Chapter 17: Danger

43 3 0
                                    


Ines' POV

"Hindi ba puwedeng magpalit muna ako ng damit?" reklamo ko habang nagtitipa sa kaniyang laptop.

"No," he immediately answered. "It's an urgent matter."

Saglit akong napatigil sa pagtitipa at sinulyapan ko siya.

Nakatayo at nasakandal siya sa nakasarang pinto ng aking kuwarto.

Hinubad niya na ang suot niyang vest at necktie kanina. Bukas na rin ang unang dalawang butones ng kaniyang polo at nakataas na rin ang mga manggas nito.

His arms were crossed in front of his chest as he seriously observed what I was doing.

"Maupo ka kaya? Ako nangangalay sa'yo, eh." Napairap ako at ibinalik na ang aking tingin sa screen ng kaniyang laptop at muling nagtipa.

"May kasama ka bang iba?"

Nangunot naman ang aking noo sa kaniyang tanong.

Pinagsasasabi nito?

"What do you mean? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" pamimilosopo ko.

"Ikaw lang ba mag-isa ang gumagawa nito, o may kasama ka pa?" seryoso niyang tanong.

Muli akong napatigil sa aking ginagawa at sinulyapan siya.

Para naman siyang istatwa.

"Ako lang," tipid kong sagot. "Ayokong mandamay ng ibang tao at ayoko rin na may kasama ako sa ganitong bagay. Mahirap na, baka mamaya makonsensya pa tapos isumbong ako. Plus, why would I hire someone to steal those jewels when I can do it myself?"

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kaniyang kilay. Para niya tuloy hinuhusgahan ang buo kong pagkatao.

"So wala kang konsensya?"

Napairap muli ako. "Nakonsensya ba 'yang kliyente mo noong ninakaw niya lahat ng mga gawa ko at ginawa akong katatawanan?" I mumbled.

"What? Hindi kita marinig." Umayos na siya ng tayo at naglalakad papalapit sa akin. Huminto siya sa aking tapat at muli akong tinitigan. "Ulitin mo. Hindi kita narinig."

"Wala!" Ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa aking ginagawa.

Istorbo talaga 'tong lalaking 'to.

"How about Olive? Hindi mo ba siya kasama sa mga ginagawa mo?" puno ng kuryosidad niyang tanong.

"Alam niya ang ginagawa ko, pero ako ang utak sa lahat ng ginagawa ko." Saglit akong natigilan sa aking pagtitipa. "Did she snitch on me? Siya ba ang nagsumbong kaya mo ako nahuli?"

Nilingon ko siya at kinailangan ko pang tumingala sa tangkad niya para lang makita ko ang mukha niya.

Umiling siya. "You left some traces the last time you stole something from Juwels. You forgot to manipulate the CCTV near the store, and there I saw the plate number of your big bike."

Napatango na lamang ako.


Kasalanan at katangahan ko naman pala kung bakit niya ako nahuli.

"Matagal pa ba 'yan?" Itinuro niya ang kaniyang laptop.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagpatuloy sa aking ginagawa. "Malapit na."

Kung nanahimik lang sana siya kanina pa sana ako tapos. Parang matindi pa nga kasi sa interrogation ng mga pulis ang ginagawa niya sa akin. Tanong pa nang tanong halata namang alam niya na ang mga bagay-bagay na tinatanong niya.

"Ikaw lang talaga gumagawa ng lahat? Pati pag-hack?"

Napangiwi ako sa kaniyang tanong at muli ko siyang tiningnan. Hindi talaga ako matatapos sa ginagawa ko.

Loving NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon