Chapter 9

1.3K 23 0
                                    


CAMERON had been running forever. Hindi na niya kayang makatakbo pa. She'd take another ten steps... and then another ten... and another ten.

At sa isang paghakbang niya ay nasabit ang mga paa niya sa malaking ugat ng kahoy at pasubsob siyang nadapa. Napasigaw siya bago niya natantong isang malaking pagkakamali ang ginawa niyang ingay. Paano kung hindi naman siya kalayuan mula sa mga humahabol sa kanya? They could have heard her scream.

Mabilis niyang dinukot sa bulsa ng jacket ang baril at ikinasa iyon. But god, would she be able to see them in this darkness? Kaya ba niyang magmulat ng mga mata upang hanapin sa kadiliman ang mga ito?

Mula sa kinabagsakan ay hindi na siya tumayo at nanatiling nakaupo roon at nagsiksik sa malaking ugat ng kahoy. Niyakap niya ang mga binti at nilinga ang buong paligid. Nakikiramdam. Napakadilim ng gubat. She must have ran, crawled, walked, in the woods for almost an hour. Pero kahit na kapirasong liwanag na nagpapahiwatig na maaaring may kubo sa kagubatan ay wala.

Matagal na sandali siyang nanatiling nakasandal sa malaking ugat ng punongkahoy. She grimaced and shivered when her hand touched something slimy. She wanted to shriek. Marahil ay lumot ang nahawakan niya dahil umuulan-ulan naman.

Ang ingay ng mga panggabing kuliglig at insekto ang naririnig niya. She was starting to tremble from fear. Not of those men but of the pitch darkness.

At alam niyang walang magagawa ang baril niya sa takot na nararamdaman niya. Ni hindi niya matiyak kung magagawa niyang iputok iyon sa sandaling may maulinigan siyang kalaban.

Hindi na rin niya magawang magpatuloy sa paghahanap ng kahit na kubo sa kagubatang iyon. She couldn't even move herself. Makirot ang likod niya.

Oh, god, please... please. How can I survive tonight? she was sobbing softly. Nanginginig ang buong katawan niya, isiniksik lalo ang sarili sa nakaarkong malaking ugat. Nang bigla ay may pumasok na solusyon sa isip niya.

Maaari niyang tawagan si Kurt! At sa loob lamang ng ilang sandali, iyon ay kung buhay pa siya sa matinding takot, ay darating ang mga tauhan nito at mahahanap siya sa kagubatang iyon. Itataboy din niyon ang mga humahabol sa kanya.

Subalit kahit na anong kapa niya sa bulsa ng jacket at pantalon ay wala ang cell phone niya. She groaned in frustration. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Malamang na nasa loob ng bag niya na naiwan niya sa passenger seat ng sports car.

"Oh, god!"

Niyakap niya ang mga binti. Alin ba ang dapat niyang katakutan? Ang mga lalaking humahabol sa kanya o ang dilim na kakaharapin niya sa napakahabang oras hanggang sa mag- umaga? Would she survive her fear till morning?

Again, without sound, she sobbed hysterically. She knew there was nothing to be afraid of the darkness that surrounded her. Mas mapanganib ang mga humahabol sa kanya. But she couldn't help herself. She had been afraid of the dark since she was six years old.

Matagal siyang nanatili sa ganoong ayos. If hypothermia could kill, perhaps too much trembling from fear could kill, too. Nang may makakuha ng atensiyon niya.

Napaangat ang ulo niya mula sa pagkakasubsob sa mga binti niya. Mga tuyong dahong natatapakan ang naririnig niya. Hindi iyon kalayuan mula sa kanya at papalapit.

Trembling, she turned around her. Sinisikap niyang tapangan ang sarili at magmulat ng mga mata upang kahit paano ay maaninag ang paligid. Her enemies were those men, not this darkness. Nililitanya niya iyon sa isip niya, paulit-ulit.

Subalit malaking bahagi ng utak niya ang ayaw paniwalaan ang idinidikta ng munting bahagi ng isip niya. Hindi niya kayang labanan ang takot sa dilim subalit mamamatay siyang lumalaban sa mga humahabol sa kanya.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon