Chapter 18

255 7 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

BUSOG na busog si Aera habang nakasakay sa minamanehong kotse ni Arvin. Nasarapan siya nang husto sa steak sa Emillani's. Hindi niya akalaing doon siya dadalhin ng abugado nang gabing iyon. Client pala nito ang manager sa Emillani's kaya may gift certificate ito roon. Pero hindi rin niya inaasahang makikita roon si Bart na kasama si Samantha. Paubos na ang steak ni Aera nang mamataan niya si Bart sa loob ng restaurant. Mukhang nag-e-enjoy ito—hindi sa steak—kundi sa ka-date. Na-miss na niyang makita ang ganoong klaseng ngiti nito. Pero masakit pala ang makitang sa ibang babae na nito ibinibigay ang ngiting iyon. Mukhang hindi siya nakita ng lalaki dahil parang wala itong nakikita kundi si Samantha lang. Na-develop na nga siguro talaga si Bart sa fiancée. Kaya kahit ano siguro ang gawin niya ay hindi na niya mapapaibig uli ito. Kung masaya na ito sa ibang babae, kailangan niyang tanggapin nang buong-buo na hanggang doon na lang talaga sila. "Are you okay, Aera?" tanong ni Arvin na nag-insist na ihatid siya sa mansiyon. "Parang bigla kang tumahimik." Pinilit niyang ngumiti. "Nabusog kasi ako doon sa steak. Ang laki kasi ng serving. Baka hindi lang ako natunawan." "Must be indigestion. Gusto mo bang dumaan tayo sa drugstore?" "Hindi na. Malapit na tayo. May gamot naman sa bahay," sabi na lang niya kahit hindi naman magagamot ng kahit anong gamot ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib. "Are you sure?" "Okay lang ako. 'Wag kang mag-alala. Salamat sa concern." "I had fun today, Aera." "Ako din. Thank you kasi pinatikim mo sa 'kin 'yong steak na gustung-gusto kong matikman." Kanina, habang kumakain si Aera ng steak ay naalala niya ang kuwento ni Bart tungkol sa araw na dinala siya nito sa Emillani's. Na-imagine tuloy niya na ang ex-boyfriend ang kasama at hindi ibang lalaki. Pero habang siya ay si Bart ang iniisip, ang ex niya ay masayang kumakain kasama ang ibang babae. "Sana next time, mas marami pa akong malaman tungkol sa 'yo, Aera." Hindi pa kasi alam ni Arvin ang kondisyon niya. Hindi rin sinabi ni Polly dito dahil gusto ng beki na sa kanya manggaling. Kaya limitado at hindi detalyado ang mga ikinuwento niya kay Arvin tungkol sa sarili. Alam nitong isa siyang CPA pero nag-resign sa trabaho at pansamantalang jobless. Hindi ito nag-urirat dahil siguro iginagalang ang privacy niya pero malamang na curious ito kung bakit. Siguro, sooner or later ay kailangan din niyang ipagtapat kay Arvin na mayroon siyang amnesia. Sa totoo lang ay hindi pa niya sigurado kung gusto niya itong papasukin sa buhay niya pero naisip niyang makakatulong ito para ma-distract siya at unti-unting maka-move on kay Bart. "Is this your house?" tanong ni Arvin nang pahintuin ni Aera ang kotse nito sa tapat ng mansiyon. Ang balak talaga niya ay magpababa lang sa labas ng entrance ng village kaya lang ay nag-insist si Arvin na ihahatid na siya hanggang loob dahil baka lalong sumakit ang kanyang tiyan kapag naglakad siya. Hindi na siya nakatanggi dahil mapilit ito. "Huh? Ah... may part time job ako sa bahay na 'yan sa ngayon kaya diyan muna ako tumutuloy." "I see." Hindi na ito nagtanong pa kahit halatang curious kung anong klaseng part time job ang sinasabi niya. Nang lumabas si Aera mula sa kotse ay umibis din si Arvin. Nagpaalamanan sila sa isa't isa. Kinakapa pa lang niya ang susi mula sa bag nang mapapitlag siya sa biglang pagbukas ng gate. Nabigla siya nang makita si Bart na lumabas mula roon. Walang kangiti-ngiti ito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Arvin. "B-Bart! Bakit