Chapter 8

185 7 0
                                    

CHAPTER EIGHT

HINDI pa man nagsasalita si Aera pero halatang bored na agad si Bart habang nakaupo sa silyang katapat ng sa kanya sa isang coffee shop. Naglakas-loob siyang pakiusapan si Allan na sabihan si Bart na gusto niyang makausap ito. Pumayag nga ang ex niya pero mukhang wala itong kainte-interes sa sasabihin niya. Hindi tuloy niya magawang umpisahang sabihin ang pakay. Tinapunan ni Bart ang wristwatch na halatang mamahalin. "Nakipag-meet ka ba sa 'kin para lang titigan ako? I've told you I'm a busy man." "Nakita ko 'yong photo albums natin," wala nang pasakalyeng pagsisimula ni Aera. Inilabas niya mula sa bag ang dalawang photo albums at itinulak papunta rito sa mesa. Halatang natigilan si Bart habang nakatitig sa photo albums na suddenly ay nasa harap na nito. "Puno 'yang mga 'yan ng pictures nating magkasama through the years. Hindi ko na maalala 'yong moments na 'yon, kung saang lugar kinuhanan, kung ano'ng ginawa natin no'ng time na 'yon..." Natigil siya sa sinasabi dahil nagbuga ng hangin si Bart. "Pinapunta mo ba ako rito para makipag-reminisce sa 'yo?" "Wala nga akong maalala, eh. Paano ako makakapag-reminisce?" "So," malamig na tanong ni Bart, "ano'ng gusto mong gawin natin ngayon? Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo kung saan, kailan at paano kinuhanan ang pictures na 'to?" "Alam kong hindi mo gagawin 'yon," malungkot na sabi niya. "Alam mo naman pala, eh. Why'd you even bring these?" "'Yong nasa second to the last page na pictures diyan... nasa China ba tayo? Kasi may Chinese characters sa background." "Hong Kong." "Nagpunta pala tayong Hong Kong." Inilapag ni Bart ang coffee cup. "First trip natin together. Wala pang tatak mga passport natin ni isa kaya hindi pa tayo makapunta agad sa bansa na visa-required. Kaya 'sabi ko, sa Hong Kong na lang muna dahil hindi kailangan ng visa doon." "Gano'n ba? Nakapunta na pala ako ng ibang bansa pero hindi ko maalala 'yong experience." "Tuwang-tuwa ka kasi first time mong makakita at makasakay ng subway. Lalo na sa Disneyland train, para kang batang excited habang nakadungaw sa Mickey Mouse-shaped window ng tren. Sa Disneyland, pati kiddie rides gusto mong sakyan kasi gusto mong sulitin. Nagpa-picture ka sa lahat ng Disney characters mascots. Pero noong makapunta ka sa Ocean's Park, mas nag-enjoy ka. 'Sabi mo, mas maganda doon kaysa sa Disneyland kasi mas exciting ang rides. Aliw na aliw ka sa mga panda at sa malalaking aquariums. Umakyat tayo sa Sky Terrace. Gandang-ganda ka sa city lights. Sumakay tayo sa evening cruise sa Victoria Harbour. You said it was romantic..." Huminto si Bart sa pagsasalita. Halatang natigilan ito. Na-realize siguro na nagre-reminisce na ito. Marahas ang buntong-hiningang pinakawalan ni Bart. "Damn it," mahinang sambit nito at tumingin kay Aera na parang sinisisi siya dahil napa-reminisce ito nang hindi namamalayan samantalang una pa lang ay ipinahiwatig na nitong kalokohan ang alalahanin nila ang nakaraan nila. Hindi napigilan ni Aera ang mapangiti. "Parang ang saya pala. Parang ang saya-saya ng first international couple trip natin." Naglabas ng hangin mula sa ilong si Bart. "First and last." Nabura ang ngiti ni Aera. "Bakit mo kasi ako pinapunta rito?" Halata na ang frustration sa boses ni Bart. "Ano ba 'yong mahalagang sasabihin mo?" "Ikaw lang ang lalaking minahal ko, Bart," lakas-loob na sabi niya. "Hindi ko minahal 'yong lalaking sinabi ko sa 'yong ipinalit ko sa 'yo." Halata ang pagkatigil ni Bart habang nakatitig sa kanya. "Wala siya ni isang picture sa 'kin. Wala kaming picture na magkasama ni isa. Puro ikaw ang kasama ko sa lahat ng pictures na nakita ko sa bahay ko. Kahapon, pinuntahan ko 'yong address ng office na pinagtatrabahuhan ko kasi baka makatulong sa pagbabalik ng memory ko kapag nakita ko 'yong officemates ko. May isang lalaking lumapit sa 'kin. Kasamahan ko sa accounting department. Si Mark..." Halata sa ekspresyon ng mukha ni Bart na pamilyar dito ang pangalang narinig. "Noong una hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong hilahin sa isang empty room para kausapin ako nang sarilinan. 'Yon pala, nalaman ko sa kanyang siya pala 'yong lalaking ipinakilala ko sa 'yo na ipinalit ko sa 'yo. At alam mo ba kung ano'ng nalaman ko? Pinagpanggap ko lang daw siyang kalaguyo ko para magalit ka sa 'kin. Para mag-break tayo at layuan mo 'ko." "W-what?" "Ibig sabihin, hindi talaga ako nagtaksil sa 'yo." Matagal bago nagsalita si Bart na halatang nabigla sa mga sinabi niya. "So, pinalabas mo na may ibang lalaki ka para makipaghiwalay sa 'kin... Kung totoo 'yang sinasabi mo, ano ang dahilan mo para gawin 'yon? In the first place, bakit ginusto mong makipaghiwalay sa 'kin?" Dahan-dahang umiling si Aera. "Hindi ko alam. Hindi rin alam ni Mark kung bakit kailangan ko siyang pagpanggapin. Ayaw ko raw sabihin sa kanya 'yong dahilan ko kung bakit gusto kong makipaghiwalay sa 'yo. Ang sabi lang niya, sabi ko raw, gusto kong magalit ka sa 'kin para hindi ako mahirapang makipaghiwalay dahil ikaw mismo ang lalayo sa akin." "And what was your officemate's reason for agreeing to your grand scheme?" "Naawa lang daw siya sa 'kin kasi nakiusap ako." "Ridiculous." Nag-smirk si Bart. "Bart... hindi ako naniniwalang hiniwalayan kita dahil gusto ko." "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Ang hinala ko, hiniwalayan lang kita dahil kailangan kong gawin 'yon. Hindi dahil hindi na kita mahal o may iba na 'kong mahal." Halatang napantastikuhan si Bart sa narinig. "What are you talking about?" "Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na hindi talaga nawala 'yong feelings ko para sa 'yo. Kaya kung naisipan kong hiwalayan ka kahit mahal pa rin kita, siguro, may mabigat na dahilan kung bakit ko nagawa 'yon." Halatang speechless ito habang nakatitig sa kanya. "Sa tingin mo," patuloy na Aera, "does it make sense na iiwan kita kung kailan mayaman ka na? Kung kailan matutupad na 'yong mga pangarap nating dalawa? Bakit ko itatapon na lang nang basta 'yong seven years na pinagsamahan natin?" Halata sa mukha ni Bart na nakukuha nito ang point niya. Bigla, lumarawan ang pagkalito sa mukha nito. "Bart..." "Ano 'yong mabigat na dahilang 'yon?" "Hindi ko maalala. Pero... naisip ko na siguro, may nagpalayo sa akin sa 'yo." Mukhang nag-isip pa si Bart bago lumarawan sa mukha na nagkaroon ito ng ideya. "Sinasabi mo bang pinalayo ka ng daddy o lolo ko sa 'kin dahil ayaw nilang magpakasal ako sa isang mahirap na babae?" Dahan-dahang tumango si Aera. "May posibilidad na ganoon na nga." Napapitlag siya nang bigla na lang tumawa si Bart. "Have you been watching too much teleserye lately?" Napalabi si Aera. "Salamin ng mga nangyayari sa totoong buhay ang fictional stories." "Salamin ng totoong buhay with ridiculous exaggerations. Hindi matapobre ang daddy at grandpa ko. And pretty much everyone in the family. Magalang sila kahit sa mga mahihirap. Nasasaksihan ko 'yon. Kung paano sila makipag-usap sa janitors, waiters... They treat their househelpers like family members. My dad secretly donates to a well-known charitable institution. May sariling foundation for the poor din ang BWD and it was founded by my grandpa..." Siyempre ay hindi alam ni Aera iyon dahil hindi na niya naaalala na nakilala niya ang bagong pamilya ni Bart. "Kasundo mo ang lolo ko. Gustung-gusto ka niya kasi ang biba mo raw. Si Daddy din, ikaw na mismo ang nagsabi na ang bait-bait niya sa 'yo. He even gifted you a car on your birthday but you refused it politely. Lalo ka niyang hinangaan dahil hindi ka raw maluho." Hindi nakaimik si Aera. Totoo ba talagang gusto siya ng ama at lolo ni Bart at hindi matapobre ang mga ito? Pero paano kung nagpapanggap lang ang pamilya ni Bart na gusto siya para dito? Para nga naman hindi halata na nagpa-plot na scheme ang mga ito para paglayuin sila. Or at least, hindi malaman ni Bart na may ginawa ang pamilya para palayuin siya sa isa sa mga tagapagmana ng mga Almendarez. Tama. Sa mga soap opera, palaging clueless ang lalaking bida sa totoong nangyari at sa bandang huli na lang nito nalalaman na pinalayo pala ng pamilya nito ang babaeng mahal. "Siguro... hindi lang naman ang daddy at lolo mo ang puwedeng—" "Seriously, Aera?" napapantastikuhang putol ni Bart sa sinasabi niya. "You're saying it could be my stepmom or my late uncle's wife? Or probably my cousin who seems to hate me." Lahat siguro ng mga nabanggit ni Bart ay na-threaten sa sudden appearance ni Bart sa pamilya. Sino bang misis ang matutuwa kapag nalamang may anak sa ibang babae ang mister? Ang aunt ni Bart naman ay malamang na nagalit dahil out of the blue ay may lumitaw na bagong tagapagmana na makakahati ng anak sa mana mula sa lolo. Ganoon din ang pinsan ni Bart. Kahit niya maalala ang mga taong iyon, pakiramdam niya ay mga classic soap opera kontrabida ang dating ng mga ito. "What's the next scene?" tanong ni Bart na halatang hindi na sineseryoso ang pinag-uusapan nila. "Pagkatapos mong magpanggap na pinagtaksilan ako para layuan kita at ang may kagagawan ng paghihiwalay natin ay ang pamilya ko dahil mayaman kami at mahirap ka lang, ano'ng susunod na eksena?" Hinimas nito ang baba at umaktong nag-iisip. "Babalikan kita kasi maniniwala ako sa mga sinabi mo?" Ngumisi si Bart. "I can't believe I've wasted my precious time listening to your bullshit, Aera. Miski 'yong tungkol kay Mark... it's also hard to believe. Parang eksena din sa teleserye sa hapon o sa romance pocketbooks na mahilig mong basahin noong college ka." "Papatunayan ko sa 'yo na totoo 'yong tungkol kay Mark. Wala talaga kaming naging relasyon." "Kahit mapatunayan mo, it won't erase the fact that you still left me, regardless of the reason why you did." Parang gustong mapaluha ni Aera sa nakikitang scorn sa mga mata ni Bart. Tama nga naman ito. Ano at anuman ang dahilan niya, sinaktan at iniwan pa rin niya ito. The harm was done, kumbaga. "I'm leaving," malamig na paalam ni Bart. "I have an appoinment by four." Tumayo na ito naglakad palabas ng coffee shop. Habang sinusundan ni Aera ng tingin ang lalaki ay unti-unting lumabo ang paningin niya dahil sa pamamasa ng mga mata. Mukhang wala na ring saysay kahit pa malaman niyang totoo ang hinala dahil hindi na siya mahal ni Bart. Naka-move on na ito sa kanya.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now