Chapter 5

1.4K 27 1
                                    


IYON ang ikaapat na araw mula nang huli silang magkita ni Yelena. Tiniyak sa kanya ni Kurt na nasa mabuti itong kalagayan. Nang malaman nitong aalis siya patungong Mindoro upang magbakasyon ay pinayuhan siyang magpalipas muna nang ilang araw upang hindi siya mapaghinalaang may kinalaman sa pagkawala ni Yelena at ng mga Ecstasy.

Nasa lobby siya ng Monica Hotel nang tumunog ang cell phone niya. She took the phone from her bag. Si Georgina. Itinatanong ng fashion designer kung magkasama sila ni Yelena. Humakbang siya patungo sa isa sa malalaking sofa at naupo.

"Ang huli naming pag-uusap ay noong gabi sa parking lot sa gay bar, Georgina," aniya. "Dalawa na kayong naghahanap kay Yelena sa akin..."

"Sino ang isa?" tanong nito.

"Si Maurice. Pinuntahan niya ako sa hotel two days ago."

"Oh." May ilang sandaling natahimik ito na inakala ni Cameron na nawala na ito sa kabilang linya kung hindi lang dahil sa maingay na tawanan ng mga babae sa background.

"Actually," Georgina said after a while, "dahil nagpakita ka ng kawalan ng interes kay Maurice, I recommended Yelena. And why not?" Georgina added in a sudden cheerful voice. "Yelena has a different kind of beauty. Tulad mo, pang-supermodel, given a chance."

"I agree with you," she said matter-of-factly, bored with the conversation.

"Pero hindi ko siya makontak, Cameron. And I need to talk to her. Noon... noon bang isakay mo siya sa kotse mo mula sa hotel patungo sa bar, may... may dala ba siya?"

"Two backpacks," she said casually. Someone had told her that if you want the lie to be so effective, tell half the truth. "The last of her things, she told me. She unloaded the same from my car when she decided to take a taxi that night at the bar's parking lot. Is there a problem, Georgina?"

"N-no... no. I-I just thought she might still be at her old place. And she's not answering her cell phone for days! Anyway, if you heard from her, please tell her to call me, Cameron. May mga bagay kaming pag-uusapan. I am about to renew her contract."

"Walang problema sa akin. Pero natitiyak kong hindi niya ako tatawagan, Georgina. We haven't gotten to the point where we exchanged phone numbers."

Without saying good-bye, she cut the connection. Napabuntong-hininga siya at ibinalik sa bag ang cell phone at lumakad patungo sa counter at ibinigay sa clerk ang susi sa silid niya.

Yelena's in big trouble. Umaasa siyang hindi magiging problema kay Kurt ang pagdadala rito sa safe house.

"ANO BA talaga ang laman ng backpacks, Maurice?" tanong ni Georgina nang putulin ni Cameron ang koneksiyon. Ni hindi namalayan ng huli na tatlo silang nasa linya.

"Mabuti nang hindi mo alam, Georgina," sagot ni Maurice. "Gusto kong malinis ang lugar ng negosyo natin hanggang maaari." Hindi niya gustong magkaroon ng dahilan ang mga alagad ng batas na paghinalaan ang building na pag-aari niya at kinaroroonan din ng opisina ni Georgina.

Ganoon din ang gay bar. More than anything else, ang puso niya'y nasa dalawang negosyong ito nila ni Georgina. Siguro dahil ang mga ito lang ang negosyo niyang legal at malinis. Higit sa lahat, wala sa ilalim ng maniobra ni Hestercita.

"Malinis saan?"

Iwinasiwas niya ang kamay na tila ba nasa harap niya ang kausap. "For your own good, Georgina, stop asking questions." Sa paraan ng pagsasalita ni Cameron ay naniniwala siyang naghiwalay ito at si Yelena sa parking lot. Or else, Cameron wouldn't casually admit that she saw the backpacks.

"Hanapin mo ang modelo mo at sa sandaling maitawag mo sa akin ang kinaroroonan niya ay bibigyan kita ng pabuya!"

He could almost see the smile on the fashion designer's face. "Don't worry, Maurice, she'll contact me, she needs this job."

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now