nandito ka?" Hindi ito pumupunta roon tuwing Lunes. Naunang umalis ang mag-fiancé sa Emillani's kanina. Ibig sabihin ay doon tumuloy ang lalaki. Napabaling si Aera kay Arvin nang magtagal dito ang tingin ni Bart. Halatang curious ang kasama niya kung sino ang lalaking sumalubong sa kanya. Naalarma si Aera dahil hindi maganda ang pagkakatingin ni Bart kay Arvin. "Ah... Bart—" "Sino siya, beb?" putol ni Bart sa sinasabi niya. Beb? Tinawag siya nito sa dati nilang endearment sa harapan ng date niya! Halatang natigilan si Arvin sa itinawag sa kanya ng lalaking naabutan nila sa bahay. Bago pa makaapuhap ng salita si Aera ay inakbayan siya ni Bart. "Did he bring you home? Kasama ba siya sa friends na sabi mo kanina na imi-meet mo over dinner?" Nagtatanong ang mga matang tinitigan ni Aera si Bart. Nakainom ba ito? "Sorry," malambing na sabi ni Bart. "Hindi ko sinabi sa 'yong uuwi ako tonight from a business trip. I wanted to surprise you." Pinasadahan ni Bart ng tingin si Arvin na halatang speechless din sa nasaksihan. "By the way, I'm Bart. And you are?" Halata ang disappointment sa mukha ni Arvin nang tingnan siya. Gusto sanang sabihin ni Aera na nagkakamali ito ng iniisip pero walang lumabas mula sa bibig niya. "I'm... I'm leaving," sabi ni Arvin at naglakad na papunta sa kotse. Wala nang nagawa si Aera kundi sundan ng tingin ang palayong sasakyan. Paano niya ipapaliwanag kay Arvin na hindi totoo ang mga narinig at nakita nito? Nang ibalik niya ang tingin kay Bart ay nakangiti na ito. Sinadya ng lalaking palabasin na two-timer siya dahil wala naman iyong ipinagkaiba sa ginawa niya dati. Gusto nitong sirain ang anumang namumuo sa pagitan nila ni Arvin dahil siguro sa palagay ni Bart ay hindi siya nararapat na sumaya pagkatapos ng ginawa niya rito. Napakalaki pala talaga ng galit nito sa kanya. Imbes na tanungin si Bart ay nilampasan na lang ito ni Aera at pumasok sa nakabukas na gate. Kailangan niyang makarating kaagad sa kuwarto bago pa bumuhos ang mga luha niya. Pero bago pa makalapit sa hagdan ay naramdaman niya ang paghagip nito sa kanyang braso. "Bitiwan mo 'ko, please." Pilit niyang binawi ang braso mula rito. "Bukas na lang tayo mag-usap." "Hindi mo ba 'ko tatanungin kung bakit ko ginawa 'yon?" Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Bart. "Alam ko kung bakit mo ginawa 'yon. Dahil sa tingin mo, hindi ko deserved na maging masaya pagkatapos ng ginawa ko sa 'yo. Siguro nga... wala akong karapatang maging masaya dahil sinaktan kita. Alam kong dinala mo 'ko rito para parusahan, tanggap ko 'yon. Hindi rin ako magrereklamo sa ginawa mo kanina dahil kasama rin siguro 'yon sa pagpaparusa mo sa 'kin. "Oo, sising-sisi na 'ko dahil hinayaan kitang mawala sa buhay ko. Hinayang na hinayang ako dahil masaya sana ako ngayon kung hindi kita iniwan. Hindi sana ganito ang pagtrato mo sa 'kin kung 'di kita sinaktan. Nararamdaman ko pa rin sana 'yong pag-aalaga mo, 'yong pagmamahal mo. Hindi ko man maalala 'yong ginawa ko, galit na galit ako sa sarili dahil nagawa kitang saktan nang ganoon..." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "Pero, Bart... sana hanggang dito na lang 'yong pagpapamukha mo sa 'kin na nagkamali ako nang pakawalan kita. Hindi na ako aasa na mapapatawad mo pa 'ko pero sana hayaan mo na 'kong magsimula uli. Aalis na 'ko bukas dito. Kaya sana... tapusin mo na ngayong gabi lahat. Please, Bart... bitiwan mo na 'ko..." Kitang-kita ni Aera sa mga mata nito ang pinaghalong galit at sakit. "I hate you." Napahagulhol siya. "Alam ko..." "And I hate myself, too. Because I can't stop thinking about you." Natigil si Aera sa pag-iyak at tinitigan ito. "B-Bart..." "Sinadya kong hindi pumunta rito nang dalawang linggo dahil naiinis ako sa sarili ko. Sinaktan mo 'ko nang sobra... pero bakit gano'n? Nasasaktan din ako dahil nasasaktan ka nang dahil sa 'kin? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong ma-guilty kahit sa tingin ko, kailangan mo ring maranasan 'yong sakit na naramdaman ko noon. Kanina ko lang na-realize kung bakit ganito 'yong nararamdaman ko... "Habang umaarte akong masayang kumakain kanina sa Emillani's kasama si Sam, sa loob-loob ko, iniisip ko 'yong gabing dinala kita roon. Ikaw lang 'yong gusto kong kasamang kumain ng steak. Ako 'yong dapat na kasama mo kanina, hindi 'yong lalaking 'yon. I realized I was mad jealous. I found myself driving towards here. I don't want you to end up with that guy or any other guy. I am a fool because I still want you for myself." Maang na nakatitig lang si Aera rito. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Bart. "I realized I've been fooling myself since I saw you at my wedding. I still cared about you, kaya inilayo kita sa bodyguards ng lolo ko dahil baka kung ano ang gawin nila sa 'yo. Binayaran ko 'yong utang mo kay Polly dahil ayokong pinapipiyestahan ng mga mata ng mga lalaking 'yon 'yang katawan mo. Inalis kita roon dahil nagagalit ako sa ginagawa sa 'yo ni Polly. Pinatira kita sa bahay na 'to dahil gusto kong matirhan mo uli 'to gaya nang pinangarap mo noon. Pumupunta, natutulog ako rito kahit hindi naman kailangan dahil... dahil gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. I thought everything that I've been doing was to punish you. Pero pinaniwala ko lang pala ang sarili ko..." "Bart..." lumuluhang sambit ni Aera. "I guess... true love is indeed stupid." Hinila siya ni Bart padikit dito. Kasabay ng pagbitiw nito sa braso niya ay ang paghapit nito sa kanya at pagsakop sa mga labi niya. Pakiramdam ni Aera ay bumalik siya sa araw na nasa parke sila eight years ago. Nakapaligid sa kanila ang mga puno at nakatapak sila sa damuhan habang magkahugpong ang mga labi. It was surreal. It was the last best experience that she remembered. Habang wala siyang maalala at parang pasan ang daigdig, ang eksenang iyon sa parke ang bumubuhay sa kanya. Gusto niyang maulit ang sandaling iyon. Hindi niya akalaing magkakatotoo ang hiling niyang maramdaman uli ang halik ni Bart. Lalo pang siyang idinikit nito sa sarili. Ramdam na ramdam ni Aera ang init ng katawan nito. Nang bitiwan ni Bart ang mga labi niya ay saglit pa siyang nag-alala na matatapos na ang sandaling iyon. Pero pagmulat niya ay nakita niya ang pananabik sa mga mata nito at naisip niya, imposibleng pakawalan siya ni Bart. "I know I might hate myself more later," anas nito. "But I want you right now." Napalunok si Aera. Alam na alam niya ang ibig sabihin ni Bart at wala siyang balak na tumutol sa gustong gawin nito. Kaya pagkatapos nilang muling magsalo ng mainit na halik ay nagpatangay siya rito paakyat sa hagdan, papasok sa kuwarto niya. RAMDAM ni Aera ang mainit na mga pisngi habang pinagmamasdan ang natutulog na si Bart. Paggising niya ay namulatan niya ang guwapong mukha nito at muling dumaloy sa isip niya ang naganap kagabi. Simula nang magising siya nang may amnesia, ngayon lang uli niya naramdaman ang maging masaya. Mahal pa rin siya ni Bart. Sa likod ng galit, hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Ang akala niya, kinuha na sa kanya ang lahat pero nandoon pa rin pala ito. Hinding-hindi na niya bibitiwan pa si Bart. Babawi siya sa mga nagawa niya rito. Magsisimula silang muli at gagawa ng mga bagong alaala hanggang sa magbalik ang mga nawala sa kanya. Bumangon na si Aera para ipagluto ng almusal si Bart pero bago bumaba sa kusina ay kinuha muna niya ang cellphone mula sa bag na naihulog kagabi. Kailangan niyang mag-apologize kay Arvin. Gusto rin niyang sabihin sa mga beki ang magandang balita. Pero nang tingnan ni Aera ang cellphone ay nakita niya ang chat notifications mula kay Maris! May missed calls din mula rito sa Messenger app. Finally ay nagparamdam ang best friend niya. Aera, sorry. Ngayon lang ako nagbukas ng message requests. Nakita ko 'yong messages mo sa spam tab sa bago mong account. Kaya pala hindi ka nagre-reply sa una mong account. Akala ko, nagtampo ka na talaga sa 'kin. Ayaw mo na akong kausapin dahil nangako ako sa 'yong babayaran 'yong utang ko pero hindi ko nagawa. Naaksidente at nagka-amnesia ka pala! Sorry talaga, wala ako para damayan ka. Kung hindi mo naaalala, nagkaproblema kami ng asawa ko. Kinasuhan siya ng qualified theft pero na-frame up lang siya. Kaya ako nanghiram sa 'yo ng pera para maipandagdag sa legal expenses niya. 'Tapos, last month lang, namatay 'yong in-law ko. Buntis pa ako ngayon at maselan ang lagay ko. Ang dami kong naging problema, Aera. Kaya pasensiya ka na kung hindi ako nag-effort na mag-reach out sa 'yo dahil lang hindi ka nagre-reply sa mga PM ko. Wala rin kasi akong maibabayad pa sa 'yo kaya hindi na muna kita kinumusta. Hindi ko alam na may pinagdaraanan ka rin pala at kailangan mo 'ko. Please, sagutin mo ang tawag ko. Mag-usap tayo. Gusto kong sagutin 'yong mga tanong mo, 'yong mga hindi mo maalala. Gusto kong makatulong sa pag-retrieve ng memories mo. Kahit pa ako mismo, mukhang hindi mo naaalala. Mabilis na lumabas sa lanai si Aera para mag-return call kay Maris. Gusto niyang malaman ang totoong dahilan kung bakit niya pinakawalan si Bart. Kailangan niyang makumpirma ang hinalang hindi niya ginusto ang pakikipaghiwalay sa lalaki. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Aera habang hinihintay na sagutin ni Maris ang tawag niya. "H-hello..." "Hello, Aera," bati ng isang hindi pamilyar na boses. "AERA! Lumabas ka riyan!" sigaw ni Bart sa harapan ng gate ng bahay ni Aera. Uminom siya nang mag-isa sa lounge bar kanina pero sa halip na magpahatid sa penthouse ay sa bahay ni Aera siya nagpababa. Halata namang walang tao sa loob ng bahay dahil patay ang mga ilaw pero dahil lasing siya, hindi gumagana ang logic niya. "Harapin mo 'ko! Sabihin mo mismo sa 'kin na for the second time around, nagago mo na naman ako. At nagpakagago ako sa 'yo!" Halos isang linggo na ang nagdaan simula nang gabing ipinagtapat niya kay Aera ang tunay na nararamdaman. He decided to be true to himself and admit that he was stupidly in love with her. Pero paggising niya ay wala na ito sa mansiyon. Wala na ang mga gamit ni Aera at hindi ma-contact ito. Pinuntahan ni Bart ang bahay ng babae pero wala ito roon. Hindi rin ito ma-contact ng mga empleyado ni Polly. Umalis ang babae at iniwan siya. Iniwan na naman siya. Pagkatapos niyang tanggapin sa sarili na hindi niya kayang mabuhay nang wala ito. Handa na siyang patawarin si Aera at magsimula uli kasama ito. Gusto na niyang paniwalaan ang sinasabi nito—na baka hindi totoong nagtaksil ito sa kanya, na posibleng may ibang dahilan kung bakit ito napilitang sirain ang relasyon nila. Handa na siyang magpakagago para kay Aera dahil tinanggap na niya sa sariling mahal pa rin niya ito sa kabila ng lahat. Pero pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nila, bigla na lang itong nawala. Siguro ay bumalik na ang alaala ni Aera. At sa pagbabalik ng mga alaala nito ay nawala na rin ang feelings nito para