Chapter 7

1.4K 24 0
                                    


BAHAGYANG nangikig si Cameron sa malamig na hangin na humahampas sa kanya. Iyon ay sa kabila ng suot niyang denim jacket na nakapaibabaw sa pulang T-shirt niya. Dinadala ng hangin sa inuupuan niya ang anggi at tumatama iyon sa mukha niya. Sa Batangas pa lang ay umaambon-ambon na.

But she didn't mind the drizzles. Wala na lang isang oras at nasa Mindoro na siya. Ang yaya niya ay hindi sang-ayon sa ginawa niyang pagbibiyahe. But she had wanted to do this for a long time now. Ang magbakasyon at malayo sa pamilyang parating nag-aalala; sa fashion people na pilit na ginaganyak siyang magtrabaho sa kanila.

At least, sa loob man lang ng ilang araw ay hindi niya maririnig ang walang tigil na ring ng cell phone niya. Naglagay siya ng bagong SIM sa mobile niya na ang nakakaalam lang ay ang mga magulang at si Xander.

She smiled at herself. She'd been to anywhere in the world, pero maraming lugar sa Pilipinas ang hindi pa niya nararating. At isiping ang Mindoro ay hindi naman kalayuan sa Palawan.

Well, she wouldn't have chosen Mindoro had it not been for Benedict and Julianne. Baka mas pinili niya ang Boracay. At least, kung malalaman man ng mga magulang na lumakad siyang mag-isa ay nakabalik na siya sa Maynila.

Pagkasagi sa isip niya ng mga magulang ay isang ngiti ang nanilay sa mga labi niya. Natitiyak niyang kasalukuyang nag-e-enjoy ang mag-asawa. Something they hadn't done for the last twenty-three years. She was truly happy for them.

Kanina ay marami ang tao sa top deck subalit nang magsimulang lumakas ang ambon ay nagsibaba ang mga ito. May mangilan-ngilang pasahero na nagmamasid sa karagatan. Nahihinuha niyang mga local tourist kung ang excitement sa anyo ng mga ito ang pag- uusapan. Natitiyak niyang sa Puerto Galera ang tungo ng mga ito. The locals and the constant travellers stayed downstairs.

Mula kaninang sumakay siya sa ferryboat ay hindi niya inalis ang shades sa mukha niya. She couldn't risk people recognizing her. At bagaman ibang crowd ang mga pasaherong sakay ng ferryboat ay gusto pa rin niyang makatiyak na walang nakakakilala sa kanya.

Mula sa pagkakahilig sa chrome-plated bench ay nilinga niya ang paligid. Apat na magkakasama na lang ang natatanaw niya na nasa barandilya at kinukuhanan ng larawan ang mga munting isla na natatanaw. Ang ilan ay nagsibaba na uli sa lower decks. In forty minutes, they would be docking.

Minabuti niyang tumayo na rin at lumakad patungo sa kabilang barandilya kung saan walang tao. Tinanaw niya ang karagatan. This wasn't her first time aboard a ship. Her cousins, James and Renz, both owned a forty feet yacht.

At kahit ang Uncle Bernard niya'y nagmamay-ari ng malaking yate, the Jewel, kung saan marami sa mga pribadong okasyon sa pamilya Fortalejo ay doon ginaganap at sa gitna ng laot at malayo sa mga mapanuring mata ng media.

Pero ito ang una niyang pagsakay sa isang pampublikong sasakyang-pandagat. Natatanaw niya ang mga kalapit-isla at kahit sa malayo'y nakikita niyang may mga resort doon. She wished she would have time to visit those islands. Sa ibang pagkakataon marahil.

Wala sa loob na dumukwang siya at pinagmasdan ang ibaba. She was even a little bit disappointed when she saw that down below was the proa where she saw the outrigger. Inaasahan niyang tubig ang ibaba sa bahaging iyon ng deck. Sa halip ay mga makakapal na nylon rope na nakarolyo.

Mayroon ding isa pang makapal na lubid na nakapulupot sa isang malaking bakal at siyang itinatali sa may bahagi ng pier sa sandaling dumaong na. Mukhang bago ang nakapulupot sa makapal na bakal dahil matingkad pa ang pagkaasul nito. Marahil ay pinaglumaan ang nakarolyo sa may tapat niya. It was black and dirty. At naghihimulmol na ang mga hibla.

Itinuwid niya ang katawan upang lumipat ng puwesto nang may maramdaman siyang humawak sa likod niya. And before she realized what was happening, she was hurled across the railings!

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now