Chapter 3: Agreement

64 4 0
                                    

Ines' POV

It's such a shame that I'll be wasting the first day of February on choosing my wedding dress.

'We'll unblock all of your cards if you choose your dress with your groom today. Send me proof that you met up with him.'

Tsk! I want this over as soon as possible. Kung puwede nga lang ay pipiliin ko na ang unang damit na makita ko sa botique na 'to, kaya lang ay kailangan pa ng proof na kasama ko si Cole ngayon.

Bakit ba kasi kailangang kasama pa si Cole sa pamimili ng damit ko? Damit ko naman 'yon at sigurado naman akong hindi interesado ang lalaking 'yon sa mga ganitong bagay. Isa pa, arranged marriage lang naman 'to. I doubt na pupunta siya rito ngayon.

I don't even care about this, si Cole pa kaya?

Panay lipat lang ako sa mga page ng ibinigay nila sa aking guide book sa pamimili ng wedding dress. Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nagpaulit-ulit mula sa unang page ng librong ito, pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Cole.

Inip akong tumingin sa aking relo at nakita kong 11:26 AM na at kanina pang 10:45 AM ang sinabi sa aking oras na magkikita kaming dalawa sa boutique na 'to.

This is so annoying! Alam ko namang wala siyang pake rio dahil maski ako ay wala naman talagang pake, but can't he just come here para naman makapagpapicture ako sa kaniya bilang proof na nagkita kami?!

I want to go shopping na or whatever, but I can't do that kung hindi pa mau-unblock ang mga card ko.

I really hate the power and connections of my family!

Muli kong binuklat sa pinakaunang page ang hawak kong libro at piangmasdan ang mga pictures doon.

I'm at the urge to choose whatever my finger lands on, dahil sigurado naman akong babagay sa akin ang kahit na anong damit. Ni hindi ko nga alam kung ano bang klaseng wedding ang magaganap kaya hindi rin ako makapili ng damit. Hindi rin naman ako puwedeng basta-basta na lang pumili dahil gusto ko rin namang maging maganda at matino kahit na peke lang ang lahat ng 'to.

Sigurado naman ako that we have to publicize this wedding kaya gusto ko namang maging maayos. Hindi ko nga inasahan na may wedding ceremony pang magaganap dahil ang akala ko ay pirmahan na lang sa papel ang mangyayari.

"Victoria?"

Napaangat ako ng aking tingin nang may pamilyar na boses na tumawag sa akin.

Nang makita ko kung sino ang nagsalita ay gusto ko na lang isipin na ako na siguro ang pinakamalas na tao sa buong mundo.

What is he even doing here? Singilin ako sa utang ko sa kaniya?

"Where's your brother?" inip kong tanong sa kaniya at ibinaba ang hawak kong libro.

Nakita ko naman ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang labi at pagkunot ng kaniyang noo. "My brother?"

Tumaas ang aking kilay. "Yeah. Your brother. Where is he? Bakit ikaw ang nandito?"

Mas lalo pang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

Hindi ko alam kung ano ang nakalilito sa sinabi ko para malukot ang mukha niya.

Tumutulo ang kaniyang pawis sa noo at kita ko rin ang paghabol niya sa kaniyang hininga na tila ba nanggaling siya sa marathon.

Paano ba naman kasing hindi siya pagpapawisan, eh nakasuot pa rin siya ng long sleeve polo, vest, at trench coat. Bakit ba kasi talagang naka-costume palagi 'tong detective na 'to?

Hindi ko talaga maintindihan kung papaano niya nakakayanan na ganiyan ang suot niya sa pang-araw-araw, eh napakainit sa Pilipinas.

I salute his dedication and effort sa pagiging palaging in costume.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon