Chapter 5

1.9K 31 3
                                    


ALAS-KUWATRO ng hapon pero makulimlim ang panahon at namumuo ang dilim sa kalangitan. Nakaupo siya sa puting buhanginan, nakayakap sa mga binti at nakatanaw sa malawak na karagatan at sa mga karatig-isla.

She had always loved the sea. Kaya naman kung may pagkakataon din lang siya ay nasa Alta Tierra siya kung wala man sa Paso de Blas. Subalit maraming taon ng buhay niya ang ginugol sa ibang bansa lalo na ang kabataan niya. Her parents thought she would be safer abroad. Naniniwala ang pamilya niya na ang k-um-idnap sa kapatid niya'y narito lang sa Pilipinas.

"I brought a picnic basket," wika ng tinig mula sa likuran niya.

Bahagya siyang nagulat. Nilingon niya ito. He was smiling at her. And her silly heart skipped a beat at the sight of him. Ang palitan ng maaanghang na salita kanina'y nanlalabo na sa isip niya. Isang malaking picnic basket ang ibinaba nito sa buhanginan at iniladlad ang blanket na hawak ng kabilang kamay nito. Peace offering.

She took in his appearance. All of his six-foot something, naka-polo shirt ito ng bulaklaking asul at pula at bukas lahat ang mga butones. Inililipad ng hangin ang damit nito at lalong nahantad ang matipuno nitong dibdib. Bronzed and perfect features. Nakasuot lang ito nang maiksing maong shorts at beach slippers sa mga paa.

Ano na nga iyong sabi ni Yelena rito? Yummy?

"It's rude to stare, don't you know that?"

Mula sa pagkakatitig sa mga binti nito'y tumaas ang mga mata niya. Sparkling deep blue eyes gazed back at her. Nanunukso. Umiwas siya ng tingin at sa dalang basket nito itinuon ang pansin.

"Parang kanina lang ako nananghalian, ah."

"It's been hours ago."

"What's on that basket?" Tumayo siya at lumapit. Hinawakan ang dalawang dulo ng blanket upang tulungan itong ilatag iyon.

"Shrimp-potato salad. And Abel's little sandwiches are incomparable." He grinned, and if Cameron's honest to herself she'd admit that her breath was caught in her throat.

"So. Abel's a jack of all trades."

He chuckled. That he is."

Sinuri niya ang laman ng basket. Then she made a face. "Ilang calories ang ipapasok ng mga ito sa katawan ko?"

He looked at her. His eyes warming as he raked her body from head to toe and back. "You're too thin for my taste, Cam. Kailangan mo ng kaunting laman."

"Too thin for your taste!" she said indignantly. And when she saw the twinkling in his eyes she realized he was teasing her. Pairap na ibinaba niya ang hawak na magkabilang dulo ng blanket at pabagsak na naupo roon.

"I brought wine, too. Nakialam na ako sa cellar nina Benedict at Julianne." Naupo rin ito sa tabi niya. Nagsalin sa dalawang kopitang inilabas nito mula sa basket at ibinigay sa kanya ang isa.

"Thanks... Brad."

Umangat ang mga kilay nito. "Sinabi sa iyo ni Abel ang totoong pangalan ko?"

She sipped her wine first. Pagkatapos ay tumango. "Also that you are Benedict's cousin. Have you met Julianne?"

Umiling ito. "I never had the chance. Pero ipinakita sa akin ni Abel ang wedding album nila. She's beautiful. Mapalad si Benedict lalo at magkakaanak na sila. Siguro sa pagbabalik nila mula sa America."

Tumango siya, ngumiti. Ipinagpatuloy ang pagsimsim sa wine.

"Lover mo ba ang kausap mo?" he asked from out of the blue, an edge in his voice.

Hindi siya nagkunwaring hindi ito naintindihan subalit hindi rin naman niya itinanggi ang hinala nito. "Dalagita pa lang ako'y magkakilala na kami ni Xander. Naipakilala ko na siya sa mga magulang ko nitong nakalipas na mga buwan."

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now