Chapter 19: Jealous

95 2 0
                                    

Ines' POV

"Hi, Ms. Ines! This is your schedule for next week. Don't forget to..."

Kaagad kong pinatay ang aking cell phone matapos kong mabasa ang sa notifications ang message ni Lily.

Everyday is a tiring day. Event doon event dito. Interviews doon interviews dito, Wala na yatang katapusan ang mga ginagawa ko. Mamaya kailangan ko pang mag-post, mag-update sa fans, at kung may oras pa ay gumawa ng mini vlogs para sa kanila.

This kind of life is starting to burn me out.

It's almost 11 PM kaya naman laking gulat ko nang makita kong bukas pa ang mga ilaw sa bahay. Kadalasan kasi ay sarado na ang mga ito kapag umuuwi ako ng ganitong oras.

Pagkababa ko sa kotse ay napansin ko ang dalawang naka-park na kotse sa labas ng bahay.

Ang isa ay Audi samantalang ang isa naman ay Bentley. Kanino kaya ang mga 'yon?

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay rinig na rinig ko ang mga tawanan mula sa sala. Bago pa ako makarating sa sala ay napahinto ako nang makita ko kung sino ang mga tao na naroroon.

Nemesis. Abigail. At isang lalaking hindi ko kilala.

Napatigil si Abigail sa pagtawa at napatingin siya sa akin nang mapansin niya ang presensya ko.

"Ines!" masaya niyang bati at kaagad na tumayo sa sofa. Naglakad siya papunta sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "How are you?"

Tulala na lamang akong napatingin kay Nemesis na mukhang walang pake sa mga nangyayari at kalmado lamang siyang umiinom ng alak mula sa hawak niyang baso.

Napatingin ako sa lamesa at nakita kong may mga bote ng alak doon. Nag-iinuman nga sila.

"Wanna join us?"

Bumalik ang aking tingin kay Abigail na ngayo'y kumalas na sa pagkakayakap sa akin.

Muli akong tumingin kay Nemesis na kalmado pa ring nakaupo at umiinom. Sunod namang dumako ang aking mga mata sa lalaking nakaupo sa kabilang sofa. Nakadekwarto siya habang may hawak na baso ng alak sa isang kamay at isang sigarilyo naman sa kabila.

"Blaine, stop smoking," maawtoridad na wika ni Nemesis

"Yow, chill, ito na nga, oh," natatawang wika ng lalaking tinawag niyang Blaine bago nito tuluyang pinatay ang kaniyang sigarilyo.

"Ines?" muling tawag sa akin ni Abigail kaya naman bumalik sa kaniya ang aking tingin.

"No thanks. I don't drink." Nagpilit ako ng isang ngiti.

"Abigail."

Sabay kaming napatingin ni Abigail kay Nemesis.

Bakit ba ako lumingon, eh hindi naman ako ang tinatawag?

"Why?" walang ganang sagot ni Abigail.

Tumayo si Nemesis mula sa kaniyang kinauupuan at inilapag sa lamesa ang kaniyang hawak na baso. Seryoso siyang tumingin kay Abigail.

Si Abigail ang tiningnan niya at hindi ako. Ouch.

"Come with me."

Napakuyom ako sa aking kamao nang sabihin niya ang mga katagang 'yon kasabay ng pagtalikod niya at pag-akyat niya papunta sa second floor.

Ano pa nga ba ang mayroon sa second floor? Kuwarto ko, opisina niya, at kuwarto niya.

"Kainis naman 'tong buwisit na 'to!" bulong ni Abigail bago niya sinundan si Nemesis paakyat sa second floor.

Loving NemesisWhere stories live. Discover now