Chapter 8

1.3K 26 0
                                    


CAMERON picked up speed. Halos tumatalon-talon ang sasakyan dahil sa masamang daan. Now she wondered if she made the wrong turn. At nang muli niyang tingnan ang likuran niya'y nakasunod sa kanya ang Ford pickup.

Maaaring dito rin ang daan ng kung sino man ang driver niyon... pampalakas-loob niyang pilit sa sarili. Pero hindi niya gustong paniwalaan iyon. She reached for the glove compartment and took her gun and her hunting knife out. Isiniksik niya ang hunting knife sa hiking boots niya at ang baril ay sa bulsa ng jacket niya.

She was armed. Gayunma'y hindi niya gustong magpabaya. Hindi siya nakatitiyak kung ilan ang sakay ng pickup. Hindi niya masilip mula sa rearview mirror, dahil naka-dark tint ang salamin niyon.

Di-hamak na mas mabilis ang sasakyan niya kaysa sa Ford truck. Subalit hindi sa ganitong uri ng daan. Her car wasn't made for this kind of terrain. She should have taken her four-wheel drive Isuzu D-Max.

Muli ay nagdagdag siya ng tulin, gustong tiyakin kung sinusundan siya ng Ford. At hindi siya nagkamali dahil nagmatulin din ito. Ang takot ay tuluyan nang gumapang sa buong pagkatao niya. Higit pa niyang tinulinan ang pagpapatakbo, sinikap na makadistansiya.

Matagumpay niyang nagawa iyon dahil nang muli niyang sulyapan ang salamin ay hindi niya ito matanaw. She maintained her speed. Hindi niya kailangang magmabagal. Nananakit na ang mga balikat at braso niya sa pagkontrol sa manibela sa pag-iwas sa mga malalalim na balaho.

"Oh, god, saan ba matatapos ang daang-" She stopped in midsentence. Sinagot niyon ang inuusal niya. She gasped. Both in fear and frustration.

Sa unahan ay may malaking signpost na nakaharang sa gitna ng daan. No Trespassing. Private Property. Dead End.

Nagpreno siya at pagkatapos ay nanlulumong inihinto ang sasakyan sa gitna ng daan. Lumingon siya sa likuran niya. Nakita niya ang unahan ng Ford na lumiko patungo sa kinaroroonan niya.

Mabilis niyang hinugot ang susi at nagmadaling lumabas ng sasakyan. She locked it through remote control. Pagkatapos ay patakbong tinungo ang pataas na bundok at halos gapangin iyon sa pagpanhik. Kung paranoid lang siya at totoong hindi siya hinahabol ng truck, tiyak na magtutuloy iyon sa nakaharang sa daan. Chances are, pag-aari nito ang lugar na iyon. Then she would safely come out of hiding.

Pero kung hindi naman at talagang hinahabol siya, hindi kabisado ng sakay ng Ford ang lugar na iyon at maaaring inaasahan ng mga iyon na sa kabila ng nakaharang na kahoy sa daan siya nagtungo. Kung ganoon ay malaki ang posibilidad niyang makapagtago sa kagubatan.
Nasa itaas na siya ng tila pader na bundok. Madilim na at umaasa siyang hindi makikita ng kung sino mang humahabol sa kanya ang mga humapay na damo na dinaanan niya. From the top, it must be fifteen feet from the road, at naitatago siya ng mga malalagong damo, siit, at dawag.

Humihingal na dumapa siya sa damuhan at bahagyang hinawi ang mga damong nakaharang at tumingin sa ibaba. Paparating ang truck at ilang sandali pa'y pumara iyon sa may likuran ng sasakyan niya.

Limang tao ang halos sabay-sabay na bumaba mula sa Ford. Mula sa natitirang liwanag sa papalubog na araw, ay natanaw niya ang mga mukha ng mga ito. Nakaramdam siya ng panganib. Ngayon niya natiyak na sadya siyang hinahabol ng mga ito.

Hinihintay lang marahil ng mga ito na makarating siya sa ilang. Dalawa ang sumilip sa sasakyan niya. Ang isa'y sinipa ang gulong at umaabot pa sa pandinig niya ang pagmumura nito.

"Saan naroon ang babaeng iyon?" sigaw ng isa sa mga kasama.

"Hindi kaya, Boss, natunugang sinusundan natin siya?"

"Paano niya malalaman? Nakabuntot lang tayo at may nakapagitan pang ibang sasakyan mula Calapan hanggang sa Puerto Galera!"

"Kung tinumbok mo ba naman kanina paglampas natin ng Puerto Galera at sinuro sa bangin, di sana'y tapos na ang problema natin."

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt