo. "W-Wala 'yon, masaya lang ako makita ka, kasi 'di ba tinulongan mo ako kanina." Sagot ko.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now