CHAPTER 87

1 1 0
                                    

CHAPTER 87

ELISHA'S POV

1 week had passed and today is October 26, this will be the day na Troye and Sadie will be engaged. Malalate ako sa party nila for a while because nandito pa ako sa hotel room ni Dion at nag iinom ito at hindi na rin mapigilian ni Tita Jeanette. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil ayoko naring makialam sa relasyon nila. Lalo na at ngayong araw ay parang itatali narin si Troye at Sadie.

"Enough is enough Harry. You've chase her enough already. Go live your life." I said pero parang wala parin itong pakialam.

Hindi kona kinaya ang panenermon sa kanya kaya umalis na muna ako para puntahan ang mga bata. Iuuwi kona muna sila dito siguro sa hotel para mabantayan ko rin si Harry.

I arrive at the house at the house at pumasok. Hindi na ganoon karami ang bisita sa rest house ni Dad at okay okay naman na. Hindi ko kilala yung iba and mukhang mga kaibigan ito ni Sadie at Troye. Alam kong masasama ang tingin nila saakin pero hindi kona pinansin. Sinulyapan ko sila at napakunot noo nalang ako nang makita yung iba na ngumingisi.

Nakita ko sila Siofra na nandoon with their friends. Nandito din si Dr. Adrian and some doctors and nurses. Wala na rin ang mga elders at mukhang nag sipag uwian na.

"You're here." Siofra said and i nodded.

"Let's drink na." She added.

"Where's the kids?" I ask.

"Upstairs. Natutulog na sila." Sagot ni Xandra.

"Hindi pa ba sila sumama umuwi sa mga elders?" I asked again.

"No. Ayaw nilang iwan ang Daddy nila." It was Chester.

Ramdam ko naman na masama parin ang mga loob nila saakin pero wala na akong magagawa. I'll be leaving soon naman as long as i did my part here.

"I'll go get them at para makauwi na kami." I said and they nodded nalang.

Paakyat na ako sa hagdan ng makitang pababa na ang mga ito at parang nanibago naman ako. Nauna ang mga bata habang inaalalay ni Troye while Sadie is anxious.

I saw my kids looked at those side kung saan nandoon ang mga ngumisi at iniirapan ako kanina. I can't take my eyes of my kids and i was worried nang umiyak ang mga ito at nagmamadaling pumunta saakin.

(Momma, let's go home.)
(I wanna go home na.) Sabay nilang sabi habang umiiyak at nagtaka naman ako dahil nanginginig ang mga ito.

"Did something happen?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ng mga bata.

"N-nothing happened." Sadie answered.

"Those kids just lie saying they know Sadie our friend." One of the mean girl said.

"We're telling the truth." It was Kaeya who answered.

"You just met Ate Sadie when you came back here. How come you know her?" It was Elayne who ask.

Everybody is watching and seems like something happen while I'm away. Mukhang hindi rin naiintindihan nila Xandra ang sitwasyon at naguguluhan din.

"It's true, s-she even scared us not to tell Papa!" Koa answered.

"What do you mean by she scared you?" Tanong ko sa mga bata.

"When you left. She's started scaring us because of her bad attitude plus she's like... About to hurt us." Kaeya explain.

"Liar!" Sigaw naman ng kaibigan ni Sadie.

"Shut up and let them talk." Pigil ko at natahimik naman sila.

"So that's why she block my number in Troye's phone because she doesn't want you to say that to me?" I asked and they nodded.

"Did she hurt you?" I ask at umiling sila.

"But she tried to scare us na pag sinabi namin kay Papa ang totoo ay sasaktan niya kami." Kaeya explained.

"So you threatened my kids, huh." Hindi makapaniwalang tanong ko kay Sadie at natahimik naman ito.

"Sadie will never do that. It was you the one who slap her that time and i saw it with my own eyes." There she is again, Xandra.

"Hanggang kailan mo ba paniniwalaan ang mga kasinungalingan ha?" Seryosong tanong ko sakanya.

"Sadie will never do that right? Are you saying that my kids are lying?" Galit na tanong ko dito.

"Bakit hindi? Doon ka naman magaling diba?" Xandra talk back and after for so long... I felt the anger in my eyes. It's been so long since this happen kaya ang sakit din sa mata.

"Oo na't sinungaling ako pero hindi ibig sabihin na ganoon din ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. Tinuro ko ang tama at mali sa kanila. Alan ko kung nagsasabi ng totoo o hindi ang mga anak ko kaya wag mong madamay damay ang mga bata sa problema mo sakin na para bang ang linis linis mo." Inis na paliwanag ko rito.

"Let's go." Hila ko sa mga bata at pinakalma ang mata ko.

"But Auntie Sadie is lying to Papa." Kaeya said.

"Hindi na natin problema yon anak. Wag na kayong makisali." Kalmadong sabi ko at nanlalambot ang puso ko sa ka-kyutan ng mga anak ko.

"But... Auntie Sadie is Uncle's Dion girlfriend." I stop walking when Koa said that. I froze for a while.

"What did you say?" Sabay sabay na sabi nila Mace.

"Let's go." Mabilis ko silang nilabas at sinakay sa sasakyan. Papasok nako sa driver seat nang makita si Harry na lasing na lasing na pababa sa taxi at gewang gewang pa na pumasok sa loob ng rest house.

'oh god... Something will gonna happen'

"Anak, wait for me here. I'll pick up something sa loob, saglit lang." I said and they nodded.

(Anak, don't worry. I'll take care of this. Wait for me here.) Paliwanag ko sa mga bata at hinalikan sila sa noo bago umalis.

Galit akong pumasok sa loob at nakitang nagwawala si Harry na kung saan nagkakagulo na rin.

"Why... Why can't you just love me?" Umiiyak na sabi ni Harry at lumuhod sa harap ni Sadie. Everyone was stunned.

"I understand you're inlove with Troye but... I still love you." He added and was holding my tears.

"Why don't you just love me back? Ano bang maling nagawa ko? Ikaw ang unang lumaoit saakin pero b-bakit ako ang naghahabol?" Hagulgol na sabi nito habang nakaluhod.

Unti unting bumagsak ang mga luha ko, hindi ko naman ninais na ganito ang maging kalabasan ng mga nangyari sa kanila. If I just knew that time edi sana hindi siya nagmamakaawa ng ganito.

Umiiyak akong lumapit rito...

"H-harry... Let's go. Hayaan mona siya." Umiiyak na sabi ko at niyakap ito. Wala akong pake kung lahat sila nakatingin saakin. Nagpumiglas ito causing me to shout.

"Tama na!" Sigaw ko dito at hinila siya. Hinarap ko ito saakin.

"Wake up Harry! She doesn't love you anymore." Dagdag ko pa.

×××

Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

𝐓𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐫: @𝐠𝐡𝐨𝐬𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝_𝐦𝐞
𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐠𝐫𝐚𝐦: @𝐠𝐡𝐨𝐬𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝_𝐦𝐞

Elisha Aphrodite Callisto Gryffon | ON-GOINGWhere stories live. Discover now