sa kanya. Hindi na siya hinintay na magising para sabihin uli sa kanyang hindi na siya mahal nito. "Oh my god! Bart!" Lumingon siya nang may tumawag sa pangalan niya. Sa naniningkit na mga mata ay inaninag niya ang tatlong taong nasa likuran niya. Si Polly ang isa at mukhang kabaro nito ang dalawa pang kasama nito. "Bart, stop it," natatarantang sabi ni Polly. "Gabi na, Bart. Nakakabulahaw ka na sa mga kapitbahay. Baka sunduin ka na ng mga barangay tanod. Kumalma ka na, please!" Kanina pa may mga usyuso pero hindi pinansin ni Bart ang mga ito. "Sabihin mo kay Aera, lumabas na siya. Harapin niya 'ko. Hindi 'yong bigla na lang siyang aalis at pagmumukhain akong gago." Lumapit pa nang husto sa kanya si Polly. "Wala si Aera diyan. Hindi pa umuuwi 'yong gagang 'yon. Pero 'wag kang mag-alala. Sasabunutan ko 'yon pagdating at kakaladkarin ko papunta sa 'yo at bahala ka na kung anong ganti ang gusto mong gawin. Ibitin mo nang patiwarik o ipakain mo sa buwaya, tutulungan pa kita. Pero for now,  halika ka na muna. Ihahatid na kita sa bahay ko." Sinubukan siyang akayin nito paalis sa harapan ng bahay ni Aera. "Mamshie!" nandidilat na saway ng isa sa dalawang kasama nito. "Este," bawi ni Polly, "sa bahay mo." "Oh my gosh!" tili ng isang pang kasama ni Polly. "Palapit na ang mga tanod!" "Halika na, Bart!" nagpa-panic na yakag sa kanya ni Polly. "Kung ayaw mong makulong sa mabahong kulungan sa pinakamalapit na police station." Namimigat na rin ang mga mata ni Bart kaya nagpatangay na siya rito. Namalayan na lang niyang nakaupo na siya sa isang couch sa loob ng isang kuwartong mukhang beauty parlor. Nakatanghod sa kanya ang tatlong magkakabaro. Pumikit siya dahil parang hinihila na siya ng antok. "Tinawagan ko na si Allan. Sabi ko sunduin ang friend niya." "Tulog na siya, ses? Teka, kukuha ako ng tubig at bimpo para mapunasan siya habang hinihintay si Allan." "Ano kaya kung pikutin ko na 'to?" naulinigan niyang tanong ni Polly sa mga kasama. "Mamshie, maghunos-dili ka. Wala ka bang awa? Kita mo ngang broken na broken siya 'tapos maiisip mo pa 'yan?" "Gaga kasi 'yong Aerang 'yon!" ngingit ni Polly. "Naku, 'pag nakita ko talaga 'yon... Hindi pa siya nagkasya sa isang beses niyang sinaktan si Bart. Dinalawa pa niya!" "Haba ng hair ni Aera!" "Kakalbuhin ko talaga 'yong babaeng 'yon pagbalik niya dito!" "Pero ano na kaya ang nangyari sa kanya? Ba't pati tayo, deadma na?" "Baka nga kasi bumalik na 'yong memory niya. 'Tapos naalala niyang hindi na pala niya mahal si Bart kaya umalis at nagpakalayo-layo dahil sa guilt." "Guilt? Talaga? May guilt pa 'yong babaeng 'yon?" "Heto na 'yong tubig at bimpo." "Ako na ang magpupunas," prisinta ni Polly. Naramdaman ni Bart ang pagdampi ng basang bimpo sa pisngi niya. "Poor Bart... Bakit kasi hindi na lang ako ang minahal mo? Hindi ka sana nasasaktan nang ganyan ngayon." Maybe this was his fate. Parang sa daddy niya. Nakatakda silang magmahal ng isang babaeng magpaparamdam sa kanila kung paano maging tanga sa pag-ibig. Pero ayaw niyang tumandang tulad ng kanyang daddy na nagpakatanga buong buhay nito. Sana ay hindi siya magaya sa ama. NARATNAN ni Bart si Dave na nakaupo sa likod ng desk nito at kausap ang nakatayong assistant. Walang tao sa desk ng secretary sa labas ng opisina nito kaya pumasok na siya sa loob pagkatapos magbigay ng warning knock. "I need to talk to you," sabi niya sa pinsan. Sinabihan ni Dave ang assistant na bumalik na sa desk nito. Tumayo ito at iminuwestra ang couch bago ito maupo roon. "What can I do for you?" tanong ni Dave. Iniabot ni Bart sa pinsan ang dalang larawan. Nakuha niya iyon mula sa photo albums