Chapter 5: Wedding

62 4 0
                                    

Ines' POV

Inaantok at nanlalata akong nakatitig sa sarili kong repleksyon.

Kasalukuyan akong nasa loob ng isang hotel suite at inaayusan ng kung sino mang mga tao na hindi ko naman kilala.

I have my own makeup artist na nag-aayos sa akin tuwing may events akong pupuntahan, at masasabi kong mas matino at maganda pa siyang mag-make up sa nagma-make up sa akin ngayon.

Bakit ba kasi laging desisyon ang pamilya ko?

Seryoso ang mga nag-aayos sa akin ngunit alam kong kanina pa talaga nila gustong itanong kung bakit ganito ang itsura ko.

Mukha kasi akong walang tulog, which is totoo naman. Well, may tulog naman ako, isang oras nga lang.

Hindi ko naman kasi alam na ngayon na pala ako ikakasal. Nakatatawa nga dahil hindi man lang ako informed kung kailan ang sarili kong kasal.

Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi na nila ako ma-contact ngayon. Bigla rin kasi akong nagpalit ng sim card para sa kapayapaan ko. Pero sana man lang ay noong una pa lang ay sinabi na nila sa akin kung kailan ang kasal ko, hindi 'yong magugulat na lang ako ikakasal na pala ako.

Kung hindi ko pa siguro sinagot ang tawag ni Lily kanina ay baka wala ako sa sarili kong kasal.

I wonder kung ano ang magiging reaction ng mga magulang ko, lalo na ng nanay ko kung nangyari 'yon.

Nang matapos na akong ayusan ay ipinasuot na nila sa akin ang wedding dress na pinili ko noong nakaraan.

Satin off-shoulder mermaid wedding dress. Simple but elegant.

I know this wedding is just for show, but I still want to look good.

Sigurado akong pagkakaguluhan ng mga tao sa social media ang tungkol sa kasal na 'to oras na malaman nila ito, at ayoko namang magmukhang ewan sa mga pictures.

Fashion icon ako sa social media tapos sa sarili kong kasal ang chaka ng suot ko? No way.

My hair is in a bun, and my side bangs are slightly curled. Veil na lang ang kulang at ilalagay na lang daw nila 'yon mamaya.

May lumapit naman sa akin at iniabot ang isang kahon na naglalaman ng isang pares ng simpleng dangle pearl earrings.

Galing daw 'yon kay Detective Geometry, at kahit na hindi ako mahilig sa mga pearl jewelry ay isinuot ko pa rin 'yon.

May dala naman akong mga alahas, pero ayoko naman ding maging rude at hindi isuot ang bigay niya.

Isa pa, puwede akong gumawa ng drama sa social media. I mean, kung gusto nilang umarte rin kaming tunay na lovers online ay puwede akong gumawa ng appreciation post sa mga hikaw na 'to.

For sure naman ay maniniwala kaagad ang mga tao at makukuha ko kaagad ang emosyon na gusto kong makuha mula sa kanila.

Nang maisuot ko na ang mga hikaw ay may lumapit na naman sa akin na may dalang kahon na naglalaman ng isang pearl necklace at galing na naman daw 'yon kay Geometry.

Bakit ba ang hilig niya sa mga pearl?!

I like diamonds more than pearls.Hindi niya ba 'yon nahalata noong bumili ako ng mga alahas sa Juwels? Hindi ko pinili 'yong mga alahas na may pearls, tanging ang mga alahas lamang na may mga dyamante at ibang mga bato ang pinili ko.

I guess I'll just let him know next time.

Mukha namang wala akong choice kundi ang isuot ang bigay niya.

It was a three-layer pearl necklace with an emerald pendant and a dangling oval pearl in the middle. It looks vintage yet elegant. The emerald in the middle stands out and it sparks everytime light touches it.

Loving NemesisWhere stories live. Discover now