Chapter 21: Gun

44 3 0
                                    

Ines' POV

Umaga pa lang at sira na ang ulo ko. Malamig ang hangin sa umaga pero mukhang hindi nito mapapawi ang init ng aking ulo.

Wala na si Nemesis sa bahay. Maging sina Abigail at Blaine ay wala na rin. Mabilis lang akong naligo at nagbihis.

Tila ba nawala na ako sa aking sarili nang dahil sa sinabi ni Olive hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili sa loob ng aking kotse habang pinapatakbo ito na para bang siyam ang buhay na mayroon ako.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at nararamdaman ko na rin ang pag-aalab ng galit sa aking puso kasabay ng pandidilim ng aking paningin.

Ano na naman ba 'tong larong sinimulan mo Julia?

Napakagat ako sa aking labi at mas kasabay ng pagpapaharurot ko sa aking kotse.

"I swear, Julia, mapapatay talaga kita." Mariin akong napakagat sa aking labi at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo sa kotse.

Tunog nang tunog ang aking cell phone na nasa loob ng aking bag ngunit hindi ko iyon pinapansin. Wala na akong pakealam kung sino man 'yon dahil ang importante sa akin ngayon ay ang nangyari sa Vanders.

Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa Vanders. Hindi ko na ipinarada nang maayos ang kotse at kaagad na akong pumasok sa loob at nagtungo sa aking opisina. Doon ay natagpuan ko si Olive na nagwawalis ng mga bubog ng salamin.

Napatingin ako sa basag na salamin sa aking opisina. Sunod na dumako ang aking mga mata sa magulong lamesa.

Nilibot ng aking mga mata ang buong opisina at nagngitngit ang aking mga ngipin sa galit nang makita ko kung gaano ito kagulo. Bukas ang mga drawers at iba pang mga secret compartments na nakatago sa aking opisina. Imposibleng kagagawan ito ng isang simpleng tao o magnanakaw.

Mahigpit ang security sa buong Vanders. Kahit hindi ganoon kalaki ang aming puwesto rito ay sinigurado kong mahigpit ang sekyuridad.

May mga alarm din ang bawat secret compartment kapag hindi nabuksan nang maayos. May alarm din naman sa opisina ko kapag nagkaroon ng forced entry, kaya paano nangyari ang lahat ng ito?

"Miss Ines, kumalma ka muna, maaayos natin 'to."

Matalim kong tiningnan si Olive at napakuyom ako sa aking kamao nang may sumagi sa isipan ko.

Walang ibang nakaaalam sa mga tamang pagbukas at pagsara ng mga secret compartments kundi ako at si Olive lang. Tinuruan ko rin siya kung papaano patayin ang mga alarm incase na mag-alarm ito kahit na hindi dapat.

You're the only person I trust, Olive.

"Olive, where were you last time?" mariin kong tanong sa kaniya.

Umayos naman siya ng tayo at hinarap ako. Hindi ko na napigilan pa ang panginginig ng aking nakakuyom na mga kamao nang makita ko ang takot sa mga mata ni Olive.

I trusted you, Olive.

"Sinabi mo sa akin kanina na gabi ito nangyari. Paulit-ulit mong sinabi sa akin 'yon kanina, Olive. Sinabi mo pa na ito ang unang bumungad sa'yo ngayong umaga pagkarating mo rito." Pinilit kong tatagan ang aking sarili at unti-unti akong humakbang papalapit sa kaniya. "Answer me, Olive. Where were you last night?"

Napatulala naman siya sa akin at sa mga pagkakataong ito ay gusto kong magalit sa kaniya at sa sarili ko nang muli kong makita ang takot sa kaniyang mga mata.

Kahit na ayaw kong isipin, malinaw na malinaw sa akin na imposibleng walang kinalaman si Olive sa nangyaring ito.

Kung may magnanakaw man sa highly secured na opisinang 'to, si Olive ang posibleng suspect.

Loving NemesisWhere stories live. Discover now