Chapter 14: Target

34 1 0
                                    


Ines' POV

Kaagad na kumalat ang nangyari sa akin. Nakuha ko naman ang simpatya ng mga tao at muli ring umingay ang pangalan ko online nang dahil sa nangyaring insidente.

'Hala! Dapat na makulong 'yan forever! How dare him hurt our beautiful Ines!'

'Grabe naman si Kuya! Sobra naman ang obsession! Hindi na tama!'

'Hindi ba puwedeng hayaan n'yo na lang si Ines? Malaki na siya at choice niya ang pagpapakasal sa lalaking mahal niya. Masyado naman yata ang attachment at obssession!'

'Let her live peacefully na guys!'

'Kawawa naman si Ines : ('

'It's time for ya'll to wake up and realize n may private life rin siya na hindi natin dapat pinapakealamanan. Yes, nakagugulat talaga ang biglaan niiyang pagpapakasal, pero let's respect their decision na lang : ('

'Buti na lang nand'yan si Detective Matt!'

'Ang lakas ng loob ni Kuya mo na gawin 'yan knowing na si Detective Matt ang asawa ni Ms. Ines!'

Sa kabila ng mga komentong 'yon ay hindi pa rin talaga maiiwasan ang komento ng mga taonng makikitid ang utak at walang ibang kayang gawin kundi ang mag-spread ng hate.

'Siguro ginusto niya 'yan.'

'Post nang post ng mga pang-aakit na pictures sa social media tapos iiyak-iyak ngayon kapag nabastos na? Lol.'

'She asked for it lol.'

'What if lalaki niya talaga 'yan tapos nahuli lang sila ni Matt kaya sinabi niyang stalker niya?'

'hnDi kc ngiingt! Iyk iyk ngyn n nbsts na,,,...'

'Bkt ksi ngsusoot ng gnyan?,,,.... kya nbbstos ,,... eh....,,'

'Pang mudil kc ang ktwn kya gnyan,,,.... kwawa nmn,,.... pro iha sa susnod,,... mgsoot kc ng maays n dmt pra d nababstos,,.... wg dn pust ng pust sa socil media,....'

Napapailing na lamang ako sa mga walang kuwentang comment ng ibang tao. Wala na akong pake sa kanila ngayon dahil hindi naman sila worth ng oras ko lalo na't sobrang busy ko ngayon to the point na wala na akong natitirang oras na puwedeng maibigay sa kanila.

It's crazy how some people thinks na kasalanan ko ang nangyari dahil sa nagpo-post ako ng 'malalaswang' pictures online.

Hindi naman ako na-inform na malaswa na pala kapag nag-post ako ng pictures ko na nakasuot ng sleeveless at spaghetti tops online.

Inilapag ko na ang cellphone ko sa tabi at ipinagpatuloy ang pagske-sketch ng damit na dine-design ko para sa bagong collection na ire-release ko sa April.

I'm currently in my office at Vanders— the boutique I secretly own.

I originally started this boutique as a jewelry shop katulad ng Juwels. Itinayo ko rin ito para sana kalabanin si Julia, kaya lang ay hindi nasunod ang plano ko.

Mas marami pa rin ang tumatangkilik sa negosyo ni Julia dahil sa designs ng mga alahas niya na hindi naman talaga sa kaniya.

Just the thought of her making money through someone else's designs makes my blood boil. Kaya lang ay wala naman na akong ibang magawa dahil pinanganak na talagang walang originality si Julia.

Iisang tao lang ang may alam na ako ang nagmamay-ari ng Vanders, at 'yon ay si Olive. Siya lang din ang nag-iisang tao na alam ang mga sikreto ko dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Sa kaniya ko rin ipinagkatiwala ang pagma-manage ng Vanders lalo na't palagi akong busy.

Loving NemesisWo Geschichten leben. Entdecke jetzt