Chapter 2

1.5K 31 1
                                    


PUMASOK si Cameron pero tinitigan niya ito. May hinalang unti-unting nabubuo sa isip niya. The elevator was private and would lead them to Kurt and Jade's apartment and Kurt's office. Walang ibang floor na hihintuan ang elevator maliban sa dalawang nabanggit. At walang ibang taong gagamit sa elevator na ito kundi ang pamilya La Pierre at ang mga kamag-anak.

Ang posibilidad na dadalhin siya nito kay Kurt ay unti-unting nagkakahugis sa isip niya, pati na rin ang mga sinasabi nito kanina. Sindikato... drug trafficking.

Slowly, she sighed her relief knowing that this wasn't a kidnap-for-ransom thing. Parang gusto niyang ilugmok ang sarili sa sahig ng elevator as fear lifted from her heart.

At hindi pagkakataon lang ang pagkikita nila! she realized with dismay. Sinusubaybayan siya nito! My god, the man was good. He used his charm to lure her.

Pero bakit ang karahasan nito sa kanya?

Pumasok sa isip niya ang ilang bahagi ng pakikipag-usap nito sa telepono-na ngayon ay natitiyak na niyang si Kurt ang kausap nito. Hindi siya nito kilala. Malaking posibilidad na napag-kamalan siya... sila ni Yelena.

Umangat ang mga mata niya rito para lang matantong nakatitig ito sa kanya. Sa pagkakataong ito ay natitiyak niyang hindi pakunwari ang pagnanasang nasa mga mata nito. Lamang ay pilit nitong tinatakpan ng galit ang pagnanasa.

Umangat ang dibdib niya sa paghugot ng hininga. My god, the man was gorgeous and almost handsome. Kung hahawiin lang nito ang karahasang nakabadya sa anyo nito na tila ba ipinanganak itong ganoon na ang anyo.

Ang imahe nitong nakangisi sa kanya nang nasa Rosario sila ay gumuhit sa isip niya. Ganoon din ang pagtawang ginawa nito kanina sa silid niya sa hotel. He had looked boyish, mischievous. Mas gusto niya ang imaheng iyon kaysa sa anyong nakikita niya rito ngayon.

"You desire me," she said blatantly, taunting him. Madali na niyang naisatinig iyon ngayong natitiyak niyang hindi siya nanganganib... sila ni Yelena. "I can see it in your eyes. Kahit kanina sa bar."

Tumiim pang lalo ang mukha nito. "That's kinda stressing the obvious, La Tigra," he said drily.

"Hindi ko ba ipinadama sa iyo ang pagnanasa ko kanina sa silid mo sa hotel? At sa parking lot? And you were hot for me, too. Weren't you?" Pagnanasa at malisya ang gumuhit sa mga mata nito habang hinahagod siya ng tingin na tila siya walang saplot.

Hindi niya alam kung bakit naaapektuhan siya kahit titig man lang ng lalaking ito. Nag-iinit ang mukha niya at dahil malamlam ang ilaw sa elevator ay umaasa siyang hindi nito nakikita ang pamumula niya. But what he said was true. She felt a leap of interest, a spark of excitement, an intense thrill of searing attraction as he stood there glaring down at her.

She recognized the feeling. Lust. Inappropriate though it was considering the circumstances, naroroon iyon sa pagitan nila. Marahil ay nang unang araw pa lang na 
magtagpo sila. Was there such a thing as lust at first sight?

She almost laughed at the thought. "At the same time you hate me. I can also see it in your eyes," patuloy niya.

"You are trafficking," wika nito na biglang naningkit ang mga mata at naggalawan ang mga muscle sa panga. "That alone is enough for me to hate you!"

"Now I'm certain you are a law enforcer," she said in a neutral voice. "Pero tinitiyak ko sa iyong isang malaking pagkakamali ang ginagawa mong ito."

"Just shut up, okay?" he said, his jaw flexed. "Pagkatapos kitang dalhin sa itaas ay wala na akong pakialam sa iyo!"

Bumukas ang elevator at natambad sa kanila ang isang mahabang pasilyo. Hinawakan siya nito sa kamay upang igiya pakanan.

Kumawala siya. "Huwag mo akong hilahin. Alam ko kung saan tayo patungo."

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now