Chapter 11: Comments

83 5 0
                                    

Ines' POV

It's been a week matapos kaming ikasal ni Nemesis at isang linggo na rin akong nagkukulong sa kuwarto ko.

Hindi kami nagpapansinan sa tuwing nagkakasalubong kami sa bahay. Sa totoo lang ay tatlong beses ko nga lang yata siyang nakita at nakasalubong sa loob ng isang linggo.

He looks so busy at palagi rin siyang wala sa bahay, which is a good thing naman for me.

Malaya kasi akong nakakikilos sa bahay sa tuwing wala siya. Mas nakatutuwa nga sa tuwing wala siya magdamag dahil sa mga oras na 'yon ay may pagkakataon ako para umalis at gawin ang mga bagay na dapat kong gawin na hindi niya dapat malaman.

Thanks to his busyness nagkaroon ako ng oras para ayusin ang mga dyamanteng ninakaw ko sa Juwels.

Wala pa naman akong ginagawa nitong mga nakararaang araw dahil gusto ko munang lumabas sa balita ang ginawa ko last time. Sayang talaga dahil inatras ni Julia ang release ng mga alahas niyang pinalitan ko ng peke noong nakaraang linggo.

Masasabi kong marami na akong nagawa sa loob ng isang linggo at kahit papaano ay unti-unti na rin akong nakapag-a-adjust sa bago kong buhay.

Mukhang hindi nga rin magiging hindrance si Nemesis sa mga ginagawa at gagawin ko dahil wala naman yata siyang pake sa akin. Isa pa, masyado na yata siyang busy para isipin pa ako at bigyan ng panahon, which is a good thing in my part.

We already confirmed our marriage na rin sa public. I've asked him last time kung ano ba ang gusto niyang mangyari. Kung gusto niya bang ilabas sa public o itago na lang. Naging mabilis lang ang usapan namin dahil agad niyang sinabi sa akin na sabihin na raw namin sa publiko ang tungkol sa pagpapakasal namin. Wala naman daw sense kung itatago pa namin lalo na't may na-leak nang mga pictures online.

Sinabi niya rin na ako na raw ang bahalang mag-imbento ng istorya para sa publiko. At dahil nga perfect dapat ang maging figure namin, lalo na ako online. Sinabi ko na matagal na kaming patagong nagda-date at matapos ng isang taon na dating stage ay nag-propose sa akin si Nemesis at pinagplanuhan na namin ang pagpapakasal.

Marami ang nagulat sa post ko lalo na't hindi raw ito inasahan ng karamihan.

Well, kahit ako rin naman ay hindi ko inasahan na kay Nemesis ang magiging bagsak ko.

Mukhang sweet at nagmamahalan talaga kami sa pagkukuwento ko sa caption ng post ko, pero kasinungalingan lang naman ang lahat ng 'yon at para lang 'yon sa image na pinoprotektahan namin.

Mas madali kasing gumawa ng kuwento kaysa sabihin ang totoo lalo na't marami ang tiyak na mambabatikos kapag nalaman nilang arranged marriage lang ang lahat ng ito.

Isang oras na yata akong nagso-scroll sa comment section ng latest post ko. I just posted a sponsored post for a known brand, at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga komento ng mga tao.

'Ganduhh!'

'Ms. Ines, naging blooming ka po since noong kinasal kayo ni Detective Matt!'

'Malapit na Valentines! Ano po regalo sa'yo ni Detective Matt?'

'Ganda talaga! No wonder kung paano at bakit na-inlove sa'yo si Detective Matt!'

'Tumataba yata? Buntis nga talaga siguro. Legit siguro 'yong sinasabi ng iba na kaya pinakasalan kasi nabuntis. No hate, ah?'

'Lodi!'

'Lapit na Valentines! Saan po kayo magda-date? Any date recos?'

'I miss you, Ms. Ines! So pretty pa rin!'

Loving NemesisWhere stories live. Discover now