Chapter 3

1.7K 28 0
                                    


HE DIDN'T want Cameron hurt. He'd kill anybody who would want to harm her. But he wouldn't be her babysitter! Sinulyapan niya itong nahihimbing sa ibabaw ng kama niya, looking so innocent. Like a baby, she was so trusting. She must have felt last night that she was safe with him and succumbed to sleep. And that trust warmed him.

Sa kabila ng dungis sa mukha at dumi sa damit ay hindi niyon nababawasan ang pagnanasang nararamdaman niya para dito. At ngayong natuklasan niya kung sino ito ay biglang nagkaroon ng malaking pader sa pagitan nilang dalawa. Cameron Navarro Fortalejo was unreachable. Forbidden. At kung mananatili siya sa tabi nito ay hindi niya matiyak kung kaya niyang supilin ang damdamin.

And he swore, should that happen, Kurt would definitely send a battalion of assassins to eliminate him. The man was an ex-SEAL himself, a very good one for that matter, and still a CIA operative.

Pero hindi ba at hindi tinutulan ni Kurt ang relasyon nina Ivan at Trace kina Nayumi at Jessica? Kung hindi siya nagkakamali'y sinang-ayunan pa nga nito ang naging desisyon nina Trace and Ivan, looking smug and happy as if he was the two men's father when in actuality Kurt was only a few older than the three of them.

But Kurt had known a long time ago that he had sworn off marriage. Ang mga comrade niya ay obvious na gusto nang magpatali at magkapamilya, making an honest women out of Nayumi and Jessica.

His comrades had worn their hearts on their sleeves. He grimaced. It was sickening. Though somehow he had envied them, wishing he could be as contented as his two comrades, he had no intention of settling down. Never ever.

Isang bagay lang ang alam niyang dapat kalagyan ng mga babae sa buhay niya. On his bed. At paliligayahin nila ang isa't isa. Then he would leave them smiling. He had always left them happy and smiling.

"You're the best man I know for the job, Brad," ani Kurt sa kabilang linya na pumutol sa daloy ng isip niya. "Nandiyan ka na rin lang at tanggapin mo man o hindi ay ipinauubaya ko sa iyo ang kaligtasan ni Cameron. And you can't turn your back on her!"

"Fuck," he muttered when the line was cut off. Pabagsak niyang ibinaba ang wireless phone sa lagayan nito.

For a few seconds he paced the room. Hali-haliling sinusulyapan si Cameron at ang mga monitor. Nasa itaas pa rin, sa bahay niya, ang mga lalaki. Tumiim ang mga bagang niya. To eliminate, those men would be as easy as swatting an obtrusive fly. Ni hindi siya pagpapawisan.

Pero ibinigay niya ang salita niya kay Cameron na hindi niya papatayin ang mga ito. Humakbang siya patungo sa kama niya at walang kahirap-hirap na binuhat itong muli.

Babalikan niya ang maleta at bag nito.

Bahagya lang umungol si Cameron pero hindi ito nagising. Kasama ang aso ay lumabas sila ng tunnel at naglakad nang kalahating kilometro sa pusod ng gubat patungo sa kung saan naghihintay si Abel. Gayun na lamang ang pagkamangha ni Abel nang makilala si Cameron. Matapos nitong sabihin ang nangyari sa ferryboat ay ganoon na lang ang pagnanais niyang balikan ang apat na lalaki at kitlan ng buhay ang mga ito.

A worried Kurt appointed him as Cameron's nanny. Gustuhin man niya o hindi, she was his responsibility now. Sumugal si Kurt sa kaalamang alam nitong hindi siya makatatanggi matapos niyang malaman kung sino si Cameron.

Matapos nilang tanggapin ang salaping ibinayad ni Alvaro Navarro sa pagkakaligtas kay Nayumi ay ipinatawag silang muli ni Franco Navarro sa mansion nito sa Texas sa pamamagitan ni Kurt La Pierre.

"Tanggapin ninyong tatlo iyan," ani Franco. "Hindi kayang tumbasan ng salapi ang ginawa ninyong pagliligtas sa apo ko. Hindi birong halaga ang naipagkakaloob ko sa kung ano-anong institusyon, dito man o sa Pilipinas.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de Leonesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें