Epilogue

450 7 1
                                    

EPILOGUE

NGUMITI si Aera nang sabay silang bumaling ni Bart sa isa't isa habang nasa harapan ng altar sa Mt. Carmel Chapel. Halos hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi ng kanyang groom. Bakas sa mga mata nito ang ginawang pagluha kanina habang pinanonood siya sa paglalakad palapit dito sa altar. Hindi rin niya napigilang maluha kanina. Napakasaya niya. Parang kailan lang ay nanggulo pa si Aera sa kasal ni Bart pero ngayon ay siya na mismo ang ikakasal dito. Tinatanong niya sa sarili noon kung bakit kailangang mawala ang mga alaala niya. May dahilan pala. Kung hindi siya nagka-amnesia noon ay baka naikasal na sa iba ang lalaking mahal niya. It was all meant to be. Naibalik na ni Bart ang dating apelyido. Ganunpaman ay nagkaayos na si Aera at ang ama nito. Humingi ng tawad sa kanya si Andrew Almendarez at inamin ang lahat ng pagkakasala sa daddy niya at sa kanya. Nakita ni Aera ang sinseridad ng daddy ni Bart kaya alang-alang sa boyfriend ay nagpatawad na siya. Hindi nito tinanggap ang pagbabayad ng anak sa mansiyong binili gamit ang pera nito. Ang nangyari ay ibinalik sa kanya ng daddy ni Bart ang dating mansiyon ng pamilya niya. Kahit man lang daw iyon ay maibalik nito sa kanya. Tinanggihan kasi ni Aera ang inalok nitong compensation o danyos sa nangyari sa kanya. Unti-unti nang nagkaayos ang mag-ama at mag-lolo. Inamin na nila ang mga kamalian noon at nangakong hindi na gagawa ng kung anupamang makakasakit sa loob nilang dalawa. Nagkaroon na ng second branch ang burger joint ni Bart na mina-manage nito. Umaasenso na ito sa sariling sikap. Proud na proud si Aera sa kanyang boyfriend na in a few minutes, ay magiging mister na niya. "Kung mayroong tumututol sa kasalang ito, mangyaring tumayo at isaboses ang may basehang pagtutol. Kung wala naman ay maaari na nating ipagpatuloy ang pag-iisang-dibdib—" "Ako po, Father!" Mabilis na napalingon si Aera nang may marinig na sumagot. Nakita niya si Polly na nakatayo sa gitna ng aisle at nakataas ang kamay. Napanganga siya sa hitsura ng beki. Nakasuot ito ng itim na gown na akala mo ay lamay ang pinuntahan at hindi kasal. Inimbitahan niya ang mga beki pero sinabi ni Polly na hindi ito a-attend kahit libre niya ang pamasahe papuntang Batanes. Nag-depress-depress-an ang bakla nang malamang pakakasalan siya ni Bart. Kaya hindi niya inaasahang makikita ito roon. "Tumututol ako sa kashalang ito!" Lasing ba si Polly? Baka sinadya nitong maglasing para magkalat sa kasal niya. Kusang nanggirian ang mga ngipin ni Aera. Kahit kailan talaga ang bruhang ito ay wala nang ginawa kundi ang pahirapan ang buhay niya. Nakakahiya sa mga bisita. Lalo na sa pamilya ni Bart na naroon. "Ah..." Mukhang hindi alam ng pari kung ano ang sasabihin. Natatarantang lumapit sina Carrie at Susie para hilahin si Polly pero ayaw magpahatak ng huli. "Halika na, Mamshie," yakag ni Carrie. "Wala kang karapatang tumutol. 'Wag kang ambisyosa, wala kang matris." "Oo nga, Mamsh," segunda ni Susie. "Baka buhusan tayo ng holy water ni Father. Akalaing sinasaniban ka kasi ang lakas ng loob mong tumutol, hindi ka naman dyowa ng groom." Nagsimulang humagulhol ni Polly at naglulupasay ito sa sahig. "Pero mahal ko shi Baaaart..." Napasapo na lang sa noo si Aera. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam ng mga taong nakasaksi sa eskandalong ginawa niya sa kasal ni Bart more than a year ago. Nang tingnan niya si Bart ay nangingisi lang ito. Naalala rin siguro ang ginawa niya dati sa nasirang kasal nito. Bumaling si Aera sa pari. "Father, ituloy n'yo na po ang kasal. Hayaan n'yo na lang pong magngangawa si Polly sa likod. Kasi kahit ano'ng gawin niya, hinding-hindi ko na igi-give up ang groom ko!"

Between An Old Memory And Us - Heart YngridTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang