About Self

307 9 4
                                    


Christian and Kit story is a combination from my own story. Relate ako sa part ni Christian na nagkunwaring straight, hindi matanggap ang sarili at nag baka sakaling babalik sa pagiging straight.

Also, I relate sa part ng ldr niya pero hindi ko sine-seryoso, flirt flirt lang. Weird man pero hindi ako marunong sa personal, sa online lang ako minsan nakipag flirt, pero kapag may nag first move lang, kasi syempre standard tayo ackla.

Thank God hindi ko naman naranasan ma-bully dahil alam kong sobrang hirap no'n. Kaya dapat matigil na 'yan.


When comes to my sexuality issues naman, kay Kit ko nilagay ang part na 'yon. It started when I was 8, nanood kami ng series, nakalimutan ko na title pero naging idol ko no'n si Sam Milby (grabe 'no jeje days haha). Na-influenced pa ng mga gay friends ko dati, kaya ayon naging crush ko tuloy si Sam gagi.

Do'n na ako nagsimulang ma-confused sa sarili ko. Nagkaka-crush sa mga artistang lalaki, sa mga artista lang talaga, bihira lang sa personal, kaya nga ang boring ng life ko kasi wala akong crush at walang may interest sa 'kin. Gaya ni Kit tinago ko sa lahat, kinalimutan na parang hindi 'yon nangyari sa 'kin.


Nong nakasama ko si Kuya Paul ko ay lalo pang lumawak ang kaalaman ko sa LGBT dahil bisexual din si Kuya at nakapag out na siya. Naging comfortable ako dahil hindi lang pala ako ang nag-iisa

Hindi ko pinagsisihan na naging part ako ng community na 'to dahil lalo ako naging matured, naging mas understanding ako sa iba't ibang uri ng tao.

Nitong 2022 lang ako completely nag out. To all my senior high friends, thank you dahil naintindihan niyo ako at tinanggap niyo ako. I will never forget you guys. 


Naging mas comfortable na rin ako ngayon na ipakita ang totoong ako. Masaya ako habag sinusulat ko ito ngayon dahil sa wakas nasabi ko na ang mga salitang hindi ko masabi-sabi dati. Naibahagi ko na ang kwento ko.

Thank you Lovers sa pagbabasa nito. Boyfriends is not just my story, but story nating lahat 'to.

To all rainbows outhere, if you're not ready to come out, just take your time, don't pressure yourself, don't listen to negativity, don't let anyone stop you from shining.

Kapag handa ka na, sumabay ka na sa pagtayo at paglaban ng ating karapatan.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now