Chapter 3

213 6 0
                                    

CHAPTER THREE

"MAHAL ko po si Bart. At alam ko, mahal pa rin niya 'ko. Seven years po kaming nagkasama, Father. Hindi basta-basta mawawala 'yong pagmamahal namin sa isa't isa." Napatanga si Bart sa sinabi ni Aera sa paring halatang hindi pa rin nakaka-recover sa pagka-shock. Ano ang nangyari kay Aera? Nabagok ba ito at nagka-brain damage kaya wala sa sarili nang mga oras na iyon? Ano ang pinagsasabi nitong mahal pa rin siya? Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya? At saka paano ito nakapunta sa harap ng altar nang hindi namamalayan ng lahat? Bakit bigla na lang itong sumulpot doon? Paano nagkalakas ng loob si Aera na pigilin ang kasal niya na para bang wala itong pakialam sa kalibre ng mga taong naroon ngayon? Nang lingunin ni Bart ang kinauupuan ng pamilya ay hindi na nakaupo ang daddy at lolo niya. Halata ang panic sa mukha ng mga ito. "Uhm..." Tumikhim ang pari. "Hija—" "Hindi ako papayag na mawala siya sa 'kin, Father," putol ni Aera sa sinasabi ng pari. "Ang dami naming pangarap na binuo nang magkasama. Kasama do'n 'yong pagpapakasal. 'Sabi niya sa 'kin, wala siyang ibang babaeng gugustuhing makasama habambuhay kundi ako lang. At alam ko, hanggang ngayon, gano'n pa rin ang gusto niyang mangyari. Alam kong napipilitan lang siyang magpakasal ngayon sa ibang babae dahil siguro gusto ng pamilya niya. Arranged marriage lang 'to. Walang love involved. Kaya hindi n'yo sila puwedeng ipakasal, Father. Dahil dapat ang ikinakasal n'yo ay 'yong nagmamahalan talaga. 'Di po ba?" "Ha?" Speechless ang pari. Bumaling si Aera kay Bart nang walang marinig mula sa pari. "Nagulat ka ba, beb?" Beb? And she had the nerve to call him 'beb' again after what she had done to him? "Sorry," Aera continued, "kung bigla na lang akong sumugod dito para pigilin ang kasal mo. Please, 'wag kang magpakasal sa iba..." Nagsusumamo ang mga mata nito. "W-what...?" Hindi naituloy ni Bart ang sasabihin dahil mabilis na bumaling si Aera kay Samantha. "Miss... feeling ko, mahal mo pa rin 'yong ex mo. Baka nagrerebelde ka lang sa kanya kaya magpapakasal ka kay Bart. Ni hindi mo pa nga yata lubusang kilala si Bart. 'Wag kang magpapakasal sa taong hindi mo mahal dahil hindi ka magiging masaya. Kaya, please, 'wag mo nang ituloy ito." Mukhang speechless din si Samantha. Babalikan pa yata ni Aera ang pari para kumbinsihin uli itong huwag ituloy ang kasal pero may bodyguards nang lumapit sa babae para pigilan ito sa ginagawang panggugulo. Halatang nag-panic si Aera. Nagpumiglas ito sa pagkakahawak ng dalawang bodyguards. "Bitiwan n'yo 'ko! Kailangan kong pigilan 'tong kasal na 'to." Tumingin ito kay Bart, mukhang nanghihingi ng tulong. "Beb..." Pinigilan ni Bart ang sariling may gawin habang hinihila ng bodyguards si Aera paalis sa altar. She had a lot of time to do something to convince him to not get married. Bakit kung kailan kasal na niya ay doon pa ito umeksena nang ganoon para mag-eskandalo? Maybe she really wanted to ruin his life. Nang lumingon si Bart ay nakita niya si Aera na hinihila ng dalawang bodyguards sa aisle papunta sa main door ng simbahan. Umiiyak ito habang nagpupumiglas. May pumiga sa puso niya habang pinanonood ito. Was she okay? Bakit ito naospital? Nasasaktan ba ito sa pagsaklit ng bodyguards sa mga braso nito? Paano kung saktan ito ng bodyguards sa labas? Nakita niya ang paghangos palabas ng lalaking assistant ng kanyang lolo. Paano kung ipahatid nito sa mga pulis si Aera para ipakulong dahil sa pag-e-eskandalo? Naggirian ang mga ngipin ni Bart. Bakit kailangan niyang mag-alala para kay Aera? Didn't he hate her? He hated her so much. "Shit!" he muttered and stepped down the altar to go after her. HINDI makapaniwala si Bart sa ginawa. Hinila niya si Aera mula sa bodyguards ng lolo niya at isinakay ito sa grooms car para ilayo ang babae sa mga ito. Hindi siya tumigil sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa isang kalsadang hindi masyadong dinaraanan ng mga sasakyan. Technically, he ran away from his own wedding! Nag-iigtingan pa rin ang mga bagang ni Bart kahit nakahinto na ang sasakyan sa gilid ng daan. Nang balingan niya si Aera ay may luha pa rin sa mga mata nito pero halatang tears of joy na. She looked triumphant and full of hope. Nagtagumpay kasi ito sa panggugulo sa kasal niya.   "What the hell is your problem, Aera?" he almost snapped at her. Padabog niyang tinanggal ang seatbelt kahit walang balak na lumabas ng kotse. Nag-alis din ng seatbelt si Aera at pumihit sa kanya. "Nag-iba ka na nga talaga. Pati English mo... ang ganda na ng diction. Hindi na tunog trying-hard tulad nang dati." Nagbuga siya ng hangin. "Pagkatapos mong sirain 'yong kasal ko, pupunahin mo lang 'yong English diction ko?" Lumarawan ang pagsisisi sa mga mata ni Aera. "Sorry... sorry sa ginawa kong panggugulo sa kasal mo. Pero dapat lang naman na hindi matuloy 'yon dahil hindi kayo nagmamahalan ng babaeng 'yon." Naningkit ang mga mata ni Bart. "Paano mo nasiguro?" "Nakita ko 'yong prenup pictures n'yo ni Samantha De Ramos. Parehong walang glow 'yong mga mata n'yo. Halatang napipilitan lang kayong dalawa. At saka sabi ni Carrie, kaka-break lang ni Samantha sa ex niya. Kaya siguradong hindi pa siya nakaka-move on sa lalaking 'yon." Nahampas ni Bart ang manibela sa galit at frustration. "You ruined my wedding, Aera! You ruined a hundred million-peso wedding! Hindi mo ba alam kung gaano kabigat 'yong ginawa mo?" She looked at him with puppy eyes. "Ayokong mawala ka sa 'kin nang tuluyan. Mahal na mahal kita, beb. Kaya hindi ako papayag na makasal ka sa iba." Napanganga si Bart. Hindi pa rin siya makapaniwalang naririnig niya mula kay Aera ang mga salitang iyon. "Hindi mo na ba ako mahal? Wala ka na ba talagang feelings para sa 'kin? 'Di ba, sabi mo, ako lang 'yong babaeng mamahalin mo habambuhay?" Tinapunan niya ng tingin ang gasa sa noo ni Aera. "Did you damage your head or something?" "Huh?" "Kasi imposibleng sabihin mo sa 'kin 'yang mga sinasabi mo kung wala kang sira sa ulo sa mga oras na 'to." Sa halip na sumagot ay pumihit si Aera paharap sa windshield at isinandal ang likod sa backrest ng passenger seat. Suddenly, she looked troubled. Nagsimula itong ngatngatin ang mga kuko na tulad ng ginagawa ng babae sa tuwing nagpa-panic noong teenager pa ito. Pinagsisisihan na ba ni Aera ang ginawa sa kanya? Na-realize ba nitong siya talaga ang mahal nito? Pagkatapos nang halos isang taon, babalik ito na para bang walang nangyari? "Aera... baka nakakalimutan mo kung ano'ng ginawa—?" "Wala akong maalala sa past eight years ng buhay ko, Bart," putol nito sa sinasabi niya. Natigilan si Bart. "Ano'ng sinasabi mo?" "Naaksidente ako. Paggising ko, may amnesia na 'ko." Nalaglag ang mga panga niya sa narinig. "Ang huli kong naaalala, 'yong first anniversary natin. Noong nag-picnic tayo sa park na madalas nating puntahan. Binigyan kita ng sneakers, binigyan mo ako ng kuwintas na may butterfly pendant. Nagkatampuhan tayo nang slight pero nag-make up din agad. 'Tapos, nag-kiss tayo..." He was speechless. So, iyon ang dahilan kung bakit ang lakas ng loob ni Aera na sumugod sa kasal niya para pigilin iyon. Dahil wala itong maalala sa mga nangyari sa nakalipas na walong taon! Bumalik sa kanya ang tingin nito. "Paggising ko, wala ka na sa 'kin. 'Tapos nalaman ko pa, ikakasal ka na sa iba. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa 'tin. Kung bakit tayo naghiwalay. Kung sino ang may kasalanan kung bakit nasira 'yong relasyon natin na tumagal daw nang pitong taon... Ang alam ko lang, hindi ko kayang mawala ka nang tuluyan sa 'kin. Alam ko, damang-dama ko sa dibdib ko, na mahal pa rin kita. Kaya hindi na 'ko nag-isip, tumakas ako sa ospital para pigilin ka sa pagpapakasal sa iba." Hindi makapaniwala si Bart. No wonder, she seemed different. Para siyang nakikipag-usap sa dating Aera. Kaya pala nginangatngat nito ang mga kuko kanina. She had outgrown that habit over the years. Did she forget even how she had matured mentally over the years? "Okay lang naman ako. Wala naman daw akong serious brain damage, sabi ng doktor. Nawala lang 'yong alaala ko. Malamang, temporary lang daw. Babalik din pero hindi alam kung kailan. Pero... 'yon nga. Wala akong maalala sa mga nangyari sa 'tin. Kaya hindi ko alam kung bakit ka nawala sa 'kin." Bakit kailangan niyang makaramdam ng relief sa narinig na para bang concerned pa rin siya kay Aera? Siguro ay dahil maawain lang talaga siyang tao. Tama, compassionate lang talaga si Bart at hindi siya talaga concerned kay Aera. Iyon din ang dahilan kung bakit nag-abala siyang "tumakbo" sa kasal niya para mailayo ito sa bodyguards at sa posibilidad na pagkakakulong sa police station. But she was okay and her memory loss was temporary. Kaya hindi niya dapat i-set aside ang galit dahil sa awa sa nangyari rito. "So," finally ay nakaapuhap na si Bart ng sasabihin, "you don't remember how you cheated on me." Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Aera. Hindi siguro makapaniwalang nagawa talaga sa kanya ang ganoong bagay. Miski siya ay hindi iyon inaasahan pero nagawa nito sa kanya ang kasuklam-suklam na bagay na iyon.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now