Chapter 9

182 6 0
                                    

CHAPTER NINE

HABANG kumakain sa harapan ng isang mahabang dining table sa ancestral house ay paisa-isang tinatapunan ni Bart ng tingin ang mga kasama sa hapunan. Death anniversary ni Grandma Amelia kaya lahat ng miyembro ng pamilya ay ni-require ng kanyang lolo na pumunta sa dinner na iyon. Kapag may occasions ay karaniwan nang may family dinner. Noong una ay hindi pa kumportable si Bart habang kasalo sa pagkain ang bagong tuklas na pamilya. Hindi siya halos sumasali sa conversations. Pakiramdam niya ay isa lang siyang saling-pusa pero nang lumaon ay naging at home na siya. He was a part of that family. He had to claim it. Aware si Bart na hindi lahat sa pamilya ay tanggap siya nang buong-buo pero ang mahalaga ay tanggap siya ng ama, lolo at kapatid sa ama. Tumingin siya sa madrasta na kada subo yata ay dinadampian ng table napkin ang mga labi. Hindi si Tita Anita ang karaniwang wicked stepmother. Hindi nagalit ang ginang nang malamang may anak sa labas ang asawa. Tinanggap siya nito nilang stepson. Hindi man sila masyadong nag-uusap dahil mukhang natural na tahimik itong tao, alam niyang harmless ito at hindi greedy sa kayamanan o kapangyarihan. Why, she was the only daughter of one of the richest men in the country. Hindi nito kailangang makipagbuno para lang makuha nang buong-buo para sa anak ang yaman ng asawa. She could very well provide her daughter her vast fortune herself. Hindi galit sa kanya si Tita Anita kaya siguro wala ring bad blood sa kanya ang half-sister na si Nancy na maganang kumakain sa tabi ng ina. She was twenty-two but she acted like seventeen. She was a real sweetheart. She was even thrilled to know she had a big brother. Bago raw siya dumating ay nalulungkot ito dahil walang kapatid kaya nang makilala siya ay natuwa ito. They were close like full siblings now. Lumipat ang tingin ni Bart kay Aunt Celeste na katabi ang second husband na si Uncle Gabby. If only she were as tolerating as Tita Anita. His late uncle's wife was obviously threatened by his sudden presence in the family. Paano kasi ay inakala nitong walang makakalaban sa future big positions sa kompanya ang anak nitong si Dave dahil babae ang anak ng nakatatandang kapatid ng asawa. Aunt Celeste did not belong to a wealthy family. She was a doctor but she was not filthy rich like Tita Anita. Kaya siguro halatang greedy ito sa kapangyarihan. Dahil wala na ang asawa ay ang anak lang ang pag-asa nitong maghari sa BWD. Sa oras na mawala ang matandang Almendarez ay walang automatic na manang makukuha ito at ang anak nito na required sa inheritance law. Ang mga anak lang ang may karapatan sa kayamanan ng ama. Dahil yumao na si Uncle Leon ay hindi na nito make-claim ang mana. Kaya kung hindi pamamanahan nang malaki ng matanda ang apo sa bunsong anak ay wala itong magagawa. Tumalon ang tingin ni Bart kay Dave na katapat ng daddy niya sa hapag. Dave was like his mother. He was ambitious to the point of greed. Sa lahat ng mga taong nakaupo roon sa mga oras na iyon, sina Aunt Celeste at Dave lang ang posibleng may motibo para gawan siya nang masama. If they wanted to mess with his life and go low, they would probably try to incapacitate him gradually. What if Aunt Celeste or Dave really did get rid of Aera because they knew how he loved her so much? Noong nawala si Aera sa buhay niya ay para na ring nasira ang buhay niya. Hindi na siya nakapag-concentrate sa trabaho kaya nag-file siya ng dalawang linggong leave para lang mag-iinom at magmukmok. Pinabayaan ni Bart ang trabaho sa kompanya at nakasira iyon sa work performance niya. Kailangan pa naman niyang gandahan ang track record para ma-promote bilang director after a year. He was really messed up then. His dad and grandpa made a lot of effort to help him get back on the track. So, kung may taong puwedeng paghinalaan si Aera na nag-utos dito para layuan siya, isa sa mag-ina iyon. Ano ang ipinanakot nila kay Aera para sumunod ang babae? Did they tell her they would kill her o him? Natigilan si Bart sa itinatakbo ng isip. Parang gusto niyang mapahilamos ng palad sa mukha. What the hell am I doing? tanong niya sa isip. Nadala ba siya ng pang-uuto ni Aera? No way. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito sa kanya kahapon. Those were too ridiculous to be true. In the first place, kung mahal talaga siya ni Aera, kahit sino ang mag-utos dito na layuan siya ay hindi ito papayag. Dahil kahit siguro sakaling inutusan siya noon ng daddy at lolo niya na hiwalayan si Aera ay hinding-hindi siya susunod. Her head was messed up because of the accident. Hindi dapat siya nakikinig sa mga kalokohan nito. "Are you okay, son?" Napabaling si Bart sa amang katabi. "Huh?" "I've been talking to you, you were not responding. Malalim yata ang iniisip mo." "Ah, I didn't realize I was out of the zone for a moment." Lumipat ang tingin niya sa lolo na nakaupo sa kabisera ng mesa dahil mukhang nakatingin ito sa kanya. Halata ang curiosity sa mga mata nito nang magtagpo ang mga mata nila. "Maybe," sabad ni Aunt Celeste, "he's thinking about his ex." Lahat ay napatingin sa ginang na susubo sana ng steak pero hindi natuloy dahil napansing dito nakatingin ang lahat. Tumawa ito nang mahina. "I'm just kidding. Masyado naman kayong seryoso. I mean, has anyone indeed moved on from what happened at the wedding a few weeks ago? That was unforgettable. So I couldn't blame Bart if he's still thinking about his ex. She ruined his wedding in the most remarkable way." Tumingin ito sa kanya. "Does she still have amnesia, Bart?" "Can we," sabad ni Nancy, "not talk about her, please?" Nagkibit ng balikat si Tita Celeste. "But will the wedding still push-through?" "Of course," ang biyenan nito ang sumagot. "Hinihintay lang nating maka-recover ang lahat sa nangyari. Naghihintay lang kami ng go-signal from Samantha." Samantha was in Rome right now. Ang huli nitong message sa kanya ay nakakilala ito ng isang guwapong Italyanong balak nitong gawing fling habang nasa Roma. He was not sure if she was joking or what. "Well," sagot ni Aunt Celeste, "you better secure all the doors at the church, including the altar door, if you don't want another scandalous wedding." Humagikhik ito. Nang tapunan ni Bart ng tingin si Dave ay nakita niya ang munting pagtaas ng isang sulok ng mga labi nito na para bang naaliw sa sinabi ng ina. "WHAT'S been bothering you, hijo?" Inilapag ni Bart ang baso ng wine at bumaling sa lolo na nakaupo sa katapat na silya sa harapan ng mini-bar ng mansiyon. Umuwi na ang lahat at siya na lang ang natira roon. Hindi muna kasi siya pinaalis ng lolo dahil may pag-uusapan daw sila tungkol sa kompanya. "Nothing," pagde-deny niya. "Are you sure?" Saglit siyang nagdalawang-isip bago muling nagsalita. "Grandpa, do you mind if I ask you a question about Aera?" "Sabi ko na nga ba at si Aera ang iniisip mo kanina." Kanina? Inoobserbahan ba siya ng lolo kanina sa dinner? "What do you want to ask about her?" "Did you... did you really like her for me then?" Mukhang hindi inaasahan ng matanda ang tanong. "What?" "I mean, kung sakaling hindi kami naghiwalay, would you have let me marry her?" "Why would you ask me for approval? Hindi naman kami tututol noon kung naisipan mong pakasalan mo si Aera. You've been together for seven years. You've known her almost all your life. We thought she really loved you and you seemed to really love her, too. Hindi naman kami tumitingin sa social status. Look at your Aunt Celeste. She didn't came from a rich family, but we accepted her because Leon wanted to marry her. Kaya lang naman namin inireto si Samantha sa 'yo ay dahil wala kang nobya. Pero kung may nobya ka, hindi ka namin ipapakasal sa kanya. Pumayag kang magpakasal kay Samantha. Kung hindi ka pumayag ay hindi ka naman namin pipilitin, tulad ni Dave." Aware si Bart na three years ago ay may inireto rin ang kanilang lolo kay Dave pero hindi pumayag ang huli dahil ayaw nitong mag-asawa. "Besides, I thought Aera was not bad at all. She's smart and educated. A CPA, at that. Naisip ko noon na kung siya ang mapapangasawa mo, we would hire her to be a part of our accounting department kung saan ay puwede siyang ma-promote nang ma-promote hanggang sa tumaas ang posisyon sa kompanya na tulad mo. She could've helped in the financial matters of the company, or maybe the group. Too bad she's not what we thought she was." So, his grandfather would accept Aera because she had a bachelor's degree and a CPA license. Gaya din ni Aunt Celeste na isang doktor kaya tinanggap ng pamilya. Kung nagkataong hindi nakapag-aral si Aera at walang maitutulong sa kompanya bilang asawa niya ay tatanggapin pa rin kaya nito? "Would you," tanong niya habang nakatitig sa kawalan, "have accepted my mom if it so happened that dad wanted to marry her then?" Saka lang siya bumaling sa lolo nang walang marinig na sagot mula rito. Mukhang nangangamote ito ng isasagot. Isa lang kasing chambermaid na walang pinag-aralan ang nanay niya noong nakasama ng tatay niya nang isang gabi. "Well... mahirap magsalita, hijo, lalo na kung hindi ko naman talaga nakilala ang nanay mo. I don't want to think about the things and people that are not present or events that won't likely happen anymore. But I did not arrange my sons' marriage, just so you know. They chose who they wanted to marry." Imposible talaga ang sinabi ni Aera pero bakit kailangan pa niyang kumpirmahin na hindi ang lolo niya ang sinasabi ng babae na nagpalayo rito sa kanya? "Anyway, bakit kailangan mong tanungin ang mga iyan? Do you still have feelings for you ex even after what she did to you?" "I only have hate." Narinig na lang ni Bart ang buntong-hininga ng matanda. "If you keep hating her, you'd end up still thinking about her. Hate is as powerful as love. Forget about her and move on. It's been a year." Sinubukan na lang niyang ngumiti nang ibalik ang tingin sa lolo. Gusto niyang mawala ang galit kay Aera para maka-move na siya nang tuluyan dito. Pero paano niya magagawa iyon kung patuloy na nagpapakita sa harapan niya si Aera at kahapon lang ay sinubukan pa nitong guluhin ang utak niya? Tumunog ang cellphone ni Bart. Nang tingnan niya ang message ay galing iyon kay Allan. May ipinadalang video ito. Panoorin mo 'to, 'tol. Si Aera nag-viral. Na-curious siya kaya nagpaalam siya sa lolo na sasaglit sa banyo. Doon ay pinanood niya ang video na naka-upload sa Facebook. Nakita niya si Aera na kasalukuyang kinukuskos ng bumubulang sponge ang pinto ng kotse. Nakasuot ito ng maluwang na sando na may mababang neckline na may bandeau sa loob at napakaisking shorts. Nakabilad ang cleavage at bare legs nito. Lalaki ang kumukuha ng video at mukhang may mga katabi itong kapwa-lalaki dahil naririnig ang usapan at tawanan ng mga ito. "Kung ganito lahat ng nagka-car wash, pare, araw-araw kong ipapapaligo 'yong auto ko. 'Di bale nang numipis 'yong paint sa kakakuskos." "Parang ang sarap maging kotse, pare." "Miss!" Tumingin si Aera sa camera. "Kotse ka ba?" "Huh?" sambit ni Aera habang pinapawi ng likod ng wrist ang pawis sa noo. "Kasi ang ganda ng bumpers mo." Naghiyawan at nagtawanan ang mga lalaki. Alanganin ang ngiti ni Aera. Mukhang hindi nito gusto ang naririnig pero kailangang makisama sa customers.    Namalayan na lang ni Bart na nag-iigtingan na ang mga bagang niya. NAPANGANGA si Aera nang makita ang nakapilang mga kotse sa kalsada. Lahat ay gustong magpalinis ng sasakyan nila! Nag-viral siya dahil sa video na in-upload ng isang customer kaya mukhang sadyang binisita ng mga de-kotseng netizens ang car wash shop ni Polly. Mabuti na lang at sa beauty salon ang toka niya sa araw na iyon kaya ang mga barako lang ang nasa car wash shop at haharap sa mga nakapilang customers. Kaya lang, pagpasok pa lang ni Aera sa parlor ay hinagisan kaagad siya ni Polly ng isang sando at maong na micro mini shorts. "Isuot mo na 'yong uniform mo," nakangiting utos nito. Halatang excited. "Daliiii! Maraming kang customers ngayon." "Huh? Dito sa parlor ang toka ko ngayon." "Hindi ka na magwo-work dito at sa milk tea-han. Doon ka na lang sa car wash from now on." "Ano?" pag-alma niya. "Bakit gano'n?" "Ano'ng bakit gano'n? Ako ang employer mo, kaya susunod ka. Ang daming customers ng car wash today, nakita mo ba sa labas? Hinihintay ka nila." "No way! Kung ano ang napag-usapan natin, iyon ang sundin mo. Dalawang araw lang ako sa car wash." Nag-twitch ang mga labi ni Polly. "Kung makaarte ka, 'kala mo naman ipinapa-table kita sa customers." "Hindi mo nga ako ipinapa-table, pero feeling ko, para akong sexy dancer na nag-a-a-gogo dancing sa stage habang pinapanood ng mga manyak." Sa totoo lang ay isang beses na siyang napaluha dahil pakiramdam niya ay nae-exploit ang pagkababae niya sa tuwing nakikita ang mga kalalakihan sa paligid na pinanonood at pinagnanasaan siya. Nababastos din siya sa sinasabi ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya ay ang baba niyang uri ng babae. Ayaw talaga niyang magsuot ng provocative outfit pero pinilit siya ni Polly. Tinaasan nito ang suweldo niya sa car wash para mas mabilis siyang makabayad. Ang sabi ni Carrie sa kanya ay common na raw sa panahon ngayon ang ganoong outfit at hindi na masyadong malaswa. Ang mga artista at K-pop girl groups ay ganoon din kung manamit kaya hindi raw niya dapat bigyan ng malisya. Pumayag siya dahil doon pero hindi naman niya na-anticipate na mababastos pa rin pala siya. "Kung ganito rin lang," patuloy niya, "magbo-bold star na lang ako. Mas malaki pa ang suweldo kaya mababayaran kita agad." Nagkiskisan ang mga ngipin ni Polly. "Ay," sabad ni Susie na lumapit sa kanila, "bet mong mag-bold star, seswa? May kakilala akong talent scout. Naghahanap ngayon ng sexy star para sa bold films na ipapalabas sa Vivamax. Kaya mo bang magpakita ng utong at makipag-dry hump?" Natameme si Aera. Siyempre, hindi naman siya seryoso roon. Bakit kailangang seryosohin ng beki? "Fine!" singhal ni Polly. "Eh, 'di gawin mo! Pero habang hindi ka pa nakukuha ng Vivamax, sa car wash ka muna. Dahil hindi ako papayag na wala akong makukuhang pera sa 'yo araw-araw. Suotin mo na 'yan at pumunta ka na roon. Baka magalit ang customers 'pag hindi ikaw ang makita nilang kukuskos ng mga kotse nila. 'Wag mong bigyan ng bad image ang car wash shop ko dahil baka masira ang negosyo ko nang dahil sa kabebehan mo." Nalaglag na lang ang mga balikat ni Aera.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now