Chapter 3

1.8K 36 2
                                    


NASA Star highway na si Cameron nang muli'y mapuna niyang may bumubuntot sa kanya. Hindi lang isa kundi tatlong sasakyang kanina pa nasa likuran niya at hindi humihiwalay hanggang sa pagpasok niya sa tollway. Ang isa'y Toyota Corolla na kung ano-ano ang nakapinta sa katawan ng kotse. It resembled a race car. Ang ikalawa ay isang antigong Chevy. A collector's item. At ang isa ay isang battered Ford pickup.

Napuna niya ang mga ito nang palabas na siya ng Rosario. Inisip niyang humahanga lang ang mga ito sa sports car tulad ng iba. Pero hindi ordinaryong interes ang ipinahihiwatig ng tatlong sasakyan na natitiyak niyang magkakasama.

Katulad din ba ang mga ito ng biker kanina sa Rosario na gusto siyang hamunin ng karera?

At bago pa niya maisip na magpatulin ng takbo ay bumilis ang Toyota Corolla at nilampasan siya at pumuwesto sa unahan niya mismo. Ang Chevy ay pumuwesto sa bandang kaliwa niya at tinabihan siya. At ang pickup ay nanatiling nasa likuran niya. Sa kanan ay shoulder at gipit dahil pababa na ang gilid niyon at pulos mga punongkahoy.

Natanto niyang hindi katulad ng impertinenteng biker ang mga ito. She could sense physical danger. May dalawang paraan siyang magagawa upang makalusot sa mga ito, una ay gitgitin ang Chevy sa kaliwa, pero natitiyak niyang tatama siya sa likurang bumper ng Toyota Corolla sa unahan niya bago siya makalusot. Mangangahulugan iyon na mayuyupi at magagasgasan ang sports car niya. She shook her head silently. She saved that as her last option.

Ginigipit ka nila and there's no other option, wika ng isang bahagi ng isip niya.

But she had another option-ang huminto sa tabi ng daan at alamin kung ano ang kailangan ng mga ito. If it was race they want, then she'd oblige the bastards. They were stupid enough to think they'd even have the slightest chance. Ni hindi makikita ng mga ito ang likuran ng kotse niya sa sandaling binilisan niya ang takbo.

Pagkuwa'y bumusina ang nasa kaliwa niya at sinenyasan siya at itinuturo ang signboard sa tabi ng daan na ipinahihiwatig na ipanhik niya sa susunod na exit ang sasakyan niya. Sinesenyasan siya ng driver ng Chevy na magpatuloy sa pagmamaneho at sumunod sa Toyota na nasa unahan niya.

She frowned and realized at once that race was far from these men's mind.

Agad siyang nagpreno. Sa pagkabigla ng kasunod niya ay muntik na nitong masuro ang likurang bumper niya kung hindi rin agad nakapagpreno. Nabigla man ay ganoon din ang ginawa ng nasa unahan at ang Chevy sa kaliwa niya. Magkakasunod halos na naglabasan ang mga driver ng sasakyan.

She went out of her car, too. Nilinga niya ang mga lalaki. Ang tatlo sa tantiya niya ay pawang mga nasa mid to late-twenties. The bullies of this world. Natitiyak niyang mga rotten spoiled at anak ng mayayaman o ng kung sino mang politician ang tatlo.

Sabay-sabay na sumipol ang mga lalaki nang lumabas siya at sumandal sa pinto ng  sports car niya. Itinaas niya ang shades niya sa ulo.

"So, what do you want, guys?" she asked, her eyes in slits.

"We first thought we only want the car," wika ng driver ng Chevy na nasa harap niya. "Pero nagbago ang isip namin."

Hinagod siya nito ng malisyosong tingin, huminto sa pagitan ng mga binti niya ang mga mata, then he obscenely wagged his tongue in an imaginary lapping.

"Now, we want you, too," nakangising dagdag nito.

Naningkit ang mga mata ni Cameron subalit nanatiling hindi kumikibo at pinagagana ang isip. Tatlo kontra sa isa. At wala siyang nakikitang armas.

"Hindi ba, mga pare?"

Tumawa ang driver ng pickup pero ang nasa kanan niya'y hindi agad sumagot at titig na titig sa kanya. Pagkuwa'y, "She looks familiar, mga pards."

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now