Chapter 18

301 16 6
                                    


CHRISTIAN LAKE

BUMALIK na ako sa bench kung saan nakaupo si Kit at nakita ko siyang nakatulog habang nakasandal ang ulo sa puno ng kahoy. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at tinignan ko siyang payapa ang tulog.

Maingat kong hinawakan ang ulo niya at ipina-sandal ko siya sa balikat ko. Mayamaya ay nagising siya pero hindi pa rin niya inalis ang ulo sa balikat ko. "Tapos na kayo mag-usap?" Tumango ako. "Anong sabi niya?" Tanong niya ulit. "She just said na susuportahan niya ako dito. She's a nice friend of mine." Sagot ko.

Tumango lang siya at sandaling tumahimik ang paligid dito habang naka sandal pa rin siya sa balikat ko.

"Look, there's a sunset again..." sabay turo niya sa sunset na nagbibigay kulay dito sa paligid.

"I'm so thankful that sunset existed, and you. Because you changed me a lot. Just like that sunset, nagbigay ka ng liwanag sa buhay ko. But I hope I never lost you. Because your the friend I need the most."

Habang sinabi niya 'yon ay naghalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko dahil kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Now I get the answer, walang ibang meaning 'yong pagiging sweet, kind and protective niya sa 'kin, he just do it dahil kaibigan niya ako.

Pero okay lang, the important thing is nakakasama ko siya. May ngiti pa rin sa labi ko habang nakatingin kami sa sunset.


Mayamaya ay umalis si Kit dahil pupunta muna siya ng restroom para maghilamos. Naiwan ako dito sa bench. Naging kabado ako ngayon nang lumapit dito si Ace kasama ng mga kaibigan niya sa Bravo Team.

"Hoy bakla! Nanalo ka lang kanina akala ko kung sino ka na! Hoy, kung wala si Kit hindi mo magawa!" Paninigaw niya sa 'kin.

Pinilit ko maging kalmado. "Totoo naman talagang kung wala si Kit hindi ko 'yon magawa, dahil nga siya nag training sa 'kin. 'Di hamak namang mas magaling pa si Kit kaysa sa 'yo." Sagot ko.

"Anong sabi mo!" Nagbakas ang galit sa mukha habang nakatitig sa 'kin.

"Ang sabi ko, hindi ka magaling, puro gulo lang ang ambag mo sa team." Nang sabihin ko 'yon ay dali-dali siyang lumapit sa 'kin at hinawakan niya ng madiin ang braso ko. "Matagal na akong pikon na pikon sa 'yo! Diin na pagkasabi niya habang napakagat pa siya sa labi.


Hinila niya ako ngayon papunta sa field. Pagkarating namin do'n ay itinulak niya ako ng pagkalakas kaya bumagsak ako sa field. "Umalis ka na sa team at layoan mo si Kit!" Paninigaw niya sa 'kin.

Habang nakahiga ako sa field ay matapang pa rin akong nakipagtitigan kay Ace. "Si Sir lang may karapatan magpa-alis sa 'kin dito, hindi ikaw." Sabi ko. "At bakit ko naman lalayoan si Kit, eh naging mabuti siyang tao sa 'kin." Dagdag ko pa.

"Ayon na nga eh, sinasamantala mo ang kabaitan niya sa 'yo!" Nilapitan niya ako at hinawakan niya ng mahigpit ang tela ng jersey na suot ko malapit sa leeg ko at hinila niya ako kaya napatayo ako ngayon habang nakatitig sa nanlilisik niyang mga mata.

"Akala mo ba hindi ko napapansin! Nilalandi mo si Kit! Dahil nga bakla ka 'di ba!" Hindi ako makasagot dahil nakaramdam ako ng panghihina sa tuwing binabanggit niya na bakla ako.

Nang tinatawanan na ako ng mga kasama niya ay naisip ko na manlaban dahil ayaw ko talagang tinatawanan ako. "Hindi nga ako bakla! At kasalanan ko bang mas gusto akong kasama ni Kit, kaysa sa inyo na mga apo ng satanas!" Dahil sa sinabi kong 'yon ay lalong nagalit ang mukha ni Ace na sobrang lapit sa 'kin.


Naging mas madiin ngayon ang hawak niya aa tela ng jersey ko at susuntokin na niya sana ako nang biglang dumating si Kit. "Hey stop fighting!" Pumagitna siya sa amin at ipinaglayo kami.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now