Chapter 8

1.5K 31 5
                                    


"GIRLS!" malapad ang ngiting bati ng baklang fashion designer nang makita ang pagdating nina Cameron at Yelena. Marahil ay nauna lang ito nang kalahating oras sa kanila. He gave the girls another air-kiss.

"I'm glad you're both here," patuloy nito. "Come. I have a reserved seat for you, Cameron." Sinulyapan nito si Yelena bago nilinga ang grupo ng mga modelo na tatlong mesa ang okupado. "Why don't you join the girls, hija."

Sandaling natilihan si Yelena bago napatingin sa kanya at pagkatapos ay kay Georgina uli.

"Sure."

"Magkasama kami ni Yelena, Georgina," Cameron said quickly. Hinawakan niya sa braso si Yelena nang akmang hahakbang. "We can share table."

Bahagyang nagkaguhit ang noo ng fashion designer. "The table was reserved especially for you, Cameron. At nabanggit ko na sa iyong may mahalagang tao akong bisita at gusto ka niyang makilala. And three's a crowd-"

"Kung sino man ang bisita mong ito, siguro naman ay hindi niya mamasamain kung magka-sama kami ni Yelena, hindi ba?" she said sweetly, pero nasa ilalim ng tinig niya ang paniniyak na hindi niya gustong magkahiwalay sila nito ng mesa. And she was honestly glad about that.

Kung sino man ang gusto nitong ipakilala sa kanya ay mabuti nang hindi siya nag-iisa. Not that she couldn't take care of herself from unwanted overtures. But she didn't feel like arguing tonight.

"And so where's that reserved table for us?" Isang nadidismayang buntong-hininga ang pinakawalan ni Georgina at sapilitan silang inakay sa mesang malapit sa stage.

Cameron roved her eyes around her. She had been to almost everywhere around the world, but ironically, not inside a gay bar. Until today. She just wasn't interested. Hindi rin siya sumasama sa alinmang party pagkatapos ng show, dahilan upang lalo siyang maging misteryosa sa paningin ng press.

And this was her first time. Actually, hindi niya alam kung ano ang dapat asahan bagaman hindi naman siya totally ignorant. Sa stage ay may dalawang macho dancers, sumasayaw sa saliw ng malakas na tugtuging pumapailanlang sa ere. She almost grimaced her distaste at the dancers. Subalit sinikap niyang maging normal ang ekspresyon ng mukha. She had no right to judge people on their chosen jobs.

Ang ilang mga kasamahang modelo ay nakita niyang nakaupo na sa kanya-kanyang mesa. Ang iba'y kinakawayan siya, ang iba nama'y ni hindi itinago ang pag-angat ng mga kilay. She ignored them and smiled at those who smiled at her.

Muli ay sinuri niya ang kabuuan ng gay bar. Maganda, malinis, at de-klase ang interior. Ang mga leather benches sa mga booth ay mukhang malalambot at komportable. Subdued ang overhead lightings. It was like one of those clubs in Nevada.

Ang center stage na tatlong hakbang lang mula sa booth nila ang may spotlight na nakatuon at nakasunod sa bawat galaw ng dalawang macho dancers. Parehong ang mga dancer ay ang ibabang bahagi na lang ng mga katawan ang natatakpan ng makitid at makulay na mga bandanang nakapaikot sa balakang ng mga ito.

And both dancers were holding their privates underneath the skimpy cloth as if trying to summon a hard-on. Sadyang ipinasisilip ang tila nilang isang dulo ng pagkalalaki sa audience. She saw the girls were giggling and she almost rolled her eyes.

"Here's your table, girls," ani Georgina, itinuro ang isang booth na ang upuan ay paikot. Cameron and Yelena took the both ends of the leather couch.

Tinawag ni Georgina ang waiter at ipinakuha ang order ng dalawang babae. "Ikaw na ang bahala sa kanila, Joey," bilin nito sa waiter at pagkatapos ay niyuko si Cameron. "Aabangan ko sa labas ang kliyente ko, dahling." Then he gave Yelena an exasperated look.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now