Chapter 6

1.7K 33 3
                                    


"LADIES and gentlemen," wika ng host ng fashion show, ang excitement sa tinig ay pumapailanlang sa ere, ang kislap sa mga mata ay nakikipagkompetensiya sa mga ilaw sa bulwagan. Ang audience, creme de la creme ng sosyedad, "buong karangalang ipinakikilala ko sa inyo ang aking signature model ngayong gabi. Isa na namang Pilipina na nagbigay sa atin ng karangalan sa ibang bansa. Let's welcome the alluring La Tigra!"

Sa gitna ng masigabong palakpakan ay lumabas sa stage si Cameron at lumakad sa catwalk. It was as if she was floating instead of walking. She was five-six tall, slim that made her look taller, but with rounded curves enough for any man to drool. She radiated class and elegance, had an aura about her that made everyone a closer look. Her slim but voluptuous frame, legs that ran forever, stopped traffic even in Paris.

Nakikipagpaligsahan siya sa mga kilalang supermodels sa buong mundo. Ang mukha niya'y pinag-aagawan upang mailagay sa cover ng mga kilalang magasing pambabae.

And as always, suot niya ang trademark, isang munting maskarang hugis matang-pusa na sapat lang na matakpan ang mga mata niya. The eye mask had tiger prints. And at the end of her walk, she always threw the mask to the male audience. At bawat kalalakihan ay naghahangad na masalo iyon.

At sanay na rin siyang pagkatapos ng show ay may mga imbitasyon nang naghihintay sa kanya. Karamihan sa mga iyon ay mula sa mga matatandang milyonaryong guest-na kalimitan ay may mga asawa.

Suot niya ang isang manipis na damit na idinisenyo ng kilalang fashion designer at producer ng fashion show na iyon-na ang neckline ay nanunukso at sa paningin ng lahat ay babagsak anumang sandali at tanging ang nipples niya ang pumipigil dito.

Cameron was fair but she tanned her skin beautifully, looking sleek and lustrous against the overhead lights. Some of the models used thong for their underwears but not La Tigra. She wore nothing beneath the soft cloth that curved the perfect bottom. Nag-iiwan iyon ng nakapananabik na imahinasyon sa mga kalalakihang nasa bulwagan. Nakatitig ang mga ito sa kanya sa mga matang puno ng paghahangad at pagnanasa, tuyo ang mga lalamunan at ang alak ay nakabinbin sa ere.

It didn't excite her anymore. All over the world, kahit saan siya magtanghal ay iyon ang reaksiyon ng mga kalalakihan sa kanya. She was torn between dry amusement and pleasure. She loved her job but it was getting to bore her.

Pagkatapos ng palabas na ito'y magba-bakasyon siya sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya. At sana'y makumbinsi niya si Xander na sumama sa kanya. The thought of him made her eyes roam around the sea of faces, umaasang makikita itong naroroon. Bagaman natitiyak na niyang hindi dumadalo sa ganitong affair si Xander ay hindi pa rin niya maiwasan ang pagkadismayang naramdaman.

Sa halip, ang mga mata niya'y dumako sa isang lalaking solong nakaupo sa isang mesa sa kanang bahagi ng stage. It was the biker. His long legs crossed at the ankles, his unwavering  gaze locked on her. He wore jeans, tight and worn, and menacing black boots.

Bukod-tangi lang itong nakasuot ng pantalong maong at kupas pa, sa okasyong iyon na ang mga lalaki't babae ay nagpapagandahan ng suot. And yet he didn't seem to be out of place.

At ang paraan ng pagtitig nito sa kanya ay hindi na bago. lyon din ang tinging nakikita niya sa mga mata ng kalalakihan sa bulwagang iyon. Mabibilang sa mga daliri niya sa isang kamay ang lalaking hindi siya pinagnanasaan.

Ang bago ay ang biglang pagtambol ng dibdib niya tulad din ng nararamdaman niya nang hawakan nito ang braso niya noong nakaraang araw.

Itinuring niyang paghingal sanhi ng pakiki-paghamok sa tatlong lalaki ang kakaibang nadama niya nang mga sandaling iyon. That the shivers that ran down her spine when his breath fanned her face must have been the result of a delayed fear.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now