Chapter 19

257 6 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

INILAPAG ni Aera ang dalang bulaklak sa puntod ng kanyang Tita Sally. Unang anibersaryo ng kamatayan nito nang araw na iyon. Dalawang linggo na siya sa Batanes. Pero bago siya nagpunta roon para dumalaw sa naiwang asawa at anak ng kanyang yumaong tiya ay mahigit dalawang buwan siyang nag-stay sa bahay ng kapatid ni Maris sa Cavite. Pagkatapos malaman ni Aera mula sa kaibigan ang tungkol sa isang parte ng kanyang nakaraan ay sinabi niya kay Maris na kailangan niyang lumayo. Kaya pinakiusapan ni Maris ang kapatid na kupkupin muna siya sa apartment nito at tulungan din sa pagpapagamot niya. Nagtatrabaho si Melai bilang isang nurse sa isang private hospital sa Cavite kaya may kakilala itong isang magaling na pyschiatrist. Binayaran ni Maris ang kalahati ng utang sa kanya para may maipantustos siya sa pagpapagamot. Sumailalim si Aera sa ilang psyhotherapy at hypnosis sessions. Marami-rami na siyang na-retrieve na alaala nang magpaalam siya kay Melai para magbakasyon muna sa Batanes. Isa sa mga na-retrieve niyang alaala ay ang araw na nagpunta sila ni Bart sa Batanes para bisitahin si Tita Sally. Doon pala kinuhanan ang mga huling larawan nila sa photo albums. Siniguro ni Aera na magiging masaya ang bakasyon nilang dalawa noon dahil pagkatapos niyon ay sinimulan na niyang yariian ang planong paglayo kay Bart. Hindi pa rin makapaniwala si Aera nang malaman mula kay Maris ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Bart. "Natuklasan mong may koneksiyon pala 'yong daddy ni Bart at 'yong daddy mo. 'Yong daddy pala ni Bart ang dahilan kung bakit na-bankrupt ang kompanya ng daddy mo. Gumamit siya ng dirty tricks at pinagalaw ang pera, kapangyarihan at mga koneksiyon para mapabagsak ang daddy mo at ang kompanya n'yo. Medyo struggling na noon ang business ng daddy mo dahil na-depress siya noong namatay ang mommy mo kaya siguro naging madali para sa daddy ni Bart na mapabagsak 'yon. Malaki ang galit niya sa daddy mo. Pinagbintangan kasi niya ang daddy mo na may relasyon sa asawa niya. "Simula kasi noong namatay ang mommy mo, lumalapit na 'yong asawa niya sa daddy mo. First love kasi ng asawa niya 'yong daddy mo. Pero ang kuwento ng tita mo, wala silang relasyon dahil mahal na mahal ng daddy mo ang mommy mo despite the fact that she's gone. Lumala 'yong depression ng daddy mo noong bumagsak ang kompanya niya, pinabayaan ang sarili kaya na-stroke. "Hindi mo alam ang totoong nangyari. Inilihim sa 'yo ng tita mo kasi bata ka pa noon hanggang sa nag-decide siyang huwag na lang sabihin sa 'yo para hindi ka magtanim ng galit sa ibang tao. Kaya laking gulat ng tita mo noong nalaman niya kung sino 'yong biological father ni Bart pero itinago niya 'yong nalalaman niya dahil alam niyang magkakaproblema kayo ni Bart pero ikaw na mismo ang nakatuklas ng koneksyon ng daddy mo sa daddy ni Bart..." Pagkatapos marinig mula kay Maris ang impormasyong iyon ay kaagad na nag-empake at umalis si Aera sa mansiyon bago pa magising si Bart. Pagkatapos nang dalawang buwan ay nagbalik na kay Aera ang ilan sa mga mahahalagang alaalang gusto niyang ma-retrieve sa tulong ng psychiatrist na tumulong sa kanya. Naalala na ni Aera ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang layuan na si Bart. Hindi niya maatim na maging kapamilya balang araw ang taong naging dahilan ng pagbagsak at pagkawala ng daddy niya. Hindi niya kayang makinabang sa yaman ng pamilyang naging dahilan kung bakit naghirap at naulila siya. Kasama sa mga bumalik sa alaala ni Aera ay ang araw na kinumpronta niya si Andrew Almendarez tungkol sa ginawa nito sa kanyang daddy... "So you know now. What a pity. Hindi ko na lang sana gustong ungkatin ang kasalanan ng ama mo sa 'kin pero ikaw pa mismo ang nagbukas sa 'kin tungkol doon. I was ready to disregard the fact that you are the daughter of the person who ruined my marriage, because my son likes you so much. Ayoko sanang ipasa sa anak ang kasalanan ng ama pero—" "'Wag po sana kayong magpa-victim dahil alam kong alam n'yo kung sino talaga ang biktima dito. Hindi ganoong klaseng tao ang daddy ko. Wala silang relasyon ng asawa n'yo. Pero dahil gusto n'yong maghanap ng masisisi sa failed marriage n'yo, ang daddy ko ang idiniin n'yo." "Wala kang nalalaman!" "May ebidensiya ba kayo na may relasyon sila? Ipakita n'yo sa 'kin para maniwala ako sa akusasyon n'yo." Hindi nakasagot si Andrew Almendarez. Tumiim lang ang bagang nito. "Wala kayong maipakitang ebidensiya? Kasi wala naman talagang kasalanan sa inyo ang daddy ko. Miski 'yong asawa n'yo, umamin sa tita ko na gusto niyang akitin ang daddy ko pero hindi kumagat ang daddy ko dahil kahit wala na ang mommy ko, faithful pa rin siya. Wala siyang interes sa asawa n'yo. Hindi n'yo lang siguro matanggap na hindi na kayo mahal ng asawa n'yo at may gusto na siyang iba. Nang dahil lang sa selos, sinira n'yo ang buhay ng daddy ko na walang kasalanan... at pati ako. Sinira n'yo ang buhay namin! Buhay pa sana ang daddy ko kung hindi n'yo ginawa 'yon sa kanya! Kayo ang pumatay sa daddy ko! Pinatay n'yo siya!" Mahal ni Aera si Bart pero alam niyang hindi magtatagal, gagawa rin ng paraan ang ama nito para paglayuin sila. Pagkatapos ng mga salitang binitiwan niya kay Andrew Almendarez, alam niyang hindi ito papayag na hindi siya magdusa tulad ng ama niya. Pinayuhan siya ni Maris noon na sabihin niya kay Bart ang totoo pero tumanggi siya. Alam kasi ni Aera na siya ang papanigan nito. At kapag nangyari iyon ay magkakaproblema si Bart sa pamilya nito. Maganda ang relasyon ni Bart sa bagong-tuklas na pamilya. Naging instant favorite ito ng lolo at ini-spoil ng ama. Masaya ito na suddenly ay nagkaroon ng pamilya dahil lumaking nanay lang ang kasama. Ang sabi nito sa kanya, kompleto na ito dahil mayroon na rin itong ama at kapatid. Not to mention, ang marangyang buhay na pinangarap ni Bart simula pa pagkabata ay nasa kamay na nito. Kaya nagdesisyon si Aera na palayuin sa kanya si Bart. At walang ibang paraan para hindi na ito magtangkang lapitan pa siya kundi ang magalit ito nang kusa sa kanya. Kaya pinalabas na lang niyang nagtaksil siya rito. Naisip niyang mas mainam na wala na lang malaman si Bart. Ayaw niyang makasira sa magandang buhay na tinatamasa nito. Alam kasi niyang posibleng talikuran ni Bart ang yaman para sa kanya. All his life, puro hirap ang dinanas nito. Kaya hindi niya kayang alisin sa lalaki ang karapatang magtamasa ng magandang buhay na matagal nitong pinangarap. Sabi niya noon, hindi baleng siya na lang ang magdusa. Pero mukhang mas nagdusa si Bart nang iwan niya ito dahil hanggang ngayon ay hindi ito naka-move on sa galit at hinanakit sa kanya. Gusto ni Aera na sa pagkakataong ito ay ipagtapat na kay Bart ang buong katotohanan pero natatakot pa rin siyang gumulo ang buhay nito nang dahil sa kanya. Kaya hindi siya makabalik-balik sa Maynila. Hindi pa rin niya alam kung ano dapat gawin. Hindi niya alam kung dapat niyang itama ang desisyong ginawa dati o tuluyan nang hindi magpakita kay Bart para maprotektahan ang estado nito sa buhay. Nabanggit nito na posible itong maging CEO ng chain of malls in two years time. Hindi na nito makakamit iyon kung guguluhin niya ang buhay nito. Pinawi ni Aera ng likod ng palad ang mga luha habang nakatitig sa lapida ng tiya. Alam niyang kung nabubuhay lang si Tita Sally, papayuhan siya nitong sundin ang puso niya. Pero kung susundin niya ang puso, sisirain niya ang pangarap at magandang buhay ng lalaking mahal niya. TINITIGAN ni Bart ang amang ngumiti nang makita siyang pumasok sa private office nito sa mansiyon. "Hello, son. Napadalaw ka yata." Hindi ito umalis sa likod ng executive desk. Ganunpaman ay isinara nito ang mga dokumentong binabasa para istimahin siya. "What can I do for you?" Nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa ama. Hindi siya makapaniwalang ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang babaeng mahal niya. No, hindi nito binayaran si Aera para layuan siya katulad ng nangyayari sa mga teleserye. Pero mala-soap opera rin ang sorpresang koneksiyon ng mga pamilya nila. Inamin sa kanya ni Dave kanina ang nalalaman nito. Iniwan siya ni Aera dahil nalaman ng babae ang koneksiyon ng mga ama nila. Ang daddy niya ang dahilan kung bakit naghirap ang mga ito. Ginawa nito ang lahat para mapabagsak ang daddy ni Aera dahil sa matinding selos. Nadamay si Aera sa alitan ng dalawang lalaki. Naalala ni Bart ang sinabi ng ama tungkol sa pangangaliwa ng asawa nito. Hindi niya akalaing may kaugnayan pala iyon sa nangyari sa pamilya ni Aera at sa kanila ng babae. "I wanted to protect my uncle," pagtatapat ni Dave kanina. "That's why I kept mum. Even though I dislike seeing him becoming so drawn to you, I still don't want you to hate him. Isa pa, nobody knows that I knew about it. I found out about it by accident a few months after Aera left you. Kaya wala ako sa posisyong sabihin sa 'yo ang totoo. Sa daddy mo at kay Aera lang dapat manggaling." Kumunot ang noo ng kanyang ama. "Why do you look so serious? Is there a problem?" "Aera didn't cheat on me." Mukhang hindi nito inaasahang marinig ang sinabi niya. "Oh... she didn't?" "She left me because of you." Tuluyan nang lumarawan ang pagkabigla sa mukha ng daddy niya. "Bart..." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Who told you about this? Was it Aera?" He snorted in frustration. "I don't even know where she is. She's gone again. Now, tell me. Totoo bang ikaw ang dahilan kung bakit naghirap sila? His dad became depressed after losing his wife, and losing his company aggravated his mental condition. Pinabayaan niya ang kalusugan niya hanggang sa mamatay. Is it true that you contributed to his demise?" Nanlaki ang mga mata nito. "Bart! Isinisisi mo rin sa akin ang pagkamatay ng ama ni Aera?" "Rin?" "Sinisi ako ni Aera sa pagkamatay ng ama niya. I didn't want him to die. Gusto ko lang siyang gantihan sa ginawa niya sa 'kin. I didn't know about his mental condition." "But maybe you did know he was still mourning over his dead wife." "He's the man my wife cheated me on for!" "Still, kung totoo man 'yan, walang kasalanan si Aera sa ginawa ng daddy niya. Hindi mo siya dapat dinamay sa pagganti mo. You overdid your revenge. Pati inosente at walang kamalay-malay na bata, nakatikim ng paghihiganti mo!" Mukhang hindi makapaniwala ang daddy ni Bart na sinisigawan niya ito. Bumuntong-hininga ito. "I was really mad then. Anger got the best of me. When I met Aera again, nagsisi din ako sa nagawa ko sa kanya. Hindi ko intensiyong pati siya ay madamay sa paghihiganti ko. She was just unlucky to be that man's child." "Nagsisi ka sa nangyari kay Aera? But you still haven't realized that what you did went overboard. Nagpabagsak ka ng isang kompanya dahil lang nangaliwa ang asawa mo. Nanira ka ng buhay at nandamay ng inosente. Pinahirapan mo nang husto ang buhay ng lalaki ng asawa mo. But your wife, did you even blame her for cheating on you? You just kept her with you until now." Napatingin si Bart sa pinto nang biglang bumukas iyon. Bumungad sa kanila ang madrasta niya. "He didn't keep me," puno ng hinanakit na sabi nito matapos ibalibag pasara ang pinto. "He detained me in this useless, lifeless marriage. He made sure I won't be happy for the rest of my life." Nakita ni Bart ang pagtigas ng mga panga ng ama habang nakatitig sa asawa. "Ito ang ganti niya sa akin, Bart. Your cruel dad wants me to rot beside him even though he doesn't love me anymore. Kahit, ang totoo, wala naman talaga kaming naging relasyon ng ama ni Aera. Martin was my first love and when I saw him again after he lost his wife, I realized I still have lingering feelings for him. That time, hindi ko na mahal si Andrew. Hindi na kami masaya sa pagsasama namin. Kaya sinubukan kong bumalik kay Martin pero hindi niya in-entertain ang pakay ko sa kanya. He's still madly in love with his dead wife." Bumaling ito sa asawa at nakipagtagisan ng tingin dito. "Pero itong ama mo..." patuloy ni Tita Anita, "pinagbintangan kaming may relasyon. Sinira niya si Martin. Kahit ano'ng pigil ko sa kanya, hindi niya tinigilan ang daddy ni Aera. Ako lang ang may kasalanan sa nangyari. Ako lang dapat ang pinarusahan niya. Nang dahil sa ginawa niya, ni hindi ako makatingin kay Aera noong nalaman kong siya 'yong batang babaeng iyak nang iyak nang mamatay ang daddy niya nang dahil sa matinding sama ng loob." Humagulhol si Tita Anita. "I felt responsible for what happened. That's why I offered financial help for that child. Gusto ko siyang pag-aralin hanggang sa lumaki siya at ibigay ang mga pangangailan niyang pang-pinansyal, pero tinanggihan ng tita niya. Kaya hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang guilt sa dibdib ko. Kung hindi ako lumapit kay Martin, hindi nangyari 'yon sa kanila." "I did that, too!" singhal ni Daddy Andrew sa asawa. "Nang mahimasmasan ako at ma-realize ang nangyari sa batang 'yon, nag-alok din ako ng malaking halaga para magamit sa pagpapalaki sa kanya pero tinanggihan din ako—" "Do you," putol ni Bart sa sinasabi ng ama, "really think it's all about the money? Lumaki 'yong batang 'yon na walang mga magulang! Kahit nasa mabuting lagay si Aera sa pangangalaga ng tita niya, hinahanap-hanap pa rin niya ang daddy niya. Nakita ko siya noon na umiiyak dahil nami-miss niya ang parents niya, ang mansiyon nila. Hanggang sa lumaki kami, naiiyak pa rin si Aera kapag naaalala ang pinagdaanan ng daddy niya." Nagpatuloy sa paghagulhol si Tita Anita. Nakita ni Bart ang pagsisisi sa mga mata ng ama. Mukhang nagsisisi lang ito sa nangyari kay Aera pero hindi sa lalaking ginantihan nito kahit walang kasalanan. Ngayon ay hindi na lang kina Aera may kasalanan ang daddy niya kundi pati sa kanya. Nawala sa kanya ang babaeng mahal niya dahil sa ama. Hindi siguro nakayanan ni Aera ang katotohanan na anak siya ng taong naging dahilan ng pagdurusa ng ama nito. As his girlfriend and future wife, she would have to live her whole life often seeing the person that caused her family's lives to fall apart. Hindi niya masisisi ang babae kung sisihin man nito ang kanyang ama sa pagkamatay ng daddy nito. "Did you even apologize to her, Dad?" Nag-iwas ng tingin sa kanya ang ama. "You talked to her before she left me, right? Gano'n 'yong ipinahiwatig mo kanina no'ng sabihin mong sinisi ka niya sa pagkamatay ng daddy niya. I'm sure you didn't even apologize to her... and you let her leave me. You let me believe that our relationship ended because it was her fault." Lumarawan ang guilt sa mga mata nito. "I'm sorry, son... I didn't have the courage to tell you about the truth." "Right," puno ng hinanakit na sabi ni Bart. "The truth... that until now you don't want to acknowledge. Hanggang ngayon, naniniwala ka pa ring nakipagrelasyon sa ibang lalaki ang asawa mo. Walang atraso sa 'yo ang daddy ni Aera. Ikaw ang may napakalaking kasalanan sa kanila." Tumalikod na siya para umalis sa bahay na iyon pero tinawag siya ng ama. "Bart, I will talk to Aera. I will apologize to her." Humarap siya sa ama. "Aera must have retrieved her memories. Kaya iniwan na naman niya ako. So I don't think she will forgive you... I don't think I can forgive you, too, until you admit that everything was your fault at walang kasalanan ang daddy ni Aera." Tumalikod uli siya pero humarap uli nang may maalala. "By the way, I'm going back to where I was before you found me. I'm leaving everything that I bought using your money and will only take those I acquired through my hard-earned money. 'Yong mansiyong binili ko using your money, babayaran ko sa 'yon sa 'yo." Halatang nag-panic si Daddy Andrew. "Bart!" "Pakisabi rin kay Grandpa na hindi na lang sana niya ako hinanap pagkatapos niyang tanggihan ang nanay ko noong pumuntang buntis at sabihing ikaw ang ama." Mukhang natigilan ang kanyang daddy. "W-what are you talking about?" Masyadong maraming nalalaman si Dave tungkol sa kanya. Nalaman din niya mula rito ang tungkol sa sekreto ng kanilang lolo. "There is one more thing you need to know, Bart. Hindi talaga aksidente ang pagkakahanap sa 'yo ni Grandpa. Ipinahanap ka talaga niya after several years at nagpakalap siya ng mga impormasyon tungkol sa 'yo bago ka niya hinarap. Which means... noon pa niya alam ang existence mo." "Didn't you really know? Hinanap ka ng nanay ko noon para ipanagot sa 'yo ang ipinagbubuntis niya pero pinaalis lang siya ng daddy mo dahil hindi naniniwalang papatulan mo ang isang tulad ng nanay ko kahit pa aksidente lang. He probably didn't want a grandchild from a mother who was dirt poor and a potential opportunist. Siguro, nagbago ang isip ni Grandpa after he secretly learned that I grew up a decent man with a great potential to lead a company someday. And he had always wanted a son from his first born. Palagi niyang sinasabi 'yon." "God, Bart!" manghang bulalas ni Daddy Andrew. "I didn't know about this! I honestly didn't have any idea about your existence before my father told me about you. Kung alam ko lang, hindi kita pinabayaang lumaki sa hirap." He smiled nonchalantly. "I used to dream of having a family, and I was happy that I suddenly had one. Pero sana pala hindi na lang ako humiling. I realized I was happier with my life before I met all of you. I don't want to be a part of this pretentious, coldblooded family." Alam ni Bart na sinabi sa kanya ni Dave pati ang kasalanan sa kanya ng kanilang lolo dahil may ulterior motive ito. Dave wanted him to get mad and leave so his cousin would lose himself a rival. Well, Dave got what he wanted. Bart did not really want any of it. Money could not buy real happiness indeed.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now