Chapter 5

1.8K 31 1
                                    


"THERE'S another assignment, Brad," ani Kurt. "Galing kay General Davis ang utos. This would be your last." Idinugtong nito ang huling pangungusap nang hindi man lang niya sulyapan ang folder na inilagay nito sa harap niya. Si General Davis ang kasalukuyang head ng CIA operative sa Pilipinas.

Patamad niyang itinaas ang dalawang binti sa katapat na swivel chair. "I am retired, Kurt, he said. Gusto niyang itanong kung paano nalaman ng head ng CIA sa Pilipinas na narito siya. But that would be stupid. CIA knew everything.

At nag-iisip siya kung may pagkakataon pang mabura ang ano mang record niya sa organisasyong ito at sa mismong Agency. At thirty-one, he felt ancient. And he was tired of what he was doing. Hindi dahil kinatatakutan niya ang panganib na nakaamba sa kanya sa bawat trabaho. Kahit saan ay may panganib.

But he was bored and restless. Hindi niya mapaniwalaan ang sariling nararamdaman niya iyon. Had someone told him five years ago that he would be having this feeling he would not believe that someone.

Hindi man niya gustong aminin ay kinainggitan niya ang kinahinatnan ng buhay nina Ivan at Trace. Kasabay niyon ay ang galak niya para sa mga kaibigan. Hindi na siya umaasam na magkakaroon din siya ng buhay tulad ng mga ito. He would never marry.

Oh, well, a one night fling here and there would take care of his biological need.

All he wanted was to retire to his secret place in Mindoro and get old there and die there with Brutus, his dog. No one knew that place. Kahit sina Kurt, Trace, at Ivan. He wasn't ready to tell his comrades about the place. Not because he didn't trust them but he wanted the underground facility complete before telling them about it.

And not even his damned family-the Santa de Leones-knew that facility. That land belonged to his grandfather. Oh, the Santa de Leoneses knew about the land. Ekta-ektaryang bulubundukin iyon na ipinamana ng grandfather niya sa dalawang anak nito sa labas. One of which was his father.

Ang kabilang bahagi ay pag-aari ni Benedict Aragon, na minana nito sa ina, ang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid na Santa de Leones. Pero walang nakakaalam na maliban sa isang simpleng bahay na yari sa bato at kahoy sa bundok ay may underground facility iyon. Walang mag-iisip na maaaring pakinabangan ang bahaging iyon ng lupain ng ninuno niya dahil nga bulubundukin.

Tuwing inaakala ng lahat, kahit ng Agency na nasa Southern America siya o di kaya ay nasa Middle East, ay nagagawa niyang pumuslit-via back door-patungo sa isla upang unti- unting gawin ang underground sa tulong ng isang pinagkakatiwalaang tao-his cousin, Benedict Santa de Leones Aragon. Apat na pinagkakatiwalaang Mangyan ang katulong nitong gawin ang underground facility.

Nag-alis ng bara ng lalamunan niya si Kurt na nagpabalik ng atensiyon niya rito. "And if I  remember it correctly, it was the Agency who had forced my retirement."

Not that he was bitter about it. Oh, yes, he was when they first told him. Noong unang sabihin sa kanya iyon pagkatapos ng nangyari sa San Francisco kung saan nakuhanan siya ng larawan sa itaas ng bubong na may hawak na armas kasabay ng pagkatumba ng isang kilalang delegado mula sa Middle East.

He had been hit, too. Mula sa mga bodyguard ng Iranian delegate. Dalawang bala ang tumama sa kanya, isa sa kanang balikat, and one bullet winged his forehead.

Agad na naghugas ng kamay ang Agency and sent him packing as if he hadn't given them many years of his life.

Pero nang makita niya ang asawa ni Ivan at mahawakan ang anak ng mga ito ay may kakaibang damdaming, hindi man niya gusto, ay nagsimulang sumibol sa dibdib niya. Damdaming lalo pang pinaigting nang magpakasal sina Trace at Jessica. Nakita niya ang matinding takot sa mukha ni Jessica nang umalis si Trace upang puntahan ang lugar kung saan dinala ng mga kidnapper ang anak ng huli.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now