Chapter 10: Scary

64 3 4
                                    

Ines' POV

Wala akong ibang ginawa kundi ang bumalik sa kuwarto ko at magmukmok habang nagso-scroll sa social media.

Magulo pa rin ang mga gamit ko dahil hindi naman ako nag-aksaya ng panahon para ayusin ang mga ito.

Nakakalat pa rin ang aking mga damit, gamit, at maging ang ballet shoes na hinagis ko sa pader kanina ay nasa kaninang posisyon pa rin. Ang mga pinamili ko naman kanina ay nasa iisang sulok lang at hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuksan ang mga 'yon.

Naksandal ako sa headboard ng kama habang nakakunot ang aking noo sa mga nababasa kong asticle online pati na rin sa mga post at comment ng mga tao.

'Ines Victoria Santillanes at Matt Nemesis Montgomery kasal na! See photos below for proof! Galing 'to sa isang reliable source!'

'Legit ba 'to? O baka naman edited lang?'

'I saw them at the bar last time! Akala ko namamalikmata lang ako, sila pala talaga!'

'My gosh! Totoo ba 'to?!'

'Gandang lahi niyan.'

'Kaya pala inactive si Ines sa social media may pasabog pala!'

'Nabuntis siguro kaya pinakasalan.'

'An unexpected couple!'

''Di ba magkaaway ang pamilya nila?'

'Isang Ines Victoria Santillanes pala ang makakakuha sa isang Detective Matt Nemesis Montgomery!'

'Aww! Akala ko sina Abi at Matt ang magkakatulutyan! So sad naman : <'

'Guys wait muna natin na i-confirm nila baka mamaya hindi naman legit 'to'

''Di naman sila bagay! Yuck!'

'Kaarte-arte ni Ines tingnan natin kung makatagal si Detective Matt.'

'Anak mayaman at mukhang laki sa luho si Ines, tingnan natin kung kayanin ni detective matt.'

'jusQ p,,, kbta bta pa mga ngppkasl agd ng,,, maaga....'

'bunts n sgro yn...,,, syng gnda gnda p nmn ng bbae... ng arl n lng sna muna,,, pwdi p nmn mging mudel...,,,'

Agad kong pinatay ang aking cell phone at napahilamos ako sa aking mukha. Muntikan ko pa nga itong maibato na naman sa pader kaya lang ay naalala kong kabibili ko nga lang pala nito.

So what naman? May pambili naman ako.

"Buwisit!" sigaw ko at ibinato papunta sa pader ang aking bagong cell phone. Narinig ko ang malakas nitong pagbangga sa pader at paglagapak sa sahig.

Bahala na kung basag na naman ang screen ng cell phone ko, bibili na lang ulit ako ng bago.

Sino ba naman kasi ang hindi magagalit at maiinis sa mga post at comment na nakikita ko online?

Palalampasin ko pa ang mga post at comment tungkol sa akin dahil sanay naman na ako sa mga hate comment at iba pang hindi magagandang sinasabi nila sa akin online. Pero ang pinakakinaiinis ko lang talaga ngayon ay dahil kumalat na online ang pagpapakasal namin ni Nemesis.

It's been like 48 hours or what, and I told my parents to tell the media to shut up, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari ngayon. Sigurado akong hindi na naman nila sinunod kung ano ang gusto ko.

Tanggap ko namang mapu-publicize ang pagpapakasal namin ni Nemesis, pero hindi ganito kaaga. Ni hindi ko nga alam kung saan ba nakuha ng mga taong 'to ang pictures sa kasal namin ni Nemesis. Gusto ko tuloy isipin na isa sa mga taong nasa kasal namin ang nag-spill sa public. Well, hindi naman imposible 'yon lalo na sa mga shots.

Loving NemesisWhere stories live. Discover now