Chapter 22: Talk

49 0 0
                                    

Ines' POV

It's the middle of the night, yet here I am, sitting on the kitchen island while waiting for Nemesis to finish whatever he's doing in the kitchen.

Hindi ko makita ang ginagawa niya dahil nakatalikod siya mula sa akin at sa lapad ng likod niya ay talagang wala akong makikita, pero dahil sa kaikaibang halimuyak na mula sa kaniyang puwesto ay mukhang naghahanda siya ng tsaa. Hindi ko nga lang mawari kung anong klase ng tsaa dahil magkahalong amoy ang naaamoy ko.

It took him almost more than five minutes before he returned to the kitchen island. He placed a cup of tea in front of me as he sat across from me.

Napatingin ako sa tsaang nasa harap ko. Amoy pa lang nito alam kong lavender tea na ito. Tiningnan ko naman ang tasa na nasa harap niya at nakita kong iba ang tsaang nasa tasa niya kumpara sa tasa ko.

"Why did you prepare two different teas?" I couldn't help but ask.

Nakapagtataka kasi kung bakit nagsayang pa siya ng oras para maghanda ng dalawang magkaibang tsaa kung puwede namang parehas at iisang klase ng tsaa na lang ang inihanda niya.

Hindi ko rin inaasahan na iinom siya ng tsaa ngayon gayong mukhang puro kape lang ang dumadaloy sa sistema niya.

"It seems like you like lavender more than chamomile." He took a sip from his cup. "Your room always smells like lavender. You also did not drink the chamomile tea I prepared last time. That's why I prepared lavender tea for you rather than chamomile tea, which is what I have right now."

I couldn't help but be shocked by what he said. I didn't really expect that he would be this observant towards me.

Bakit pa nga ba ako nagtataka? Detective nga pala siya. Normal na sa kaniya ang pagiging observant kaya hindi ako dapat mag-assume ng kung ano-ano.

"When did you even have lavender tea? I thought you only had chamomile tea at home?" I looked at the cup in front of me. To be honest, I couldn't help but be hesitant to drink this, especially since he might have put some poison in my drink.

"Just a few days ago," he answered. "Go ahead and drink. Tell me how it tastes. This is my first time making lavender tea, so I don't know if it tastes okay."

I gulped as I hesitated to even lift my cup.

"It's not poisoned."

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang tasa na nasa harap ko at walang pag-aalinlangan niyang ininuman.

Napatulala na lamang ako nang makita ko siyang mapapikit dahil sa init ng tsaang ininom niya kasabay ng paggalaw ng kaniyang lalagukan.

"See? Hindi pa bumula ang bibig ko." Natatawa niyang biro at inilapag muli ang tasa sa aking harapan.

Bahagya naman akong natawa kasabay ng muli kong pagtingin sa laman ng tasa. "Hindi naman kaagad umeepekto ang ilang mga lason, eh. Baka mamaya ganoon ang inilagay mo rito."

"Kung ganoon man ang inilagay ko, then parehas naman tayong mamamatay dahil uminom din ako," payak niyang wika at muling uminom sa kaniyang tasa.

"Parang nandidiri naman akong uminom dito dahil ininuman mo na," biro ko naman.

Bahagyang napataas ang kaniyang kilay kasabay ng paglapag niya ng kaniyang tasa. "Bakit? Laway concious ka ba? If that's the case, then I'll just make you a new one."

Akma na sana siyang tatayo nang agad ko siyang pigilan.

"H-Hindi! Joke lang naman!" taranta kong pigil sa kaniya.

Sandali niya akong tiningnan bago siya umayos ng upo.

"Okay. Start when you're ready," he calmly said.

Loving NemesisМесто, где живут истории. Откройте их для себя