Chapter 13

170 6 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

PAGKATAPOS mag-shower ay lumabas si Bart mula sa master's bedroom para muli ay i-monitor si Aera sa ginagawang paglilinis ng bahay. Sa totoo lang, hindi siya masyadong nasisiyahan sa ginagawang pagpaparusa sa babae. Pakanta-kanta pa kasi ito habang nagba-vacuum ng walls at nagkukuskos ng singit-singit ng mga bintana. Parang sisiw lang kay Aera ang ginagawa. Mukhang nag-e-enjoy pa ito. Tama si Allan. Hindi yata talaga parusa para kay Aera ang linisin ang buong mansiyon. Pero at least ay halata namang tumatalab sa babae ang ginagawa niyang pagpo-flaunt ng magandang buhay niya ngayon—not to mention, his great physique. Nasilip niya nang ilang beses ang panghihinayang at pagsisisi sa mga mata nito. Nag-sink in na siguro kay Aera kung gaano kalaking fortune ang pinakawalan nito. Tatlong buwan pa lang na tinatamasa ni Bart ang maalwang buhay nang masira ang relasyon nila ni Aera. Noong mga panahong iyon ay hindi pa siya isang ganap na Almendarez sa pangalan at wala pa siyang gaanong access sa yaman ng pamilya. Kaya hindi nasaksihan ng babae kung paano siya naligo sa pera pagkatapos na mapalitan ang apelyido niya. Nagkaroon siya ng penthouse, luxury cars at nakapag-travel sa malalayong bansa. So, may memory man ito o wala ay hindi nito alam kung gaano kalaki ang ipinagbago ng buhay niya dahil hindi na sila nagkita pagkatapos nilang maghiwalay. She could have been enjoying that kind of life now with him. Masaya sana sila ngayon kung hindi nito sinira ang relasyon nila. Napahinto sa paglalakad si Bart nang makitang bukas ang pinto ng kuwartong tinutulugan ni Aera at mukhang wala ito sa loob. Natukso siyang silipin ang ang silid. Alam niyang iyon ang dating bedroom ng babae. Natuon ang tingin ni Bart sa nakabukas na photo albums na nakalapag sa kama. Ah, those photo albums that contained their pictures together. Dinala talaga nito roon ang mga iyon. Sa totoo lang ay hindi niya alam na nagko-compile ng pictures si Aera sa photo albums. Hindi nito ipinakita sa kanya ang mga iyon noong sila pa. Ang huli niyang nakita ay nakalagay sa isang storage box ang mga larawang iniipon nito. Soon, he just found himself sitting at the edge of the bed while looking at the old photos. Wala yata silang pictures na hindi sila nakangiti o nakatawa. Ganoon sila kasaya ni Aera dati. Napatitig si Bart sa picture na kuha sa park noong first anniversary nila. They were both wearing authentic Converse high top sneakers. Regalo nito sa kanya ang sneakers na suot niya nang araw na iyon. Nagkatampuhan pa sila sandali pero nagkabati naman agad. That was probably the defining moment of their relationship and one of the happiest days of his life. Nalaman kasi niyang bata pa sila ay may crush na sa kanya si Aera. Ang sabi niya noon, wala siyang ibang babaeng mamahalin kundi ito lang. Nasa kanya pa rin ang sneakers na iyon. Binalak ni Bart na itapon nang tuluyan pero napunta lang iyon sa bodega sa mansiyon ng kanyang lolo kung saan siya nakatira noon. Kahit gaano siya kagalit kay Aera ay hindi niya pa rin nagawang itapon ang mga sulat at gamit na ibinigay nito. She was his first love. Walang interes si Bart sa pag-ibig noon dahil hindi niya kayang maglaan ng panahon para roon. Puro trabaho at pag-aaral lang siya dahil nangangarap siyang makaahon sa hirap. Isa pa, wala siyang ipanggagasta sa girlfriend. Pero unti-unti, na-in love siya kay Aera. She was the perfect girl for him. Hindi demanding sa oras, atensiyon at mga regalo. Suportado siya nito sa lahat ng gawin niya. Palaging naroon para dumamay at umunawa. Kaya nga nagtagal sila nang husto dahil alam niyang wala na siyang mahahanap na babaeng tulad nito. Wala na siyang balak pakawalan pa si Aera. But she suddenly had a change of heart. Kung kailan matutupad na ang mga pangarap nila. Napapitlag na lang si Bart nang maramdamang may umupo sa tabi niya. Nakita niya si Aera na nakangiti habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa mukha niya at sa photo album nito na nasa kandungan niya. How could she even smile like that as if she did not hurt him then? Naniniwala ba talaga si Aera sa kalokohang sinabi rito ng Mark na iyon? Na pinagpanggap lang nito ang lalaking iyon para maging madali ang paghihiwalay nila? At may taong nag-utos sa babae para layuan siya kaya ginawa nito iyon kahit labag sa loob? Pakiramdam ba talaga ni Aera ay wala itong malaking kasalanan sa kanya? "Nakita mo ba," tanong nito, "'yong ibang pictures pagkatapos niyang page na 'yan? Hindi ko na maalala lahat kung kailan at saan sila kinuhanan." Nang hindi kumilos si Bart ay si Aera na mismo ang nagbuklat ng page. Itinuro nito ang isang larawan kung saan ay naka-backhug siya sa babae at ang background nila ay overlooking ng magandang tanawin. "Ito, saan 'to?" Tinitigan ni Bart ang picture. Hanggang tainga ang ngiti nilang dalawa ni Aera sa picture na iyon. Paano kasi ay first time nilang umakyat ng bundok at makarating sa summit niyon. "Sa Tanay, Rizal. First mountain climbing natin." Napanganga si Aera. "Nag-mountain climbing tayo? Totoong bundok yang tinatapakan natin? Hindi ako natakot? Takot ako sa heights, 'di ba? Na-overcome ko ba 'yong fear of heights ko?" "Takot ka no'n pero tiniis mo." "Talaga? Paano ko nagawa 'yon?" Naalala ni Bart kung paano nilabanan ni Aera ang fear of heights. Ang akala nga niya ay na-conquer na nito ang takot dahil nakarating sila nang matiwasay sa itaas nang hindi ito nag-back out at umiyak. Pero nang makababa na sila, doon lang pinakawalan ni Aera ang mga luha. Takot na takot daw ito pero tiniis lang para sa kanya. Gustung-gusto kasi niyang makaakyat sa bundok na kasama si Aera. Ayaw siyang ma-disappoint nito kaya nilabanan ang takot para sa kanya. Ayaw raw nitong ma-spoil ang happiness niya nang araw na iyon. Sa sobrang pagka-touch ni Bart noon ay hinalikan niya ito kahit maraming nakapaligid na mga tao. Napuna ni Bart na nagtatagal na ang pagtitig niya kay Aera kaya nagbawi siya ng paningin at ibinalik ang paningin sa photo album. "You wanted to challenge yourself," sabi na lang niya. "Ito?" turo ng babae sa isa pang picture kung saan ay nasa beach sila. "Saang dagat 'to? Sa Boracay ba? Ang puti ng sand." "Sa Batangas." Birthday noon ni Allan at nagkayayaan ang barkada na mag-overnight sa hometown ng kaibigan niya para doon mag-celebrate. Kinagabihan ay pumuslit sila ni Aera sa isang madilim na parte ng beach. They shared a passionate kiss behind a tree. "Talaga? Ano'ng nangyari no'ng nando'n tayo?" Muntik nang maihilamos ni Bart ng palad ang mukha sa frustration. How could he tell her what happened behind that tree? Isinara niya ang photo album at inilapag sa kandungan ng babae. "Do you seriously think it's okay to ask me these questions? You want us to talk about our past and reminisce those memories we had together?" Lumungkot ang mga mata ni Aera. "'Sorry. Curious lang kasi talaga ako, eh. Gusto kong malaman 'yong mga istorya sa likod ng pictures na 'to. Gabi-gabi, binabalik-balikan ko ang mga 'to. Gusto kong maalala pero kahit ano'ng gawin kong pagpiga sa ulo ko, wala akong maalala. Alam ko, marami tayong happy memories together. Ramdam ko 'yon. Habang tinitingnan ko 'yong pictures natin through the years, ang saya-saya ng pakiramdam ko. Kaya gusto ko sanang malaman 'yong stories behind these photos. Hindi ko kasi alam kung babalik pa 'yong mga alaalang nawala sa 'kin. Ayokong tuluyang mawala 'yong memories natin, Bart..." He sighed. Why did it make him feel sad hearing those words coming out of her? Hindi naiintindihan ni Aera kung paano nito binalewala ang memories na iyon nang sirain nito ang relasyon nila. Right. Nakalimutan din ng babae na hindi na siya mahal nito. Kaya sinasabi ang mga bagay na iyon. For sure, if she were in her right mind, she would not want to remember the memories they had together. "Memories," gagad ni Bart. "They were just memories that do not have to matter anymore, because it's over between us. Kaya hindi mo na kailangang malaman kung ano 'yong mga nangyari sa 'tin sa nakalipas na mga taon. It's useless to have those memories, anyway." Tumayo na siya at iniwan si Aera. He envied her. Sana ay siya na lang ang nawalan ng memorya para hindi na niya naaalala ang mga masasayang sandaling kasama niya si Aera. PINANOOD ni Aera si Bart habang iniinspeksiyon ang isa sa guestrooms na natapos niyang linisin. Hindi talaga niya maalalang ganito kametikuloso at O.C. ito. Dati kasi ay wala naman itong pakialam kung magulo ang bahay nito. Ngayon, ultimo katulduk-tuldukang spot o alikabok, nakikita ni Bart. "Ulitin mo itong bintana. Punasan mong mabuti. Pati itong blinds, may kaunting alikabok pa rin. At saka..." Tumingala ito. "'Yong headrail ng blinds, napunasan mo na ba?" Umiling si Aera. "Sige. Kukuha ako ng bangko pagkatapos kong ulitin 'tong bintana para maabot ko 'yon." In-spray-an uli niya ng mirror cleaner ang bintana. "Ano nga palang gusto mong kainin mamayang dinner?" "Hindi ako kakain dito mamaya. Aalis na 'ko bago magdilim." Nakaramdam ng lungkot si Aera sa narinig. Kahit na sinusupladuhan at minamanduhan siya ni Bart, gusto pa rin niya ang idea na kasama ito. Masaya siya kahit alam niyang kaya lang naroon ang lalaki ay para panoorin ang pagpapahirap nito sa kanya. Hangga't maaari, gusto niyang malapit dito. "Bakit hindi ka muna kumain bago umalis?" "I'm going to dine outside, bago ako umuwi." Sumibi si Aera. "Hindi ka na ba talaga nasasarapan sa luto ko?" "I'm craving for something you can't prepare." "Ano 'yon?" "Steak." Kusang nanlaki ang mga mata ni Aera. Natigil siya sa pagpupunas ng bintana. "Sa Emillani's?" Nag-smirk si Bart. "Do you really think sa Emillani's lang may steak?" Ngumiti siya. "Nakita ko sa photo album ko, may picture tayo sa Emillani's. Dinala mo talaga ako do'n gaya ng promise mo." Bumuntong-hininga ito na para bang nanghihinayang na pinakain siya ng mamahaling steak. "Masarap ba? Nasarapan ba 'ko? Hindi ko na kasi maalala kung masarap talaga 'yong steak doon at kung justified 'yong price." "Pati memory mo sa lasa ng steak na 'yon, gusto mong itanong sa 'kin?" Nabura ang ngiti ni Aera. "Pati ba 'yong tungkol sa lasa ng steak ng Emillani's ayaw mong alalahanin ko?" Naglabas ng hangin mula sa ilong si Bart, tanda ng pagsuko. "Oo, nasarapan ka. In fact, nagpa-take out ka pa nga ng dalawang serving. Amused na amused sa 'yo 'yong restaurant manager." Hindi napigilan ni Aera ang panlalaki ng mga mata. Ganoon kasarap ang steak sa Emillani's? "Bakit? Hindi ba allowed na mag-take out sa fine dining restaurant?" Nakakain naman siya sa fine dining restaurants noong bata pa pero hindi na niya maalala kung nag-take out sila o hindi dahil sa sobrang tagal na. "Nobody does that. Ang mga mayayaman, hindi nagte-take home ng steak or any expensive food from a restaurant like that. They only eat it there. The restaurant wanted to preserve the quality of their dish. That's why they have to be eaten right after being served. Masisira din ang food presentation kung ibabalot at ita-travel." Napangiwi si Aera. Kung ganoon ay nakakahiya pala siya. "After no'n, dinala kita sa ibang fine dining restaurants para matikman natin ang difference ng luto nila sa steaks." "Naging adik na tayo sa steak pagkatapos?" Tumango ito. "And you've developed constipation because of that. Kasi wala ka nang gustong kainin kundi grilled or pan-fried meat." Napatakip ng bibig si Aera. "Ayaw mo ngang magkuwento, 'no? Kasi pati constipation ko ipinaalala mo pa talaga." Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Bart na para bang nasiyahan sa reklamo niya. "You even called me in the middle of the night because your hard stool was stucked on your anu--" "Shut up!" Wala sa loob na ibinato ni Aera kay Bart ang hawak na basahan para matigil ito sa sinasabi. Humaging iyon sa pisngi nito. Nanlaki ang mga mata ng lalaki na para bang hindi makapaniwala sa ginawa niya.  Napangiwi si Aera dahil ang akala niya ay magagalit si Bart sa ginawa niya pero dinampot nito ang basahan at ibinato pabalik sa kanya habang nakasingasing. Tumama sa mukha niya ang basahan. Ngiting tagumpay si Bart. Dahil gustong makaganti ay itinaas niya ang hawak na spray bottle at ini-spray-an ang lalaki. Halos dalawang metro ang layo nito sa kanya pero naabot ito ng mists ng spray. Nagtangka si Bart na agawin ang spray bottle mula sa kanya. Pero dahil mabilis si Aera ay naiwas niya ang bote. Napatili at napatakbo siya nang sugurin siya ng lalaki. Naghabulan sila palabas ng kuwarto. Nang maabutan siya nito sa hallway ay pilit inagaw sa kanya ang spray bottle pero ayaw niyang bitiwan iyon. Napapitlag na lang si Aera nang kilitiin siya ng lalaki sa tagiliran. Humalakhak ito nang maagaw mula sa kamay niya ang spray bottle na agad na itinutok sa kanya pero mabilis siyang nakatakbo kaya hinabol uli siya ni Bart. Habang tumatakbo si Aera ay natisod siya sa deformed edge ng center carpet sa second floor living room kaya nadapa siya sa carpeted na sahig. "Are you okay?" tanong ni Bart na mabilis na nakaluhod sa tabi niya. Imbes na tumayo ay tumihaya si Area at nagtatawa sa nangyari sa kanya. Naalala kasi niya noong teenager pa sila ni Bart. Naghahabulan din sila noon nang madapa siya. Nakakahiya ang nangyari pero idinaan na lang niya sa pagtawa ang pagkapahiya. Unti-unting gumuhit ang malaking ngisi sa mga labi ni Bart habang nakatunghay sa kanya. Hanggang sa sinasabayan na nito ang pagtawa niya. Natigilan si Aera habang pinagmamasdan ang lalaki. Tumatawa ba talaga si Bart? Nakikipagtawanan ba talaga ito sa kanya sa mga oras na iyon, just like the old times? Tumigil sa pagtawa si Bart habang nakatitig kay Aera. Na-realize siguro na hindi ito dapat nakikipagtawanan sa kanya. For a moment, parang may nagdaang pait sa mga mata nito bago tumayo mula sa pagkakaluhod sa tabi niya. Iniwan nito sa lapag ang spray bottle na inagaw mula sa kanya kanina. "Bumalik ka na sa trabaho mo," utos nito sa malamig na tinig at humakbang na palayo. Malungkot na sinundan ni Aera ng tingin ang lalaki. Hindi ganoon ang eksena noong nadapa siya habang naghahabulan sila several years ago. Tinulungan siya ni Bart na makatayo noon at tinanong kung may masakit sa kanya habang iniinspeksiyon ang mga braso at binti niya. Nami-miss niya ang dating Bart. Nami-miss niya ang pag-aalaga nito sa kanya. NATIGIL ang pagsasalin ni Bart ng alak sa baso nang mamataan ang pinsan. Nagkataong naroon din pala si Dave sa lounge bar na pinuntahan niya. Ngumiti ito at lumagok ng alak mula sa basong hawak bago nagsimulang lumapit sa kanya. Ah, he just wanted to be alone with this bottle of whisky tonight. Bakit kailangang may umistorbo sa kanya at si Dave pa. "What are you doing here drinking alone?" tanong nito na hindi na nag-abalang magtanong kung puwede siyang saluhan sa table. Umupo na lang ito nang basta sa smoke armchair na katapat ng kinauupuan niya. He sighed in disinterest. "I believe it's none of your business." Ngumisi si Dave. Hindi siguro inaasahang ganoon kaagad niya sasagutin ang pinsan kahit hindi pa man nagsisimulang mang-asar ito. "Are you drunk already?" He was not drunk yet. He was just pissed at himself. Kanina kasi ay nakipaghabulan, nakipagharutan at nakipagtawanan siya kay Aera na para bang wala itong malaking kasalanan sa kanya. Naiinis siya sa sarili dahil hinayaan niyang mangyari iyon. He was supposed to scowl at her, not laugh with her, damn it. Saglit rin siyang nag-alala nang makita ang pagkadapa ng babae. As if he still cared for her. Alam niyang hindi na niya mahal si Aera pero bakit parang nami-miss niya ang nakaraan nila? It must be nostalgia. They had been together for so many years, that's why. They had so many memories together, so it was probably natural to feel nostalgic. But Bart hated that feeling. "Or you're currently having trouble with something... or someone?" Halata sa tingin nito ang pang-iintriga. Sa tingin ni Bart ay puwede na talagang palitan ni Dave si Boy Abunda sa pagkatsismoso. Parang sa tuwing lalapit ito sa kanya ay gusto siyang interview-hin at intrigahin tungkol kay Aera. Yes, he knew by the look on his cousin's face that he was referring to her ex-girlfriend when this douche mentioned the word "someone." Sa halip na sumagot at uminom na lang ng alak si Bart. Hindi na lang niya papansinin ang pinsan hanggang sa ito na ang sumuko at umalis. "How is Aera doing in your house?" Naibuga ni Bart ang iniinom na alak sa narinig mula sa pinsan. What did he just say? Alam nitong kasalukuyang nakatira si Aera sa bahay na binili niya a year ago? "What are you talking about?" tanong ni Bart pagkatapos punasan ang bibig. Ngumiti si Dave. "You know what I'm talking about." Nanigas ang mga panga niya. "Pinapasubaybayan mo ba 'ko?" "Of course not. Why would I do that? Narinig ko lang 'yong assistant mo na kausap ka sa phone. But I didn't mean to eavesdrop. Nabanggit niya si Aera at 'yong bahay mo. I supposed the one you immediately bought when your dad started to give you access to his money. Na-figure out ko lang on my own pero wala akong idea kung bakit pinatira mo ang ex mo sa bahay mo when you're supposed to hate her." "I took her there to be the caretaker of that house." Inamin na lang niya ang totoo kaysa gumawa ito ng intriga. "A caretaker? You took your ex to be the caretaker of your house. Interesting." Parang lalo pang naintriga ito sa sinabi ni Bart. Lalo siguro itong maiintriga kapag nalamang natulog siya roon nang isang gabi at nagdesisyon pa siyang doon i-spend ang weekends... kasama ang babaeng nanakit at nanloko sa kanya. Dave would probably think he was sick in the head. "Why would you do that?" "Why do I have to tell you?" Halatang nag-isip si Dave. "Should I tell your dad about it or not?" Nagkiskisan ang mga ngipin ni Bart. Hindi lang intrigero, sumbungero pa ang kumag na ito. Napilitan na lang siyang ikuwento ang totoong nangyari kaysa malaman ng daddy niya na may koneksiyon pa rin sila ni Aera. Halatang napantastikuhan si Dave. "I don't understand. Why would you feel guilty? 'Di  ba, dapat pabor sa 'yo 'yong ginagawa no'ng Polly? Technically, siya na 'yong nagpaparusa kay Aera on your behalf." "Wala siyang kasalanan kay Polly. Ako lang dapat ang magparusa sa kanya." Dave looked amused. "So, balak mo siyang alilain para maparusahan? That's too medieval." "Wala ka na dapat pakialam doon, Dave. What you can do right now is zip your lips and mind your own business." Dadamputin sana ni Bart ang bote ng alak pero naunahan siya nito. Sinalinan nito ng alak ang sariling baso. "May pambili ka naman siguro ng alak mo," puna niya nang sa wakas ay mahawakan ang bote ng alak na binili niya. Dave grinned. "Be careful, Bart. Baka sa ginagawa mong pagpaparusa, sarili mo ang maparusahan mo." "Back off." Nilagok niya ang laman ng baso. "Does Aera want you back now that she can't remember anything?" He glowered at his cousin. Talaga bang hindi ito titigil sa pagkatsismoso? "If she does," patuloy ni Dave, "samantalahin mo na. Elope with her. And don't try to regain her memory. It's probably for the best that she's lost it." Makahulugan ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Dave bago tumayo at lumakad palayo sa mesa niya. He felt the clenching of his teeth. That jerk really thought Bart was pathetic. Sa tingin ba talaga nito ay basta na lang niyang babalikan ang babaeng nanakit sa kanya?

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now