Chapter 3

1.4K 28 0
                                    


ALA-UNA na ng madaling-araw. Brad was Batangas pier bound, umaasang may biyahe siyang aabutan kaagad. Hindi niya gustong maghintay nang matagal sa pier. He was driving his bike as if there was no tomorrow. Nararamdaman pa rin niya ang sakit ng sipa ni Cameron sa dibdib niya.

He had seen it coming. Pero sadya niyang hindi iniwasan.

The kick was lethal. He admired her skill and strength.

Not the typical socialite.

The woman was deadly.

Literally.

Figuratively.

Hindi niya masisi si Cameron. Totoong naging marahas siya rito. Pero hindi niya gustong bigyan ito ng pagkakataon kaninang gamitin ang kaalaman at makatakas, sa pag-aakala niyang kabilang ito sa sindikato.

Ang kagaspangang ipinakita niya rito ay bale-wala kung ikokompara sa mga pinsalang iginawad niya sa mga babaeng espiya at assassins na ginagamit ang mukha at katawan upang alisin siya sa mundong ito.

There must be really something wrong with him. Dahil mula nang una niya itong makita sa Rosario ay hindi na ito naalis sa isip niya. At lalong hindi niya naintindihan ang sarili nang sa halip na patulugin ito tulad ni Yelena ay hinayaan pa niyang ito ang magmaneho ng sasakyan. Hindi siya kailanman sumala sa judgment niya sa trabaho. Because one wrong decision could mean his death.

Kanina, sa hotel, hindi niya inaasahang makikita ito bilang isa sa mga modelo. Higit sa lahat, bilang signature model. La Tigra, the supermodel. She had a face that seemed to draw the sun.

It was then that he knew he wanted her. Isinisigaw ng katawan niya iyon. Gusto niyang sipain ang sarili. Sa matagal na panahon ay may babaeng nakakuha ng atensiyon niya nang hindi lang dahil sa pagnanasa.

At nawalan siya ng kontrol sa sarili nang sundan niya ito sa silid nito sa itaas ng hotel. At ang kapangahasan at kapusukan niyang hagkan ito. Oh, god: She had the sweetest lips. And, oh, boy, was she hot and wild!

Inaasahan na niyang makikita itong muli sa gay bar dahil alam na niyang patungo roon ang grupo ng mga modelo pagkatapos ng show. Inasam niya iyon. In fact, he decided to pursue her. After the way she responded to his sexual assault, Brad believed he could have her.

Pero hindi niya inaasahang makita itong kasama ni Yelena na bitbit ang isa sa mga backpack ng Ecstasy. One wrong assumption led to another. He even thought she was the syndicate's leader. Being a supermodel was a cool front. Lalo at kung ang pagbabasehan ay ang napakamahal na sports car nito. Then hate and lust melded each other.

Both feelings were so intense that it shocked him. Kahit minsan sa trabaho niya ay hindi niya pinairal ang personal na damdamin. Magiging sanhi iyon ng maraming kapahamakan.

At nang hawakan niya ito sa parking lot at pigilin ang pagtangkang panlalaban at malanghap ang pabango nito at madama muli ang malambot nitong balat ay hindi niya malaman kung ano talaga ang gusto niyang gawin.

He wanted to kill her and at the same time to pull her pants down and get his cock inside her and fuck her to his heart's content.

He filled his lungs with air greedily. May palagay siyang nagsisikip ang dibdib niya. At ang pantalon niya. He had never wanted a woman as much as he wanted Cameron.

But something nagged at his mind. Ang huling sinabi ni Kurt. Bakit kailangang ilihim sa lahat ang pagkatao nito? Bahagi ng isip niya ay naroon ang pagnanais na malaman ang totoo, ang kabilang bahagi ay nagnanais na ibaon na lang sa kasulok-sulukang bahagi ng isip niya ang ano mang bagay na may kinalaman kay Cameron.

At iyon ang pinakamatalinong bagay na dapat niyang gawin. Ang pangyayari ngayong gabi ay nagpabago sa pagnanais niyang hangarin ito. She was Jade's relative. Kung ganoon, out of his league.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now