na naiwan ni Aera sa mansiyon. Iyon ang pinakahuling picture na nasa isang album. Just yesterday, natagpuan na lang ni Bart ang sariling binubuklat ang photo albums na muntik na niyang maitapon three months ago. Malayo ang kuha ng huling picture kaya naisipan niyang hilahin iyon para ilapit sa mga mata. Pagkatapos ay wala sa loob na i-f-in-lip niya ang larawan at natuklasan niyang may nakasulat doon. "Why are you giving me this?" nagtatakang tanong ni Dave matapos tingnan ang picture. "Turn it around." Sinunod siya ng pinsan. Pinagmasdan niya ito habang binabasa ang nakasulat doon pero walang kakaibang reaksiyon ito. Just a week ago, nakita ni Bart si Mark na may kasamang lalaki. Nagulat siya nang pasimpleng pisilin ni Mark ang isang pisngi ng puwit ng kasama. Out of curiosity ay nagpakita siya sa lalaki at halatang natakot ito nang makaharap siya. It turned out that Mark was gay. Isa itong closet queen at hindi sinasadyang matuklasan ni Aera iyon. B-in-lackmail daw ito ni Aera para pumayag na magpanggap na "kalaguyo" ng babae. Itatago raw ang sekreto ng sexual preference nito kapalit ng pabor na hiningi ni Aera. Ganunpaman ay hindi raw sinabi ng babae ang dahilan kung bakit kailangang gawin iyon. Totoo ang sinabi ni Aera na hindi ito totoong nagtaksil sa kanya. Kaya naisip ni Bart na posibleng totoo rin ang hunch nitong napilitan lang itong hiwalayan siya. Hanggang sa mabasa niya ang nakasulat sa likod ng huling larawan nilang magkasama. I love you, Bart. Our love story might have ended, but I know my love for you won't end here. I might love you forever. I'm sorry I have to let you go. We just can't be together, but my heart will always be yours. There was a date written below the note. Aera wrote those words three weeks after she dumped him. Tama ang hinala ni Aera. Hindi totoong nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Kaya malamang ay totoo ring may mabigat na dahilan kung bakit kinailangan nitong iwan siya kahit ayaw nito. Pagkatapos ay naalala ni Bart ang cryptic lines ni Dave na sa tuwina ay sinasabi sa kanya pero hindi siya nag-isip nang kung ano hanggang sa makumpirma niyang tama ang hinala ni Aera. His cousin seemed to know something about why Aera decided to leave her even though she still loved him. "May alam ka ba sa totoong dahilan kung bakit ako iniwan ni Aera noon?" tanong ni Bart sa pinsan na nakatitig pa rin sa likod ng picture na hawak. "If you know something, better tell me now before I learned it myself and do something terrible." Inilapag ni Dave ang larawan sa coffee table. "Pinaghihinalaan mo ba akong may kinalaman sa pakikipaghiwalay ni Aera sa 'yo?" "There's a possibility," direktang sagot niya. "Or it could be your mom who asked her to leave me." Dave snorted as if amused. "Why would my mom do that?" "To try to incapacitate me so I'd lose focus on my work and my performance drops. In that way, mas aangat ka. You and your mom see me as a threat to your corporate goals." Dave smirked. "Do you think we're that cheap?" Nilangkapan ni Bart ng pagbabanta ang tingin. "Kung hindi ikaw o ang mommy mo, sino? Tell me, because I strongly feel that you know something. Did someone forced or threaten her to leave me?" Dave took time to speak again. "You're a poor judge of character. Just because they don't like you doesn't mean they would automatically do you harm. Just because they treat you nicely doesn't mean they are sinless." Kumunot ang noo ni Bart. "Sinasabi mo bang—?" "Kusang ginawa ni Aera 'yon. Nobody had forced her to do that."

Between An Old Memory And Us - Heart YngridDonde viven las historias. Descúbrelo ahora