Chapter 10

1.4K 25 2
                                    


"MALAPIT lang dito ang bahay ko," he said brusquely then turned and started walking.

Sumunod si Cameron. An aeon later, it seemed that they had been walking forever. Gusto na niyang ibagsak ang sarili niya sa lupa at mawalan ng malay. Humihiyaw na sa sakit ang buong katawan niya, lalo ang likod niya. Pero ni hindi niya magawang magmabagal sa paglakad sa takot na baka mapalayo ito nang husto sa kanya.

"And I thought you said your house is just nearby. We seem to be trekking the proverbial seventh hill," humihingal na sabi niya. "Isang oras na tayong naglalakad sa gubat sa gitna ng kadiliman at ulanan! At ni wala akong matanaw kahit ga-alitaptap man lang na ilaw mula sa bahay mo."

Nauuna ito sa kanya nang sampung hakbang at nangangapa siya sa dilim at bagaman naniniwala siyang hinahawi nito ang kung ano mang mga damo at maliliit na sanga ng kahoy na nakaharang sa daanan niya ay hindi niyon pinagagaan ang nakahahapong paglalakbay. Papataas ang nilalakaran nila na tila umaahon sila sa bundok.

Nanunuyo na ang lalamunan niya sa pagod at tumitindi ang kirot sa likod niya. Humihingal pa siya kaysa sa asong nakaagapay sa kanya. Bagaman nagpapasalamat siyang nasa tabi niya ito dahil kung wala ito na nakakapitan niya tuwing nadudulas o natatapilok siya ay malamang na kanina pa siya nabalian ng buto sa sakong kung hindi man sa binti.

"You're exaggerating, Cameron. Beinte minutos pa lang tayong naglalakad," he said without stopping.

Iniisip ni Cameron kung paano nito natututuhan ang daan gayong ni hindi man lamang makapasok sa loob ng gubat ang liwanag ng buwan. Iyon ay kung may buwan man dahil ni wala siyang maaninag sa pusikit na karimlang iyon. At ni hindi na nito muling sinindihan ang hawak nito kaninang microflashlight.

Malaking tao si Gabriel Stone pero ni hindi niya naririnig ang ingay nito habang naglalakad kung hindi pa nito hinahawi ang mga damo. Samantalang sila ng aso ay maririnig ang ingay ng naapakan nilang mga nabaling sanga at mga dahon. It was as if the man walked on air.

She wanted to tell him that she couldn't go on any longer but pride stopped her. Kahit na nga ba may dahilang hindi na niya kayang lumakad pa nang matagal. My god, she almost died this afternoon from that fall. Kung wala ang nakapulupot na lubid ay malamang na nabalda siya. At tama ang sinabi ng mga lalaki kanina, kung sa tubig siya bumagsak, malamang na gutay-gutay ang katawan niya kung mahihigop siya ng propeller ng ferryboat.

Hinding-hindi niya masasabi ang pangyayaring iyon sa mga magulang niya o kahit na kanino sa mga kamag-anak niya. Ipag-aalala lang ng mga ito ang pangyayari.

"At tumigil ka sa kahahalinghing habang naglalakad!" Ang naiiritang tinig nito ang pumutol sa daloy ng isip niya.
"What?" She could see the outline of his figure several steps ahead of her.

BRAD muttered a curse. "Kanina ka pa huma-halinghing! Tila ka... tila ka..." He was searching for the right word and found none.

"What do you mean? Tila ako ano?" Her voice weary and puzzled.

"Tila ka inaano..."
"Anong inaano?"

Hindi siya sumagot. Lord, but he was aware of her right behind him making small grunts and groans as she placed each foot carefully on the wet ground. And minutes ago when she almost slipped. The sounds she made reverberated in his gut. As if she was having sex.

Good sex.

Slow sex.

Ten minutes ago, he wanted to turn around and tell her to shut the hell up. He didn't want to think about sex. Hindi niya gustong isiping ang babaeng laman ng isip niya sa nakalipas na ilang araw ay heto at kasama niyang naglalakad sa dilim.

But here she was and he didn't have a choice. He didn't believe she was actually in danger because Cameron knew how to take care of herself so he wondered why she ran off to his forest. If she didn't want hand combat, she could have shot those men from where she was hiding.

But of course, Cameron was no killer. Ang dahilan kung bakit hindi niya iniwasan ang tatlong lalaki sa Star Highway ay dahil inipit siya ng mga ito sa daan. This time she had the chance to avoid fighting them.

At magkasama sila ngayon. Hindi niya maaaring iwan ito sa gitna ng gubat. He didn't have a choice, did he? Brad trudged on.

Belligerent and horny as hell.

"Hindi mo ako sinasagot, Gabriel! Ano ang ibig mong sabihin?" She persisted.

Napilitan siyang lingunin ito. "Just be quiet, Cameron, okay? Don't make damn sounds as though you are having sex!"

She gasped as she stopped on her track. "You have a sewer imagination!" she said disgustingly. "Paahon ang nilalakad natin mula pa kanina na tila ba ang bahay mo'y nasa tuktok ng ikapitong bundok! Halos gumagapang na ako sa lupa. And you are so inconsiderate that you wouldn't even want us to stop. At hindi ako humahalinghing, damn you! Humihingal ako sa pagod!"

He almost sneered at her litany. "Malapit na tayo." His voice brusque.

Sa pagkakataong iyon ay iniwan si Cameron ng aso at humabol sa kanya. He was about to command the dog to go back to her when Brad heared the crackling of leaves and twigs as Cameron stumbled. He gritted his teeth as she made a sweet moaning sound behind him.

"There you are again," he said. "Tila ka palapit na sa kasukdulan kung makahalinghing."

"Shut up, damn you!" Galit na huminto ito at tuluyan nang ibinagsak ang sarili paupo sa lupa. "I am stopping for a while. I don't think I can take another step..."

Sandaling natilihan si Brad. Her voice was shaky as if she was about to cry. Akma niya itong lalapitan nang biglang umungol ang aso.

"Quiet, Brutus!"

Paimpit na umungol ang rottweiler. For a long moment Brad was quiet and alert. Gayundin ang aso na tila hindi mapalagay.

"W-why?"

"Sshh," babala niya kasabay ng pagtingkayad sa tabi nito. "May mga tao sa paligid ng bahay ko."

"How... do you know?" she whispered. "And where exactly is your house?"

"Twenty yards, three o'clock," he told her in a whisper, expecting her to understand the military term.

Hinawi niya ang malagong damo sa harap ni Cameron upang masilip nito ang itinuturo niya. Dalawang kislap ng liwanag ang natanaw niya na natiyak niyang nagmumula sa sigarilyo.

"Kahit ang anino ng bahay mo'y hindi ko maani-Oh!"

Napahugot ito ng hininga nang mapuna rin ang kislap ng mga sigarilyo sa dilim.

"Stay here."

"No!"

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now