Chapter 2

2.1K 41 0
                                    


IN THE States, Cameron took up fashion designing. May nakakita sa kanyang ahente at sa maikling panahon ay nabulabog niya ang fashion world. Her first fashion stint was in Milan. Nang umagang iyon, nagising siyang may iritasyon sa kaliwang mata niya at bahagyang namumula. Hindi iyon napawi ng eyedrops o ng ointment na inilagay sa mata niya.

Kaya sa unang paglakad niya sa catwalk ay gumamit siya ng cat-shaped eyeglasses na ang disenyo ng frame ay may tiger print. That intrigued the Italian press and the sponsors, not to mention that she was a huge success that night. It was the press who had given her the name La Tigra. Base iyon sa disenyo ng maskara niya.

Ang katotohanang walang alam ang press tungkol sa tunay niyang pagkatao ay lalo lang nagpaigting sa pagnanais ng mga itong alamin kung sino siya at kung sino ang mga magulang niya. But she had always been very careful about that And so was her family to try to protect her.

Pagkatapos ng pag-kidnap sa nakatatanda niyang kapatid na si Alessandro dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas ay minabuti ng buong pamilya na itago ang pagkatao niya sa lahat. Maraming haka-haka kung sino siyang talaga subalit walang tiyak na maisulat ang press sa kanya.

Ang hinala ng press at media ay anak siya ni Angeli Montano noong dalagita pa lamang ito. Si Angeli ay nakababatang kapatid ni Billie Rose Navarro, her Uncle Lance's wife. At dahil ang address niya ay sa mismong rancho ni Angeli sa Texas, ay nabuo ang hinalang anak siya ni Angeli Montano sa murang edad, lalo at hindi na nag-asawa pa ito.

The press believed her to be a Montano and thus, a Navarro relative by affinity, at tumatanggap lamang ng charity mula sa pamilya. She didn't mind all the write-ups about her. Ikinagagalak niya ang misteryosong taguri sa kanya.

She was Cameron Navarro. Maaaring hindi niya taglay ang apelyidong Fortalejo ng ama, subalit taglay niya ang sa ina. And Zandro didn't give a fuss about it It was just a name. Ang kaligtasan niya ang mahalaga. Deep inside their hearts she was a Fortalejo as well as a Navarro.

Katunayan, may isa pang haka-haka ang media. Na anak siya ni Nick Gascon-Navarro sa ibang babae. Nakabuo ng hinala ang press na ang paglitaw niya sa mundong ibabaw ang siyang naging sanhi ng paghihiwalay nito at ni Alaina. Na sa katotohanan ay hindi naman nawala si Alaina kundi kusang humiwalay dahil sa kataksilan ng asawa at naninirahan sa isang lugar kung saan mas minabuti nito ang manahimik.

Subalit nanatiling haka-haka lamang iyon. Mas naniniwala ang lahat na anak siya ni Angeli Montano.
Ang kaligtasan niya ang higit na mahalaga sa pamilya. Her parents and their families had never been the same again after the kidnapping of the four-and-a-half-year-old Alessandro.

Jennifer was in Texas when it happened. Naroon ito sa simula pa lamang ng trimester ng pagdadalang-tao kay Cameron. Nahirapan si Jennifer sa pagdadalang-tao sa bunsong anak kaya naman minabuti ng mag-asawa na manatili si Jenny sa Texas kasama ang mga magulang na sina Franco at Bea. Si Zandro at ang panganay na anak na si Alessandro ay nasa Pilipinas at dumadalaw sa asawa sa bawat pagkakataon.

When Jennifer had learned of her son's kidnapping, she went into labor prematurely. Nanganib ang buhay nito nang ipanganak ang pitong buwang sanggol. Halos ikabaliw ni Zandro ang pangyayaring hindi nito malaman kung paano hahatiin ang katawan sa nanganganib na asawa sa ibang bansa at sa pag-aasikaso at pagharap sa suliranin ng nawawalang anak.

As much as possible, hindi ninais ng buong pamilya na malaman ng press ang buong pangyayari. Gayunma'y may mangilan-ngilang nakakalusot. May ilang pahayagang naglathala tungkol sa kidnapping ni Alessandro, kasabay rin niyon ang balita ng pakikipaghamok ni Jennifer sa kamatayan at ang balita ng pagkamatay ng batang wala sa oras nitong naipanganak makalipas lamang ang dalawang linggong mahigit.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant