Chapter 8: Stubborn

64 3 0
                                    

Ines' POV

Habang nakaupo sa passenger's seat ng Audi na minamaneho ni Nemesis ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang tungkol sa nangyaring nakawan sa Juwels kagabi.

Hindi ako makapaniwala na may iba pang kayang magnakaw sa Juwels maliban sa akin. Akala ko nga ay sa ibang branch nagkaroon ng nakawan dahil magma-make sense pa 'yon. Pero sa mismong main store ng Juwels? Hindi kapani-paniwala.

May mga establishments sa paligid ng main store ng Juwels, marami ring mga CCTV cameras na nakatutok, at higit sa lahat, masyadong maaga ang nangyaring nakawan.

Base sa nabasa kong article ay nagkaroon daw ng nakawan around 11 PM. Hindi ako nagnanakaw ng mga ganoong oras dahil alam kong gising pa ang karamihan at may posibilidad na may mga tao pa sa mga establishments na nasa paligid ng Juwels.

Sabi pa sa nabasa kong article ay wala raw talagang naramdaman ang nagbabantay na guard noong gabing iyon. Well, palagi namang walang nararamdaman ang guwardiyang nagbabantay sa Juwels kaya nga nakapagnanakaw pa ako at hindi nahuhuli.

Pero still, nakapagdududa pa rin talaga ang nangayari. It's either kasing galing kong magnakaw ang magnanakaw, o inside job na ang nangyari.

"What are you thinking about?"

Napatingin ako kay Nemesis na seryoso at diretso ang tingin sa daan.

"Nahuli n'yo ang nagnakaw sa Juwels kagabi?" Hindi ko na napigilan pang mapatanong. Gusto ko rin naman na ma-open ang topic na ito lalo na't nacu-curious talaga ako sa nangyari.

"Hindi pa." Sandali siyang lumingon sa akin bago niya ibalik ang kaniyang tingin sa daan. "Bakit?"

"Wala pa kayong kahit na sinong person of interest?" Hindi ko pinansin ang pagtatanong niya sa kung ano ang dahilan kung bakit ako nagtatanong at ginatungan ko na lamang ng isa pang katanungan ang aming usapan.

"Wala pa," tipid niyang sagot. "Bakit?"

"Noong nakaraan sabi mo may mga nakuha ka nang ibidensya na magtuturo sa kung sino ang nagnanakaw sa Juwels? Tapos hanggang ngayon sasabihin mo wala pa rin? Are you lying ba sa tuwing may nag-i-interview sa'yo?"

Seryoso siyang napatingin sa akin. "Why are you even asking about this?"

"Because I want to know, obviously." I rolled my eyes.

"What did I tell you earlier?" He turned his gaze to the road. "One more eye roll and I'll make sure you'll regret it."

I made a face, not caring if he saw it or what.

Nang ibinalik ko ang aking paningin sa labas ay nakita kong nakahinto na ang kotse sa tapat ng bahay ng mga magulang ko. Ni hindi ko man lang namalayan na papunta pala rito ang daang tinatahak namin kanina.

Bakit kami nandito?

Ngayon ko lang naalala na hindi ko naman pala sinabi sa kaniya kung saan ako nakatira. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit niya ako dinala rito.

"Your mother texted me earlier habang naliligo ka pa. Sabi niya nasa bahay n'yo raw ang mga gamit mo." Tila ba nabasa niya ang nasa isip ko at kusa niya nang sinagot ang tanong na nasa isipan ko.

Pero ano raw? My mother texted him earlier at sinabing nasa bahay nila ang mga gamit ko?

Funny. Mga hindi na importanteng mga bagay ang iniwan ko sa bahay na ito noong naglayas ako noon at bumukod sa kanila.

"Okay." Kinalas ko na ang seat belt ko at agad ko siyang pinigilan nang akma na sana niyang tatanggalin ang kaniyang seat belt. "You stay here. Ako na ang kukuha sa mga gamit ko para mas mabilis."

Loving NemesisOnde histórias criam vida. Descubra agora