Chapter 2: Marriage

84 4 0
                                    

Ines' POV

Habang nasa byahe ako pauwi sa amin ay nagse-search na ako sa internet tungkol sa mga kaganapan sa buhay ng pamilya ko.

Wala naman akong nakitang kahit na anong issue kaya nakapagtataka kung bakit na naman ba ako pinapauwi.

It must be something so important and urgent for them kaya ginawa nila ang lahat para lang pauwiin ako.

They may be a not so loving and caring family, yet they know my weak spot.

Ginawa na nila 'to noon para pauwiin ako kaya hindi na ako napaisip pa kung sino na naman ba ang nag-block ng mga card ko.

Walang imposible sa pamilya namin. Wala naman yatang hindi nagagawa ang pera 'di ba?

My father is Senator Larry Manuel Santillanes. The senator that everybody loves, and not just that, he also owns multiple businesses. My mother, on the other hand, is Maria Victorina Mendoza-Santillanes, a famous model of her time, and she also inherited her family's mining business.

Siguro ay kinaiinggitan ng marami ang pamilya namin lalo na kung yaman ang pag-uusapan. Pero ano kaya ang sasabihin nila oras na malaman nilang hindi perpekto ang pamilya namin?

Wala namang perpektong pamilya, peero isang perpektong pamilya kasi ang inaakto ng aming pamilya sa harap ng camera.

Ano rin kaya ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nilang ang anak ng senador na pinakamamahal nila ay ang magnanakaw na pinaghahanap ng mga awtoridad ngayon? Iniisip ko pa lang na-e-excite na ako sa sasabihin ng mga tao lalo na ng media.

Hindi ako takot magnakaw hindi dahil sa mayaman ay makapangyarihan ang pamilya namin. Hindi ako natatakot magnakaw sa kadahilanang hindi ako natatakot na mahuli, dahil kapag nahuli ako ay sigurado akong masisira ang imahe ng pamilya namin sa media. At 'yon ang gusto kong mangyari.

Huminto ang sasakyang sinasakyan ko sa tapat ng isang magarang mansyon.

Bumaba ang driver ko at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Pagkababa ko ay kaagad na akong pumasok sa loob ng mansyon. Kita ko pa ang pagkagulat ng mga kasambahay na nasa loob ng aming bahay. Sigurado akong hindi kasi nila inaasahan ang biglaan kong pagdating. Pasulpot-sulpot lang naman kasi ako rito at hindi rin naman ako uuwi kung hindi nila ako papakealamanan o pagbabantaan.

Nang makarating ako sa sala ay bumungad sa akin ang mataas at magarang kisame ng bahay. May malaking chandelier din sa gitna na kumikinang-kinang pa.

Napalingon ako sa isang malaking framed family picture na kuha three years ago. Nasa magkabilang gilid ang mga magulang namin samantalang napagitnaan naman ako ng mga kapatid kong sina Vanessa at Vine.

Si Vanessa ang pinakamatanda sa amin, siya rin ang pinakamasunurin at paborito ng aming mga magulang. Kahit kasi anong ipagawa sa kaniya ng mga magulang namin ay agad niyang susundin. Si Vine naman ang pinakabata sa aming tatlo, may kakulitan at maarte rin siya kagaya ko.

At ako? I'm the middle and least favorite child.

Napairap na lang ako sa family picture namin at naglakad na ako papunta sa dining room kung saan sigurado akong naroon sila.

Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko silang tahimik na kumakain sa hapag. Kumpleto sila, bagay na hindi ko inasahan lalo na't sa pagkakaalam ko ay ikinasal na si Vanessa last year sa kung sino mang lalaki.

Unang napahinto sa pagkain si Dad nang makita niya ako. Nakita ko pa ang pagkislap ng kaniyang mga mata. "Ines?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at naglakad ako papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Vine at naupo roon.

Loving NemesisWhere stories live. Discover now