Chapter 13: Warm

61 1 0
                                    

Ines' POV

Isang malakas na putok ng baril ang siyang saglit na nagpatigil sa pagtibok ng aking puso.

Mas lalong nanginig ang aking buong katawan at para na rin itong namanhid.

Todo ang pagpikit ko sa aking mga mata at para bang ayoko nang imulat pa ang mga ito sa takot na makita ang kung ano mang nangyayari ngayon.

Muling umihip ang malamig na hangin kaya naman napayakap ako sa aking katawan. Ramdam kong sira na ang suot kong nightgown kanina at tanging ang cardigan na lamang ang natitira sa aking pang-itaas. Hindi ko nga lang alam kung may natitira pa nga ba sa pang-ibaba ko maliban sa aking saplot.

Naramdaman ko ang paglapit ng presensya ni Nemesis kasabay ng pagbalot sa amin ng katahimikan.

Bahagya tuloy akong kinabahan kung ano na ba ang nangyari sa baliw na lalaking 'yon. Patay na kaya siya? Saan kaya siya tinamaan?

Alam kong hindi tama ang ginawa ng lalaking 'yon at mukhang wala na rin siya tamang pag-iisip, pero ayaw ko rin namang mamatay siya.

"Are you hurt?" Sa gitna ng malamig na pagsimoy ng hangin ay naramdaman ko ang pagbalot ng init sa aking katawan dulot ng pagyakap sa akin ni Nemesis.

Nanginginig pa rin ang aking buong katawan at patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. Isiniksik ko na lamang ang aking sarili sa kaniyang bisig at sinusulit ang init na nagmumula sa kaniyang katawan.

"I-is he dead?" nanginginig kong tanong sa kaniya.

"Hayop ka! Akin si-"

Bago pa man matapos ng baliw na lalaki na 'yon ang kaniyang sasabihin ay mahigpit akong niyakap ni Nemesis gamit ang kaniyang isang bisig at muli na naman akong nakarinig ng putok ng baril.

Muli akong napatakip sa aking tainga. "Nemesis!" sigaw ko nang marinig ko ang pagputok ng baril. "S-stop. Don't kill him. P-please. M-maawa ka."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Don't worry, he's still alive."

After a few seconds, I heard sirens.

Are the police here? Ang bilis naman yata?

· • -- ٠ ✤ ٠ -- • ·

"Here."

Napaangat ang aking tingin at nakita ko ng blankong ekspresyon ni Nemesis habang inaabot sa akin ang isang tasa ng kung ano mang mainit na inumin.

"What's that?"

"Chamomile tea. It'll help you to calm down." Naupo siya sa gilid ng aking kama at inilapag niya muna ang tasa sa bedside table. "Are you sure you don't-"

"I'm okay." Napayuko ako matapos kong magsinungaling.

Kanina niya pa ako paulit-ulit na tinatanong kung ayos lang ba talaga ako at kanina pa rin niya ako kinukulit na pumunta na raw kami sa ospital.

"You don't look like you're okay." Mula sa kaniyang gilid ay binuksan niya ang isang first aid kit. "Bakit ba kasi hindi ka sumigaw at humingi ng tulong?"

Pinagmasdan ko na lamang siyang maglagay ng betadine sa bulak.

"Why didn't you wake me up, Victoria?" He turned his head to look at me.

His hazel eyes were looking at me with a mix of seriousness and gentleness.

Muli akong napayuko at napayakap na rin ako sa aking sarili.

Lagpas isang oras na yata ang lumipas matapos ang hindi inaasahang pangyayaring 'yon.

Nakuha na ng mga awtoridad ang baliw na lalaking 'yon. Ilang minuto rin akong iniwan ni Nemesis sa kuwarto ko upang kausapin ang mga katrabaho niya pati na rin ang mga humili sa lalaking 'yon.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon