Chapter 4

1.7K 29 3
                                    


"HI, HONEY," salubong ni Zandro sa kanya nang pumasok siya sa pinto ng mansion.

Hinagkan niya ang pisngi ng ama. "Hi, Dad." Sa likod nito ay ang ina na nagmamadaling lumapit. She smiled at her mother. "Mommy."

"Sweetie." Jennifer hugged her. She could feel her mother tremble and hated herself for being late. Kahit na nga ba kinse minutos lang iyon.

"I was worried about you." Hindi napigil ni Jennifer na sabihin ang nararamdaman. "Saan ka ba nagtungo? Kanina ka pa raw umalis mula sa bahay ng Uncle Nick mo?"

"Sorry about that..." Pareho niyang ikinawit ang mga braso sa baywang ng mga magulang habang papasok sila sa drawing room kung saan naghihintay ang buong pamilya Fortalejo.

"Nagtungo ako sandali sa tracks at pinanood ko ang practice ni Xander."

"Oh. How's that young man, darling?" Sumigla ang tinig ng ina. "Ilang buwan na namin siyang hindi nakikita. Nalimutan niyang dalawin kami ng papa mo."

"Xander's fine, Mom. Huwag kayong mag-alala, makikita ninyo ang race niya next month. And he promised to win this time."

"Inaasahan namin iyon ng mommy mo, hija," ani Zandro. "That boy's good. I may not have so much experience about racing pero napanood ng Uncle Lance mo ang video ng karera niya noong nakalipas na anim na buwan."

Kumislap ang mga mata ni Cameron. "Really, Dad? Ano ang sabi ni Uncle Lance?"

"Na may potential ang batang iyon. Aba, second placer ba naman!"

"And then maybe Uncle Lance's company will sponsor his team?" Gusto niyang sabihin sa mga magulang na pag-aari niya ang team ni Xander pero hindi pa iyon ang pagkakataon.

"I'll bet he would," ani Jenny. "Or I will strangle that brother of mine."

Sabay silang nagtawanang tatlo. Binuksan ni Zandro ang pinto ng drawing room at natambad ang ilan sa pamilya Fortalejo.

Nginitian niya ang lahat, lalo na si Jessica na ang kamay ng asawang si Trace ay nakaangkla sa mga balikat nito.

"Hello, Trace," bati niya at dinuro ang braso nito. "Sana'y may umakbay din sa akin nang ganyan na akala mo ay makakawala ako." Sinabayan niya iyon ng tawa at sumunod ang lahat.

Nakita niya ang bahagyang pamumula ni Trace. Lalo siyang natawa. Ang isang lalaking tulad nito ay hindi niya mapaniwalaang magba-blush.

"How's Rodge?"

"Getting bigger and taller by the minute," sagot nito.

"And handsomer, too," dagdag ni Jessica, her voice filled with pride and love. "Hindi na namin isinama dahil uuwi rin naman kami ngayong gabi."

Her cousin had an immediate family and Jess was so happy that she looked like a blossoming flower.

Kunsabagay, malapit na ito kay Rodge noon pa man. Cameron hadn't actually met Trace's son, only heard so much about him. Lalo na nang ma-kidnap ito. But looking at Jessica right now, walang makapagpapasubali ng kaligayahan nito.

Kung may isang bagay man na nakabanto sa kaligayahan ni Jessica ay ang katotohanang nakapatay ito. They were taught martial arts by a master. But they were not killers. What happened was a choice between Jess' life and that of the criminal. Dahil lang doon kaya bahagyang nabawasan ang usig ng budhi ni Jessica.

Umaasa si Cameron na hindi niya dadanasin ang ganoong sitwasyon. Hindi madaling dalhin sa dibdib na isang buhay ang mawala dahil sa kanya. Gayunman, kung babaligtarin ang pangyayari at siya ang nasa katayuan ni Jess, gagawin din niya ang ginawa nito.

Tuloy-tuloy siya patungo sa mahabang sofa na kinauupuan nina Bernard at Jewel. Hinagkan niya pareho sa pisngi ang dalawa. This was their second gatherings for the last two weeks. Ang una ay sa ospital matapos ilipad ng KGC Lear jet ang mag-asawa pabalik sa Maynila.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now