Chapter 9: Beg

82 3 0
                                    


Ines' POV

Halos malaglag ang panga ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay niya.

Moderno at magara ang estilo ng kaniyang bahay. Tahimik din at bahagyang madilim dahil itim at dark shades ng gray ang color scheme ng bahay niya.

Sa sobrang tahimik ay napapaisip na ako kung tao pa nga ba ang nakatira dito o multo. Kung kulay puti lang kasi ang bahay niya ay sigurado akong haunted house na ito kagaya ng mga bahay sa mga pelikula.

High ceilings with a golden chandelier. 'Yan ang bumungad sa akin nang mapadaan kami sa sala ng kaniyang bahay.

Tiningnan ko ang sahig at hindi nga ako nagkamali sa inakala ko. Marmol nga ang sahig ng bahay niya.

Well, bakit pa nga ba ako magugulat na ganito kagarbo ang bahay niya? Garahe pa nga lang niya ay puno na ng mga sports at luxury cars. Idagdag pa ang gate niyang automatikong nagbubukas.

Nagulat lang din talag siguro ako dahil hindi ko inakala na ganito siya kayaman. Alam ko namang mayaman ang pamilya niya at sigurado rin naman akong mayaman siya dahil sa trabaho niya, pero never kong naisip na ganito siya kayaman.

"Done looking around?"

Agad na bumaling sa kaniya ang aking paningin at nakita kong malayo na pala siya mula sa akin.

Mukhang napasobra yata ako sa pagkamangha.

"Your house is nice," I commented as I walked towards him.

"Do you like it?" he asked with his serious face.

Napangiwi naman ako. "Kapupuri ko nga lang sa bahay mo 'di ba? In case na hindi mo narinig, sabi ko your house is nice."

"But that doesn't mean na nagustuhan mo na ang bahay ko, I mean, natin pala. You can say that it's nice pero deep inside ay ayaw mo." Inilapag niya ang aking maleta sa marmol niyang sahig. "You can just tell me kung may ayaw ka sa bahay. Bahay naman na natin 'to kaya may karapatan ka na rin dito."

Napataas ang kilay ko nang dahil sa mga sinabi niya. "Maganda ang bahay mo, wala na akong ibang masasabi pa. Pero ang akin lang, bakit parang may lalabas na multo rito? Hindi ba't sobrang tahimik at dilim naman yata?"

Nakita ko ang pagtakip niya sa kaniyang bibig gamit ang kaniyang kanang kamay at gumalaw ang kaniyang magkabilang balikat.

Tumatawa ba siya?

"Are you laughing?" I crossed my arms in front of my chest. "Why are you laughing?"

Ibinaba niya na ang kaniyang kamay at doon ko nakita ang pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi kasabay ng paglabas ng malalim niyang mga dimple.

May dimples pala siya?

Ni hindi ko man lang nakita ni isang beses ang dimples niya mula sa mga video niya online. Kung sabagay, hindi nga naman pala siya ngumingiti sa mga 'yon.

"Sorry." Nakita ko pa ang paggalaw ng kaniyang mga balikat bago siya tumikhim. "Sabi mo kasi wala ka nang masasabi pa tapos biglang may sinabi ka pa."

Napataas lalo ang aking kilay nang dahil sa sinabi niya. Bumaba rin kaagad ito nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

Kaasar! Maypoint nga naman siya.

Ako naman ang napatikhim. "So may multo ba rito o ano?"

Umiling siya at bumalik na ang seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha. "Don't worry wala."

Tumango ako kahit hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

"So, let's go to your room na." Tinalikuran na niya ako at nauna na siyang naglakad kaysa sa akin.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon