Chapter 14

181 6 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

NAGULAT si Aera nang makita si Bart sa labas ng gate. Mukhang lasing ang lalaki. Akay-akay ito ng lalaking nagpakilalang on call designated driver. "Ano po'ng nangyari sa kanya?" "Lasing po, ma'am." "Gano'n po ba? Pero bakit dito n'yo po siya hinatid, hindi sa bahay niya?" "Ah, hindi niya po ba ito bahay? Ito kasi 'yong sinabi niyang address." Lasing nga siguro talaga si Bart para ang address doon ang sabihin imbes na ang sa penthouse nito. Mula sa pagkakayuko ay tumingin sa kanya ang lalaki. Halos hindi na nito maidilat ang mga mata. "Aera..." Alam niyang hindi dapat siya ngumiti sa sitwasyon pero kinilig siya nang banggitin ni Bart ang pangalan niya. Na-recognize siya ng lalaki kahit lasing ito. "Sige po, sir. Ako na po'ng bahala sa kanya." Kinuha ni Aera ang braso ni Bart at iniakbay iyon sa sarili. "Paano po itong kotse niya?" Tumingin si Aera sa Ford Mustang na nakaparada sa tapat ng bahay. "Iwan na lang po muna diyan sa labas." Tinanggap niya ang ibinigay na keyless entry ng driver at inalalayan na papasok sa loob ng gate si Bart. Nakakalakad naman ito kaya nagawa nilang makaakyat hanggang sa master's bedroom habang akay niya ito. Kusa na itong bumagsak sa kama. "Bakit ka naglasing? Sino'ng nakainuman mo?" tanong ni Aera. Ungol lang ang isinagot ng nakapikit na si Bart. Siguradong magrereklamo na naman ito sa hangover kinabukasan. Naalala niya noong nalasing si Bart sa inuman ng mga barkada nito eight years ago, siya ang nag-asikaso sa boyfriend kaya alam na niya ang gagawin. Hinubad niya ang coat nito at pagkatapos ay inalis ang mga sapatos at medyas. Kumuha siya ng basin na may tubig at pinunasan ang mukha at leeg nito. Napapangiti na lang si Aera habang ginagawa iyon. Pakiramdam kasi niya ay girlfriend pa rin siya ni Bart habang inaasikaso ito. Hanggang sa ma-realize na lang niyang hindi na basang bimpo ang humahaplos sa pisngi ni Bart kundi palad na niya. Habang nakatunghay si Aera sa natutulog na lalaki at pinagmamasdan ang mukha nito ay ninamnam niya ang pagtibok ng puso. Mahal na mahal pa rin niya si Bart. Makakalimutan niya siguro ang lahat ng alaala niya pero hindi makakalimutan ng puso ang pag-ibig. Kung sana lang ay bibigyan siya ng pagkakataon ni Bart na malaman ang tunay na dahilan kung bakit iniwan niya ito. Sa ngayon ay wala siyang kakayahan para alamin iyon. Gustuhin man niyang lumapit sa pamilya nito, walang paraan para magawa niya iyon. Dumako ang paningin ni Aera sa mga labi ni Bart. Napalunok siya. Gusto ulit niyang mahalikan ng mga labing iyon. Ang halik na namagitan sa kanila sa park noong first anniversary nila ang huling halik na naaalala niya. Natigilan si Aera nang ma-realize na puwede siguro niyang nakawan ng halik si Bart. Tulog naman ito at lasing pa kaya hindi nito mararamdaman kung sakali kaya hindi ito magagalit. Unti-unti niyang inilapit ang mga labi sa mga labi ni Bart hanggang sa magdikit ang mga iyon. Napangiti si Aera pagkatapos magnakaw ng halik. Ang saya-saya ng puso niya. Pero nabura ang ngiti niya nang bumukas ang mga mata ni Bart. Mukhang pilit nitong inaaninag kung sino siya. Ganunpaman ay hindi siya umalis sa pagkakatunghay rito. Napasinghap na lang si Aera nang dumako ang palad ng lalaki sa likod ng ulo niya at itinulak nito pababa ang mukha niya palapit sa mukha nito. Soon, magkahugpong na ang mga labi nila. He kissed her like he also longed for her lips. Hanggang sa uminit nang husto ang halik nito na pinilit niyang sabayan. Pakiramdam ni Aera ay sasabog ang puso niya sa excitement at pleasure pero unti-unting nabawasan ang intensity ng halik ni Bart hanggang sa huminto na ito sa ginagawa sa mga labi niya. Suddenly, tulog na ulit ito. "BAKIT ako nandito?" Ngumiti si Aera nang makita si Bart na bumungad sa kusina. Tamang-tama dahil katatapos lang niyang magluto ng breakfast. Halata ang kalituhan sa mukha nito habang sapo ang ulo. "Dito ba ako umuwi kagabi habang lasing ako?" Mukhang wala nga talagang maalala si Bart sa mga naganap bago ito nagpahatid sa bahay na iyon. Ibig sabihin, hindi rin nito alam na sinibasib siya nito ng halik kagabi. Ang sarap ng tulog ni Aera kagabi dahil sa halik na iyon kahit alam niyang wala itong kamalay-malay sa ginawa. "Oo. Nagulat nga ako kasi dito ka inihatid no'ng driver." "Ah, the designated driver from the lounge bar." Tumango si Aera. "Nasa kuwarto mo 'yong susi ng kotse mo." "Bakit dito ako nagpahatid?" "Nagtaka nga rin ako, eh." Kumunot ang noo ni Bart habang nakatitig sa kanya. "Eh, bakit nakangisi ka nang ganyan? You look extraordinarily happy. Did you make fun of me while I was drunk? Did you doodle on my face?" Kiniskis nito ng palad ang mukha at pagkatapos at tiningnan ang palad. Napabungisngis si Aera. Kung alam lang nito kung bakit maganda ang gising niya. Mukhang lalong naghinala si Bart. "You really did something funny to me last night." "Hindi, 'no! 'Wag ka ngang OA. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot sa sakit ng ulo. Upo ka na sa dining. Ilalabas ko na ang mga 'to." Lumapit siya sa coffeemaker para magsalin ng kape sa mga tasa. Mayamaya pa ay kumakain na sila. Dahil siguro masakit ang ulo ni Bart kaya hindi na pinuna ang pagsabay niya rito sa pagkain. Hindi napigilan ni Aera ang mapatingin sa mga labi ni Bart habang ngumunguya ito ng pagkain. Nang dahil sa halik nito, nakagawa siya ng isang malaking desisyon. Kagabi ay na-realize niyang hindi niya kayang mawala si Bart sa kanya nang tuluyan. Kaya nag-decide siyang subukang paibigin uli ang lalaki. Alam niyang mahihirapan siya dahil galit ito sa kanya pero gusto niyang samantalahin ang pagkakataong mayroon siya. Habang naroon si Aera sa bahay na iyon at may koneksiyon pa rin sila, gagawin niya ang lahat para mawala ang galit nito sa kanya at bumalik ang feelings para sa kanya. Wala naman siyang aagawin kay Samantha dahil halata namang hindi nagmamahalan ang mga ito. Kaya walang mali sa gagawin niya. Halatang natigilan si Bart at niyuko ang sarili. "Did you change my shirt?" Nanlalaki ang mga mata nito. Tumango si Aera. "Baka kasi mangamoy ka at saka para presko 'yong pagtulog mo." Hindi na niya sasabihin na pinagsawa muna niya ang mga mata sa abs nito bago niya dinamitan uli. "Bakit mo ginawa 'yon?" "Ginawa ko na naman 'yon dati kaya—" "Dati, girlfriend pa kita. Ngayon, hindi na." "'Wag kang mag-alala, hindi naman kita hinipuan." Hinalikan lang kita... pero gumanti ka naman kaya quits lang tayo. Dinampot ni Aera ang cellphone nang tumunog ang Messenger notification tone niyon. Nag-reply na ang mga beki. Gumawa siya ng group chat nila nina Carrie at Susie kagabi. Wala siyang kaibigan at mga ito lang ang nakakausap niya kaya wala siyang choice kundi sa mga ito mag-confide. Siyempre ay hindi niya isinama sa GC si Polly dahil bukod sa b-in-lock siya ng malditang beki ay hindi nito dapat malaman ang plano niya dahil magkokontrabida lang ito. Mga seswa, paano ba magpaibig ng lalaki? Iyon ang itinanong niya kagabi sa mga beki. Ano pa, reply ni Carrie, eh 'di bigyan mo ng rubber shoes. Bigyan mo ng allowance, sagot ni Susie. Bigyan mo ng pambisyo, dagdag ni Carrie. Saka 'wag mong iistorbohin kapag naglalaro ng ML. Ano'ng ML? i-t-in-ype ni Aera. Mobile Legends. Laro sa CP. Bigyan mo ng mind-blowing BJ, suggestion ni Susie. Ano'ng BJ? Laro din sa CP? Tumusok si Aera ng jumbo hotdog mula sa serving plate pagkatapos mag-type. Hindi, ses. Blow job. Natigil si Aera sa dapat ay pagsubo sa hotdog. Mula sa cellphone ay lumipat ang mga mata niya sa hotdog na nakatapat sa bibig at pagkatapos ay lumipad ang tingin niya kay Bart na humihigop ng kape. Nag-init ang mukha niya. Ibinaba ni Aera sa plato ang tinidor na may tusok na hotdog at nag-type ng reply kay Susie. Letse ka, ses. Eh, gaga ka pala, ses, reply ni Susie. Kami pa kasi ang tinanong mo. Mga bakla kami. Natural, 'yan ang mapala mong mga sagot. Sino pala ang paiibigin mo, ses? tanong ni Carrie. 'Wag mong sabihing 'yong hardinero sa kabilang mansiyon. Saglit na nag-angat ng mukha si Aera para muli ay tapunan ng tingin si Bart na tahimik na kumakain. Malamang si Bart. Gusto kong mahalin uli niya ako gaya nang dati. Nagpupunta siya rito kada weekends para i-check ang trabaho ko. Dito siya natutulog. Kaya na-realize ko, ba't hindi ko samantalahin 'yong pagkakataon na nakakasama ko siya para mahulog uli 'yong loob niya sa 'kin? Oh my god! reply ni Susie. Trulaloo? Mukhang namangha rin si Carrie. As in, kayong dalawa lang sa mansion? Gapangin mo na, ses! Loka! Hindi ko kayang gawin 'yon. You know, sabi ni Susie, the easiest way to a man's heart? Is through his stomach? dugtong ni Aera. Parang hindi na nga nasarapan si Bart sa adobo niya na paborito nito dati kaya mukhang hindi uubra ang ganoon dito. Mali. That part below his stomach. Through his colon? tanong ni Carrie. Boba! Through his groin. Akitin mo siya, Aera. 'Wag ka nang mag-aksaya ng panahong magpa-charming para mapaibig mo uli si Bart because you've both passed that stage na. Mag-ex na kayo. Hindi na tatalab ang pagpapa-impress. May pinsan ako, nagkabalikan sila ng ex niya dahil na-miss nila 'yong times na nagtsutsuktsakan pa sila. Siya ang nag-initiate. Ayun, after that one steamy night, sila na uli. See? Proven and tested. Kaya sinasabi ko sa 'yo, Aera. Panahon na para i-pack up mo si Sarah Geronimo at ilabas na si Ivana Alawi. Ako na ang bahala sa sexy red lingerie mo. Kahit anong pagsusungit at pagsusuplado ang gawin niya sa 'yo, kapag nakita ka na niyang nakabilad ang alindog, hot and willing, makakalimutan niya ang galit sa 'yo. So, gorabels, Aera. Akitin mo si Bart at siguradong babalik siya sa 'yo. Napapitlag si Aera nang tawagin siya ni Bart. Halatang hindi ito natutuwa habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanya at sa hawak niyang cellphone. "If you're not going to eat, leave the dining table," supladong sabi nito. Ibinaba ni Aera ang cellphone sa tabi ng plato. Saglit pa siyang nag-alinlangang damputin ang tinidor na may nakatusok na hotdog bago iangat iyon sa tapat ng bibig. Napalunok siya habang nakatitig sa jumbo hotdog. Kaya ba niyang gawin ang sinasabi ni Susie? Kaya ba talaga niyang mang-seduce ng lalaki kung sa memory niya ay virgin na virgin pa siya?

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now