Chapter 23: Ballet

48 2 0
                                    


Ines' POV

"I'm asking you, Chloe. What are you doing here?"

Muli akong napatingin kay Nemesis at nakita ko ang seryoso niyang ekspresyon kasabay ng pagsuot niya sa kaniyang salamin.

"Umaayos na yata 'yang paningin mo, ah? Nakikilala mo na ako kahit wala kang salamin!" natatawang wika ni Chloe.

"Boses mo pa lang alam ko nang ikaw 'yan," sagot ni Nemesis at naglakad siya papalapit sa amin.

Bahagya akong nakaramdam ng inis dahil sa kaniyang sinabi.

Gaano ba sila ka-close para boses pa lang ni Chloe makilala na niya? Ako ba? Kahit ba nasa malayo ako at wala siyang salamin ay makikilala niya pa rin ako?

"Bakit may maleta kang dala?" Nakakunot noong tanong ni Nemesis nang makita niya ang isang malaking maleta na katabi ni Chloe.

Nanatili ang aking mga mata kay Nemesis samantalang ang mga mata naman niya ay nanatili sa maletang dala ni Chloe.

"I miss you, Kuya!" sigaw ni Chloe kasabay ng kaniyang biglang pagtalon at pagpulupot ng kaniyang mga braso sa katawan ni Nemesis.

Napaatras ako sa gulat nakita ko rin ang pagkagulat sa mga mata ni Nemesis.

Kuya? Imposible namang magkapatid sila?

"Chloe, let go. Ang laki mo na hanggang ngayon para ka pa ring bata," walang ganang wika ni Nemesis habang marahang tinatanggal ang pagkakakapit ni Chloe sa kaniya.

"Dito muna ako, please?" Iniangat ni Chloe ang kaniyang ulo at nakangusong nagmakaawa kay Nemesis.

"This isn't my house anymore, Chloe," Nemesis answered as he looked at me. "This is our house, so it's not just me who will decide whether you can stay here or not."

Napalunok ako nang tumingin din sa akin si Chloe.

Kumalas na siya mula sa pagkakayakap niya kay Nemesis at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay habang tiningnan niya ako gamit ang kaniyang nangungusap na mga mata.

"Sister-in-law, let me stay here, please?" She pouted.

Hindi ko naman maiwasang magtaka nang tawagin niya akong sister-in-law.

Napatingin ako kay Nemesis na seryosong nakatingin sa amin ni Chloe. "Magkapatid kayong dalawa?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Hindi literal."

Ibinalik ko ang aking tingin kay Chloe nang magsalita siya.

"Ha? Paanong hindi literal?" naguguluhan kong tanong.

"She's my step-sister," singit ni Nemesis sa usapan kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Step-sister? May step-sister siya? At si Chloe pa talaga?

"I know, it's pretty shocking. Iilan lang ang nakakaalam na parte ako ng pamilya Montgomery." Itinapat niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi. "Kaya 'wag kang maingay, please? Alam ko namang mapagkakatiwalaan ka."

Kumindat pa siya sa akin bago ngumiti.

"So, Ate Ines, puwede ba muna akong makitira dito?" pagmamakaawa niya.

Ate Ines. Kagaya ng tawag niya sa akin noon.

It's funny how that simple way of addressing me brought so many joyful and painful memories.

Napatingin ako kay Nemesis na hanggang ngayon ay seryoso pa ring nakatingin sa akin.

"Okay lang naman sa akin." Tumingin ako kay Chloe. "How can I refuse an old friend of mine?"

Loving NemesisWhere stories live. Discover now