Chapter 1: Nemesis

215 7 0
                                    

Ines' POV

Kung may nakakakita lang sa akin ngayon ay sigurado akong iisipin ng taong 'yon na nababaliw na ako. Paano naman kasi ay natatawa ako sa mga article na nababasa ko, pati na rin sa mga balitang napapanood ko online.

Natatawa ako kay Mr. Detective Geometry na 'Sherlock Holmes' daw in real life, pati na rin sa pangalan na ibinigay nila sa akin.

Well ang cute naman masyado ng nickname na 'Diamond' para sa isang magnanakaw na hindi mahuli-huli. Diamond is the hardest gem, at si Diamond raw ay ang notorious thief na napakahirap hulihin, to the point na maski si Detective Geometry ay hindi kayang hulihin si Diamond.

Bakit naman kasi ako magpapahuli sa kanya? Ano ako? Tanga?

"Mr. Montgomery, ano po ang masasabi ninyo sa naganap na pagnanakaw sa Juwels kagabi?"

"We're currently investigating what happened last night. For now, may mga nakalap na kaming mga bagay at impormasyon na magtuturo sa kung sino ang suspek sa ilang beses na pagnanakaw sa Juwels."

Muli akong napahalakhak dahil sa naging sagot ni Detective Geometry.

May nakuha na silang mga bagay at impormasyon na magtuturo sa nagnakaw sa Juwels? Funny, dahil never akong nag-iwan ng kahit na anong bakas sa tuwing nagnanakaw ako. Saka isa pa, pang-ilang beses na ba niyang sinabi ang mga katagang 'yon sa media? Hindi pa ba siya nagsasawa na isagot 'yon sa bawat interview sa kanya?

Masyado na rin yatang nagpapakatanga ang mga tao sa kaniya dahil lang may itsura siya. Paulit-ulit na lang niya kasing sinasabi 'yon pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Hindi pa ako nakukulong kaya ibig sabihin no'n ay hindi niya pa ako nahuhuli.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naniniwala pa rin ang mga tao sa kaniya, kung ako sa kanila hindi ko na paniniwalaan ang lalaking 'to.

Huminto ang pinapanood kong video nang dahil sa isang tawag.

Napairap ako at kaagad kong ibinato sa pader ang aking cell phone nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin.

Ano na naman bang kailangan niya?!

Nakakainis dahil matibay ang cell phone ko at hindi pa nasira kahit na ibinato ko na sa pader.

Patuloy pa rin itong tumutunog kaya naman tumayo na ako at pinulot iyon.

What the heck does she even want from me?!

"Buwisit!" Muli kong ibinato ang aking cell phone sa pader at sa pagkakataong iyon ay hindi na 'yon tumunog pa.

Bibili na lang ako ng bago.

"The heck does she even want from me?" I mumbled.

Naglakad ako papunta sa aking vanity table at kinuha ang kuwintas na nasa box.

So Diamond na talaga ang tawag nila sa akin? Kung sabagay, okay na rin 'yon dahil hindi talaga nila alam kung sino ako.

Sino ba naman kasi ang maghihinala sa akin?

Okay na rin 'yong nickname na Diamond, pero mas matutuwa ako kung Lavender ang nickname nila sa akin dahil favorite color at flower ko 'yon.

Well, sakto na rin naman ang bago kong nickname sa kuwintas na ninakaw ko kagabi.

A sparkly diamond necklace worth 50 million pesos.

Isinuot ko ito sa aking sarili at matamis na ngumiti sa harap ng salamin.

"You're now home baby." I whispered as I gently touched the diamond necklace on my neck. "This calls for a celebration tonight."

· • -- ٠ ✤ ٠ -- • ·

Loving NemesisWhere stories live. Discover now