Chapter 1 - Book 1

5.1K 40 4
                                    


Batangas F3 Racing Circuit

ISA LANG iyong pagsasanay sa talagang race na gaganapin. Subalit hindi magkamayaw ang mga fan sa paghiyaw nang iparada ng race car driver ang sasakyan sa tabi matapos ang ilang ikot. Paglabas nito ng sasakyan ay kumaway ito sa mga fan na nanonood ng practice at nasa bleachers. Lalo nang nagtilian ang mga ito. They were screaming his name as if he were god.

Pumangalawa lang ito noong huling race pero kung titian ng mga fan ay ganoon na lang. Cameron was amused and waited for him to see her.

Iniabot ng race car driver ang helmet nito sa isa sa mga lalaking agad na sumalubong dito habang ang dalawa pa ay agad na pinagluunan ng atensiyon ang pangarerang sasakyan. They were the crews of his team.

Bahagyapang nagulat ang race car driver nang sa pag-angat nito ng paningin ay makita siya. He suddenly grinned and walked toward her while he was taking off his gloves.

She was leaning on her flashy red Dodge Viper GTS's left hood, arms on her chest. Her three-fourth-sleeved black leather jacket sparkled under the heat of the afternoon sun. Sa ilalim ng jacket niya ay ang tube blouse na kakulay ng sports car niya. Parehong magkasing-iksi ang jacket at blusa niya na bahagya nang umabot sa baywang ng body-hugging black stretched denim pants niya.

"May pangalan ka na ba para sa mga babaeng tumitili sa iyo?" she teased. Pagkatapos ay nilinga ang mga fan sa bleachers na hindi pa rin magkamayaw sa pagtili. "Xander Babes'?"

He ignored her teasing. Ang mga mata nito'y nakatuon sa sports car niya at pagkuwa'y eksaheradong sumipol. "I am drooling, baby!" Hinaplos nito ang puting stripe sa gitna ng kumikinang na pulang sasakyan.

"More than you do the driver?"

Umangat ang mga mata nito sa kanya. His eyes were laughing as he perused her. "Don't make me lie, sweeting," he teased.

Dinuro niya ng daliri ang dibdib nito, suot pa rin nito ang padded racer suit. "I hate you, Xan!" She faked an indignation.

He grinned. Pagkatapos ay isinuksok nito sa bulsa ng pantalon ang itim na mga guwantes. "Ano ang ginagawa mo rito? Akala ko ba'y abala ka sa rehearsals mo?" Then he looked around them just as his smile vanished. His burrows furrowed.

"No bodyguards?"

"I hate bodyguards," she said, pouting. "Besides, sino naman ang magkakainteres sa akin? I am only a poor relations."

"With a multimillion car like that? My god, Cameron, duda ako kung may kakikitaan ako ritong may ganyang sasakyan!"

"My cousin Renz." He rolled his eyes.

"Damn the filthy rich!" She laughed merrily, unoffended. Huminto lang siya sa pagtawa nang makita niyang seryoso si Xander.

"Your car can lead you to trouble." Muli nitong hinagod ng humahangang tingin ang pulang Dodge Viper GTS.

"I can handle them, Xan," she assured him.

"Yeah." He was sarcastic.

"Ano ang laban ng martial arts mo sa iuumang na Uzi sa iyo?"

"If it would be a kidnap for ransom then they don't want me dead. And since the intention is to demand ransom payment, tiyak na hindi nila gagamitin ang alinmang armas. Panakot lang. Besides, may sarili akong baril. You know that I have one with me..." ltinaas nito ang kanang binti at sinulyapan ang three-inch-heeled leather boots

"...at isa sa footwell ng kotse ko, and—"

"A hunting knife in your left boots," matabang nitong dugtong, hindi napawi ang bagabag sa mukha nito sa mga paliwanag niya.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now