CHAPTER 78

4 1 0
                                    

CHAPTER 78

ELISHA'S POV

Napatayo ako sa gulat at hindi ko inaasahan na nahilo ako at napaupo roon sa damuhan. Nasalo at tinulungan nalang ako tumayo agad ni Harry causing me to point at Koa, binitawan ako ni Harry kay Tita Jeanette at dali dali siyang pumunta kay Koa na nahimatay na. Sinikap kong tumayo at lapitan ang anak ko, lumapit rin ang lahat sa sobrang gulat. I was able to touch Koa's face bago ako mawalan ng malay dahil sa pagkahilo ko.

Naalipungatan ako at naidilat kona lang ang mata ko, naalala ko agad ang nangyari at tatayo na sana ng makitang katabi ko ang anak kong si Koa at Kaeya na mahimbing na natutulog. Naupo ako ng dahan dahan at sa bandang bedside ay may isang papel.

'Zeev is okay na. Let him rest for a while.' it's from Troye.

Tinignan kolang ang dalawa kong napaka cute na anak bago sila halikan sa noo. Hindi naman ganon kalala ang allergies sa strawberry ni Koa, mas mabuti na mag papass out lang siya pag nakatikim siya nito at mangangati pagkagising. Samantalang si Kaeya naman may ma oout of breath or hihikain ito pag nakatikim ng strawberry kaya dangerous talaga para sa kanila pareho.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig kong umiiyak sa kwarto nila Xandra. Sumilip ako at nakita naman nila ako, Shion was crying and Xandra was just staring at her son at hawak ang ulo niya. Mukhang pagod na pagod si Xandra kaya lumapit na ako.

"What happened?" I ask.

"He's just crying like that suddenly, ayaw naman niyang sabihin kung anong gusto niya." Paliwanag ni Xandra.

"Hayaan mona titigil din yan pag napagod." She said and i just sigh. Sa pagkakaalam ko ay mag 6 years old na itong si Shion.

Bumalik na ako sa kwarto at pinilit na matulog pero 10 minuto na ang nakakalipas ay rinig ko parin n umiiyak si Shion. Soundproof man ang buong mansion ay ramdam ko parin na may umiiyak. Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa loob na kung saan natagpuan ko so Siofra at Troye with Sadie na tinitignan ang lagay ni Shion.

Mukha namang walang makitang mali si Troye kaya naisipan ko ng lumapit. Hinayaan lang naman nila ako, hinawakan ko sa noo si Shion pero hindi naman ito nilalagnat. Tinignan ko ang reaction ng mukha niya and bingo. Tinaas ko agad ang damit niya at tinignan kung may kabag ito at hindi nga ako nagkakamali.

"Pinapakain moba ng marami itong si Shion pag gabi? Lalo na ang chocolates?" Tanong ko kay Xandra kaya tumango naman ito. Doon nako umiling.

"Ang bata pag gabi na dapat ay iniiwasan ng kumain ng marami lalo na ang matatamis. Kakabagin sila sa sobrang busog plus hindi pa sila nakapag burp. Sasakit ang tiyan nila ganon." Paliwanag ko. Pinakuha ko kay Siofra ang manzanilla sa bedside table ko sa kwarto at kinuha naman niya.

Ilang minuto kong hinihilot ang tiyan ni Shion bago ito tumigil na sa pag iyak at makatulog sa sobrang pagod.

"Sa susunod i control mo parin ang pagkain ng anak mo." Paliwanag ko pero mukhang hindi ma niya ako pinansin. Umalis na ako roon at iniwan na sila, naghihikab pakong dumaan sa harap ni Sadie at hindi man lang binalingan ng tingin kahit alam kong nakatitig ito saakin.

Bumaba muna ako para kumain ng kaonti dahil nag ccrave na naman ang katawan at lalamunan ko ng alak. Hindi kona maiiwasan ito dahil noon paman ay ganito na ang katawan ko, bukod sa mahina ay kailangan rin ng exercise. Nagtimpla ako ng gatas at inimom muna, napaupo nalang ako sa sahig at napahawak sa ulo. Gusto ko mang uminom ay bawal dahil nagpapasuso ako ng dalawang bata.

Simula ng malaman kong buntis ako ay iniwasan ko talaga ang alak at sigarilyo, dahil narin nasanay ang katawan ko at kalagayaan ko roon ay hindi ko maiwasang kailanganin ito minsan. Sa tagal naring ay natitiis kona pero naglalaway parin talaga ako sa alak.

Pagkapasok ko naman sa kwarto ay nakita kong gising na si Koa at alam kong panibagong puyat na naman ito. Ang gagawin kolang ay bubuhatin ito at patutulugin dahil mangangati ang katawan niya kaya pag hindi niya kaya ay iiyak na siya. Ganoon nga ang nangyari at kailangan kong alagaan ang anak ko.

Naglagay na ako ng patch para sa back, arm, leg and shoulder pain ko. Tuwing may allergies si Koa ay ganito ang nangyayari, ayaw niyang bumitaw saakin at ilang oras ko itong pinapatahan. Nakaupo na kami sa sofa ni Koa ngayon at buhat ko siya sa harap ko, kalahating oras din akong naghahanap ng pwesto na hindi iiyak si Koa at dito pa talaga sa sofa at gusto nakasandal lang ako at ayaw ako pahigain. I have no choice at dahil pagod na rin ako ay wala na akong nagawa at nilamon na rin ng antok.

I woke up feeling the the pain all over my body. I opened my eyes to see my Koa is sleeping pa rin. Hindi ko maibababa ito dahil iiyak ito. Tinignan ko ang oras at 3 oras palang ang tulog ko. I was able to move and stretch my body ng hindi nagigising si Koa. I kiss his forehead muna and smile.

"Oh Miss Elisha ang aga mo?" Tanong nito saakin at mukha namang kakatapos lang niya maligo.

"Ate Alyona wag kana masyadong maka miss miss saakin. May anak na ho ako." Saad ko habang umiinom ng gatas.

"Hay nako, limang taon karing nawala. Mas nasanay ako sa Miss Elisha." She answered at parehas kaming natawa.

"Kamusta ang buhay ina?" Tanong nito saakin at tinignan si Koa.

"Gunusto ko naman ito at lalo na pangarap ko rin ito." I answered and she look confused na ikinatawa kona lang.

"Hindi kaba nahihirapan?" Tanong nito.

"Nahihirapan lalo na at ngawit na ngawit na ang katawan ko. Hindi ko naman maibatawan at iiyak na naman. Ayokong nakikitang umiiyak ang mga anak ko." Paliwanag ko rito.

"Ang laki laki ng pinagbago mo." Nangingiting sabi nito. Bumalik ako sa sofa para magpahinga dahil nangangawit na naman ako.

×××

Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

𝐓𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐫: @𝐠𝐡𝐨𝐬𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝_𝐦𝐞
𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐠𝐫𝐚𝐦: @𝐠𝐡𝐨𝐬𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝_𝐦𝐞

Elisha Aphrodite Callisto Gryffon | ON-GOINGWhere stories live. Discover now