Chapter 15: Bait

40 2 0
                                    


Ines' POV

'I'll be back on Monday. I have some things to do abroad. Nagluto na ako. Kasya 'yon hanggang sa Lunes. Kapag napanis (which I doubt) mag-order ka na lang.'

The sticky note he left on the fridge was enough for me to take it as a green light to proceed with my plan.

Masaya ako dahil kahit papaano ay inalala pa rin ni Nemesis ang kapakanan ko bago siya umalis. Hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman na hindi ako marunong magluto o gumawa ng kahit na anong gawaing bahay. Pero higit sa lahat, masaya ako dahil umalis siya.

Akala ko kasi talaga noong una ay mahihirapan akong isagawa ang plano ko dahil nandito siya. Mabuti na lang talaga at umalis siya. Salamat sa trabaho niya.

Today is the first day of March. At uumpisahan ko ang Marso sa paggawa ng isang bagay na ikagagalit at ikasasakit ng ulo ni Julia.

Nag-inat muna ako bago ako naupo sa aking upuan at nagsimulang magtipa sa aking computer.

Buong araw akong nandito sa Vanders, at para hindi masayang ang oras ko ay nagdala na ako ng mga damit at kagamitan kanina para diretso na ang lakad ko.

"Sure ka hindi uuwi si Matt?" nag-aalalang tanong ni Olive na nakaupo sa sofa ng aking opisina.

"Hindi siya nagsisinungaling," walang gana kong sagot at nagpatuloy sa pagtitipa. One down, twelve more to go.

"Wow! So you trust him now?"

"Kinda." Tutok lamang ang aking mga mata sa screen ng computer habang patuloy sa pagtitipa ang aking mga daliri. "But who knows kung ano ang nasa utak ng lalaking 'yon?"

"So, do you trust him or not?" Bakas ang pagkalito sa kaniyang boses.

"Fifty-fifty." Two down, eleven more to go. "Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang buong pusong pagkatiwalaan lalo na't hindi ko nababasa ang nasa isipan niya."

"Well, hindi ka naman kasi mind reader." Bahagya pa siyang natawa sa sarili niyang corny na joke samantalang ako naman ay seryoso lamang na ipinagpapatuloy ang aking ginagawa. "Chill, Ines. Baka masira na 'yang keyboard mo."

"Edi bumili ng bago. Mura lang naman mga keyboard." Three down, ten more to go.

"Oo nga pala, tumatae ka naman ng pera." Muli siyang natawa. "Pero mag-iingat ka, ah? Kakaiba lang talaga kasi ang pakiramdam ko ngayon."

Napatigil ako sa aking pagtitipa at lumipat ang aking paningin sa kaniya. "What do you mean?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko, kakaiba lang pakiramdam ko ngayon. Para kasing may mali."

Bahagyang tumaas ang kilay ko. "Sinasabi mo bang pakiramdam mo mahuhuli na ako ngayong gabi?"

Marahan siyang tumango. "Feeling ko lang naman."

"Feeling mo lang naman pala, eh." Ibinalik ko na ang aking tingin sa screen ng computer at akma pa lang akong magtitipa muli nang magsalita siya dahilan upang matigilan ako.

"Pero paano kapag nahuli ka nga? Paano kapag nakulong ka?" nag-aalala niyang tanong. "Paano na ang Vanders?"

Bahagya akong nakaramdam ng kirot sa aking puso nang banggitin niya ang Vanders.

"Alam kong ako ang pinagkakatiwalaan mong mamahala nito, pero wala ang Vanders kung wala ka, Ines."

Napakuyom ako sa aking kamao habang patuloy ang pagkirot ng aking puso.

"Ines, why don't you just stop?"

At doon na ako napaigting sa aking panga.

Stop?

Loving NemesisWhere stories live. Discover now