Chapter 24: Office table

74 2 1
                                    

Ines' POV

"Let's talk, Ines. You are far better than murdering someone."

"Crush na crush ka niya noon ayaw lang niya aminin."

"Ano ba!" Inis akong napataklob ng kumot. Kinuha ko ang unan na nasa aking tabi at itinakip ito sa aking tainga dahil parang kanina pa may bumubulong sa akin kaya paulit-ulit kong naaalala ang mga sinabi ni Chloe kanina pati na rin ang mga pag-uusap namin ni Nemesis noon.

Higit isang oras na yata akong hindi makatulog sa kaiisip sa mga sinabi ni Chloe kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na dati nang nagtagpo ang landas namin ni Nemesis. Mas lalong hindi ko rin inakala na may crush siya sa akin noon. Well, matagal naman na 'yon kaya hindi ko na dapat iniisip pa 'yon ngayon.

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maamoy ko ang amoy ni Nemesis mula sa unang nakatakip sa akin.

Akala ko ba pinalitan na niya ang beddings? Bakit kaamoy niya pa rin 'to?

"Detergent lang 'yan, Ines!" Inis kong tinanggal ang unan mula sa pagkakatakip sa akin kasabay ng aking pagbangon.

Hindi talaga ako makatulog.

Napatingin ako sa aking tabi. Wala pa rin si Nemesis at ako lang mag-isa ang nandito sa kuwarto niya.

Ngayon lang ako nakapasok dito. Mas malaki ito kaysa sa kuwartong tinutulugan ko dahil malamang ay master's bedroom ito.

Kulay puti ang pintura ng kuwarto. Karaniwan naman sa mga furnitures na nandito ay kulay itim. Maging ang mga gamit niya ay karaniwang itim o kaya naman ay dark colors.

Amoy na amoy ko rin ang pabangong ginagamit niya palagi. Hindi ko maipaliwanag ang amoy ng kaniyang pabango dahil hindi naman ako magaling pagdating sa mga pabango ng mga lalaki, basta ang masasabi ko lang ay hindi naman masakit sa ilong, at aaminin ko nakaaakit din.

"Ines!" Muli akong napasampal sa aking sarili.

Ano ba 'tong mga iniisip ko? Kailan ba ako nagsimulang mag-isip ng ganito? Nababaliw na ba ako?

Bumangon na lamang ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Matapos nito ay napatitig ako sa aking repleksyon.

Bahagyang magulo ang aking buhok at tumutulo rin ang tubig mula sa aking mukhang basa dahil sa paghihilamos. Medyo maputla rin ang aking mukha at labi dahil wala akong anumang kolorete sa mukha.

Napahawak ako sa aking labi at napansin kong bahagya itong cracked. Ngayon ko lang naalala na nakalimutan ko palang maglagay ng lipbalm kanina bago humiga.

Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa maletang pinaglagyan ko ng aking iilang mga gamit. Iniligay ko roon kanina ang lahat ng mga kailangan ko lalo na ang mga damit dahil hindi ko alam kung anong oras ba magigising bukas si Chloe. Ayoko rin naman siyang istorbohin sa pagtulog niya kaya naman kumuha na ako ng mga damit at gamit sa aking kuwarto at inilagay ko iyon sa maleta.

Nakatatawa nga dahil para akong maglilipat ng bahay kahit na sa kabilang kuwarto lang naman talaga ako lilipat.

Sandali pa akong nagkalkal sa maleta hanggang sa nahanap ko ang aking lip balm at suklay. Nagtungo ako muli sa banyo at naglagay ng lip balm sa aking labi bago nagsuklay.

Magpapahangin na lang muna siguro ako.

Bago lumabas ng kuwarto at kumuha muna ako ng cardigan.

Pababa pa lang sana ako ng hagdan nang madaanan ko ang opisina ni Nemesis. May sumisilip na ilaw sa ilalim ng pinto kaya mukhang gising at may ginagawa pa siya. Marahan akong lumapit sa pinto ng kaniyang opisina at idinikit ang aking tainga. Mula sa loob ay narinig ko ang tunog ng pagtitipa sa keyboard.

Loving NemesisWhere stories live. Discover now