Chapter 6: Bathroom

84 5 0
                                    

Ines' POV

Agad akong nagtungo sa room 1605 na kuwarto ko raw.

Gusto ko nang magpahinga dahil pagod na pagod na ako sa buong araw na ito.

Gusto ko ring magmukmok, magwala, at umiyak dahil kanina pa sumisikip ang dibdib ko.

Nang makarating ako sa kuwarto ay agad ko iyong binuksan gamit ang keycard na bigay sa akin at dali-dali akong nagtungo sa banyo.

Hindi ko na napigilan pa ang pagbaliktad ng aking sikmura kaya naman agad ko nang inilabas ang lahat ng mga kinain ko ngayong araw sa toilet bowl.

Hindi ko alam kung naduwal ba ako dahil sa pandidiri, o kung may nakain nga lang ba talaga akong masama kaya bumaliktad ang sikmura ko.

Mahigpit ang kapit ko sa magkabilang gilid ng toilet bowl habang nakaluhod at hinahabol ang aking hininga.

Naninikip pa rin ang aking dibdib at hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ng sikmura ko ngayon. Gusto kong ilabas ang lahat-lahat pero wala nang lumalabas pa mula sa akin.

Tumayo na ako at nag-flush bago tumungo sa sink. Hinugasan ko ang aking mga kamay at nagmumog ng malamig na tubig.

Matapos nito at hingal at nanginginig kong tinitigan ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Suot ko pa rin ang mga alahas na bigay sa akin ni Nemesis, at hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang wedding dress ko. Kaya ko naman din kasi ito pinili dahil puwede itong isuot sa reception kapag tinaggal ang extention ng damit.

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala ko kung papano dumampi ang malambot niyang labi sa aking labi. Hindi ko na rin maiwasan pang maalala ang itsura ng kaniyang pamilyar na mga mata.

Ngayon ko lang talaga siya nakita na walang suot na salamin. Aaminin kong mas nagkaroon siya ng dating kapag wala siyang salamin, pero kaakibat din ng bagay na 'yon ay ang pag-alala ko sa itsura ng lalaking kinamumunghian ko.

He really looks like him.

I don't know kung may koneksyon ba silang dalawa o ano, basta magkamukha talaga sila at tanging ang kulay lang ng mga mata nila ang nagkaiba.

Kulay berde ang mga mata ng lalaking sumira sa buhay at mga pangarap ko, samantalang ang mga mata naman ni Nemesis ay pinaghalong kulay berde at tsokolate.

Napasampal ako sa aking sarili habang pilit na iwinawaksi ang mga alala ng lalaking kinamumunghian ko.

Hindi ko na siya dapat maalala! Hindi na!

"Victoria?"

Napalingon ako sa labas ng banyo at mula sa bukas na pinto ay nakita ko si Nemesis na nakatayo habang nakahawak sa kaniyang itim na necktie. Kung hindi ako nagkakamali ay mukhang tinatanggal niya iyon at natigilan lamang siya nang makita niya ako.

Anong ginagawa niya rito?!

"What are you doing here?" mataray kong tanong sa kaniya. "This is my room. Get out."

Matalim ang mga tingin ko sa kaniya ngunit imbes na matakot ay tinawanan niya lamang ako at naglakad siya papasok sa banyo.

"This is my room. You're the one who should get out." He looked at me with those hazel eyes, and d*mn, he's not wearing his glasses again.

"Excuse me?" I said, acting offended. "This. Is. My. Room. I have the keycard for this room. Therefore, this is mine."

He playfully chuckled. "Oh? Really? I also have the keycard for this room." He took out a keycard from his pocket with his index and middle finger. "Paano ba 'yan? Mag-asawa na rin naman na tayo, kaya kung ano ang akin ay sa iyo na rin, at kung ano ang sa iyo ay akin na rin."

Loving NemesisWhere stories live. Discover now