Chapter 9

1.6K 26 2
                                    


SA GITNA ng usok ay natanaw ni Brad ang nakahandusay na si Dax sa dining room. May sariwang dugo siyang nakita sa bahagi ng ulo nito. Sindak na napaluhod siya sa tabi ng bata. Nararamdaman niya ang hapdi ng balat niya mula sa pagbagsak ng dingding kanina.

"Dax... Dax!"

Dinama niya ang pulso nito sa leeg. He was alive and relief made him feel so weak. Kahit paano'y hindi pa gaanong nasusunog ang buong kusina. Gayunma'y nagliliyab na ang mga dingding at kisame sa dining room.

He coughed. His lungs on fire. Kumakapal na ang usok. His eyes burning. Pinunit niya ang bahagi ng kamiseta niya at inilagay iyon sa ilong at bibig ni Dax at itinali sa likod ng ulo. Pagkatapos ay binuhat niya si Dax. Moving blind, he made it to the entrance that separated the dining room and the kitchen.

Tinawid niya iyon subalit bumagsak ang isang kahoy na marahil ay ang dulo ng hamba at tumama sa likod niya. Bumagsak siya subalit sinikap niyang huwag kay Dax mapunta ang buong bigat niya. Huminto siya sa paghinga dahil sa sakit na dulot ng pagbagsak ng kahoy sa likod niya.

Nagsikap siyang tumayo na halos ikapugto ng hininga niya. Muling binuhat si Dax. "Lalabas tayo... rito, Dax. Hindi mo dadanasin ang sinapit ng nanay mo..."

Subalit unti-unti nang gumuguho ang pag-asa na makakalabas pa silang dalawa sa nasusunog na cottage. Ang tanging konsolasyon ay hindi mararamdaman ni Dax ang mangyayari.

"I love you, babe," he whispered, an image of Cameron flashed his mind. Halos hindi na niya magawang ihakbang ang mga binti. Tanging matinding willpower na lang ang dahilan kung bakit hawak pa rin niya si Dax.

"Brad!"

Sa nanlalabo niyang isip ay narinig niya ang tinig ni Abel or was it Xander? Bago siya tuluyang bumagsak at mawalan ng malay ay dalawang pares ng mga kamay ang umagapay sa kanya, parehong umuubo.

"Kunin ninyo si Dax. Ako ang bahala kay Brad." Iyon ang huli niyang narinig.

"I WANT to see them!" she almost screamed.

Ang mga magulang niya na pinutol ang bakasyon nang ipaalam ni Kurt sa mga ito ang nangyari sa kanya ay nagsabing nasa isang pribadong silid si Brad sa Asian Hospital.

They told her that Brad suffered smoke inhalation and bums. Na ang likod nito ay napinsala. Ipinaalam din sa kanya na nasa ospital din na iyon si Xander who suffered smoke inhalations and minor burns on his right arm. Si Dax ay nasa ICU, na bagaman ligtas na sa panganib ay nanatiling inoobserbahan. Na nakabuti rito ang pagkakasugat sa ulo at umagos ang dugo.

"I want to see Brad, Daddy. Alam kong kaya ninyong gawan ng paraan iyan!" Ang huling pagkakataong nakita niya ito ay nang isakay ito sa chopper kasama sina Xander at Dax at ang mga paramedic ng FNC. She was flewn to the hospital by another FNC chopper. At sa mismong araw ding iyon ay inilabas siya ng ospital.

A worried and teary-eyed Jennifer touched her shoulder. Zandro was pacing the floor. They were all in her father's den.

"Wala siyang malay at hindi pa siya maaaring makausap, hija," ani Zandro. "Ganoon din ang batang lalaki. Si Xander ay nagpupumilit nang lumabas subalit hindi namin pinayagan ng mommy mo."

"Your friend was so stubborn that I threatened to chain him to his hospital bed!" ani Jennifer who sniffed. "My god, he saved your life, and Brad's and Dax's, too."

Brad was there for her. Nakita niya ang sindak sa mukha nito nang makita siyang nakatali sa haligi at nag-aapoy ang paligid. Hindi na niya gustong kontestahin ang sinasabi ng ina dahil totoo din naman iyon.

Pero hindi manganganib si Brad kung hindi sa pagliligtas nito kay Dax. Each and everyone of them was a hero. Even Maurice. Oh, god, si Maurice. Sa kabila ng lahat ay ibinigay ni Maurice ang sariling buhay para sa kanya.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now